JENELYN: PADAPA akong bumagsak ng kama na hindi ko na napigilang mapahagulhol. Gano'n niya ba kamahal ang babaeng 'yon at hindi niya makita ang totoong ugali niya? Ano pa bang kailangan kong gawin para sa akin na siya maniwala? Parang ako pa ngayon ang napasama sa kanya. Tinutulungan ko lang naman siyang magising sa katotohanan. Kahit hindi na niya ako piliin. Kahit hindi na niya ako panindigan. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko kung ayaw niya talaga. Pero sana manlang makinig din naman siya sa akin. Pakiramdam ko ay ako pa ang naging sinungaling sa amin ni Marga. Peste talaga ang babaeng 'yon. Napakagaling magdrama at lumusot. Bwisit siya! Nagngingitngit ang mga ngipin kong nanggigigil na kalmutin ang mukha niya. Ang sarap niyang gulpihin sa totoo lang. Natigil ako sa pag-iyak

