JENELYN: NAPALAPAT ako ng labi na napakasungit nitong magsalita at tumingin sa amin ni Lance na akala mo naman ay may nagawa kaming mali. "Mis Jen, prepare my coffee." Ingos nitong nagpatiuna nang pumasok. "Yes, boss. Boss kong hudyo." Parinig kong mahinang ikinahagikhik ni Lance na nasa likuran ko. Natigil naman si Noah na napapihit paharap sa aking muntik ko nang ikabangga dito. Mabuti na lang at nakapagpreno ako. Salubong lalo ang mga kilay na masama ang tinging ginagawad sa akin na napalapat ng labi. "What did you say?" masungit nitong tanong na ikinainit ng mukha ko. "Ahem! Wala po, boss." "Tss." Ismid nitong napairap pa kay Lance bago nagtungo ng kanyang mesa. "Haist. May regla ba siya? Siya pa may ganang magsungit sa aming dalawa? Ayos, Noah." Bubulong-bulong ko na mahinang

