____
"Drink this". abot ni Adam ng isang basong tubig sa aking harapan. Halos manginig akong kunin iyon sa kanya dahil sa pagkakahikbi ko.
Lumuhod siyang pumantay ng tingin sa akin.
"Are you sure siya iyong nakita mo?" mahinahon niyang tanong. Alam kong may alam siya sa mga pangyayari noon, hindi ako naglihim lalo na noong nagdesisyon kaming bumukod sa aming mga magulang.
Isang tango ang aking tinugon. Malinaw pa sa akin ang nangyari sa bar, ang pagkakalingon niya sa tawag ko, ang sasakyan niya.
"Tinawag ko siya, lumingon siya pero hindi nga lang niya ako nakita sa dami ng tao sa bar" ani ko.
Isang malalim na paghinga ang ibinuntong niya. Umupo siya sa aking tabi. Ramdam ko ang mahinay niyang hagod sa aking likuran.
"Maybe I can do something about this, gusto mo bang ipahanap ko siya?" marahang tanong ni Adam muli. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"...if he is in the country, katulad ng sabi mo na nakita mo siya kanina, madali natin siyang mahahanap-" aniyang walang alinlangan.
Nanatili akong nakatingin sa kanya.
"I know what you did before April, alam kong ipinahanap mo siya" aniyang diretsong napalunok ako. Totoo iyon, ng nagdesisyon akong pumayag na bumukod kami ay sinubukan kong hanapin at makausap lingid iyon sa kaalaman ng aking mga magulang. Naghire ako ng private investigator noon, na ang sabi lang ay nakaalis ng bansa si Kent.
"Don't worry, wala akong sinabi sa mga magulang mo or sa Lola mo. I just happened na nakorner ang PI na hinire mo. I thought may suspicious motive dahil madalas ko siyang makita sa baba ng condo noon" aniyang hindi ako nakaimik.
"I'm sorry sa nangyari April" aniyang nanatili sa aking tabi.
"...magsabi ka lang kung gusto mong tulungan kita para mahanap at makausap si Kent. I am your friend, we are ally in this situation we are having, you can depend on me...I promise you that" dagdag niya.
Napabaling ako ng tingin sa kanya.
"T-talaga?"
"Oo naman, katulad ng pagtitiwala ko sa iyo ng sa amin ni Cindy. Hindi malalaman ng mga magulang natin ito besides I have all the means para maghire ng the best Private investigator" aniyang napatango ako ng marahan.
"Salamat"
"You're welcome, c'mon. Umakyat ka na para makapagpahinga. Aayusin ko ito first hour in the morning " aniyang akay patayo.
Kumalma akong nahismasan ng kaunti.
"Salamat Adam"
"Walang anuman bestfriend" tukso niya.
Napanguso ako.
"What? ako na ang bagong bestfriend mo!" biro niyang muli.
Napairap akong natawa sa sarili. Kung tutuusin nga ay kami talaga ang nagkakaintindihan sa sitwasyon namin.
"Siya, mag ayos ka na, mukha kang batang paslit na wala sa sarili kanina" kuda niyang muli na biro marahil ang tukoy niya ay ang aking wala sa sarili na buhok at walang sapin sa paa.
Isang mahinang katok sa aking pinto. Nagpapatuyo na lamang ako ng aking buhok. Pinagbuksan ko iyon. Si Adam na may dalang tray.
"Baka nagugutom ka, at nagdala na rin ako ng first aid kit sa paa mo" aniyang pinapasok ko sa aking kwarto. May maliit nga na sugat sa aking talampakan, napansin ko na lamang iyon habang naliligo kanina.
"Salamat" ani ko.
"Okay ka na ba?" tanong niyang muli na nakapamulsa.
Tumango ako. Nahimasmasan ako pagkatapos kong maligo.
"Magpahinga ka na pagkatapos, I 'll give you an update as soon as possible" aniyang muli.
Tumango ako. Pansin kong nakadmait panglabas pa rin siya.
"Salamat uli, ingat ka sa paglabas mo" ani kong tumango ito.
"Okay lang ba iwanan kita?" aniyang tanong muli.
"Oo naman," ayon ko.
"Okay then, Goodnight" aniya ng inihatid ko sa pinto ng aking kwarto. Tinanaw ko siya ng tingin sa pagbaba niya. Maswerte si Cindy sa kanya.
Humiga akong hinanap ang numero ni Kent noon, sinubukan kong idial iyon ngunit hindi na makontak. Sinubukan ko rina ng social media niya at ng kanyang mag kapatid ngunit wala akong makita, naka private iyon at naka block ako kay ate Kaye sa hindi ko malamang dahilan.
Tuluyan na nga ba akong kinalimutan ni kent? ...ng ganoon lang? taon ang binilang na magkasama kami noon. Gusto kong magalit sa kanya, ngunit sa kabila ng lahat gusto ko siyang makausap muna at makinig sa paliwanag niya.
Gusto kong magalit sa sitwasyon at obligasyon na iniatang ng aking pamilya sa akin, naging maayos at tahimik nga ang hidwaan ng pamilya namin. Kapwa nasa ibang bansa si Kuya at Tito ni Adam. Pilit silang pinag ayos,wala naman na din silang magagawa kasal na kami ni Adam noon. Umuwi si Ate na walang nagawa si Daddy kundi tanggapin siyang muli, inatake si Papa noong panahong iyon.
Tumunog muli ang telepono kong mensahe muli ni Adam at Amy.
------
"You're right, naandito nga siya" si Adam na nagbigay ng isang folder sa akin. Ang bilis ng imbestigador niyang nakakuha agad ng impormasyon. Itinerary iyon ng ticket kung saan siya nanggaling at data sa immigraiton kung kelan siya dumating.
"As far as I know, ite-take over niyang muli ang ilan sa bussiness nila" si Adam muli.
Sinuri ko isa isa ang inabot niyang dokumento. Halos isang buwan na si Kent sa bansa.
"U-uhm, a- are you ready to face him?" Si Adam na may alinlangan.
"Oo" mabilis na sagot ko. Gustong gusto ko na siyang makausap.
"P-paano kung mayroon na siyang asawa or girlfriend perhaps?" aniyang muli.
"Huh?"
Nagkibit balikat siya.
"Well, It's been months April and we don't know kung-" aniyang pinutol ko.
"Taon kaming magkakilala Adam, siguro naman-" ani kong hindi ko itinuloy, nasa denial perriod ako. Hindi ko alam ang sagot sa tanong niya.
"O-okay, maybe it's better kung makakausap mo siya ng personal. Nandyan ang itinerary niya sa weekend, may mga meeting siya sa lugar na iyan" aniyang muli sa magkasunod na papel na binigay niya.
"Salamat!" pilit na ngiti ko. May sa kaba sa aking dibdib.
"You're always welcome" si Adam muli. Lumapit ako sa aknyang yumakap.
"Salamat, hindi mo alam kung anong kaluwagan ito sa akin,ang may taong nakakaintinndi sa akin ngayon" sinsero kong tugon.
Natawa siya ng mahina.
"Well, it's a two way April, I am grateful to you too, kami ni Cindy"
Sinubukan kong pumunta sa building ng office nila ng araw na iyon ngunti hindi ko siya nakita kahit sasakyan man lang niya.
----
"So, okay ka na?" si Amy na inuusisa ako. Nakapangalumababa siyang sinusuri ako sa titig niya.
"Oo naman, salamat nga pala noong isang gabi" ani ko.
"Okay, alam kogn napakadiscreet mong tao friend. Matagal na tayong magkaibigan pero wala akong masyadong alam sa'yo bukod sa nag break kayo ng boyfriend mo noon" aniyang muli. Kaklase ko siya noon sa premed pero hindi kami malapit na magkaibigan at nang lumipat ako para sa proper med ko ay nagkataong pareho kami ng pinasukang university.
"Uhm, pili ka sa mga kaibigan eh, hindi ka rin naman pala gimik katulad ng mga kaklase natin noon. Uhm, medyo Ms. most behaved student ka eh" tuya niyang natawa ako. Hindi na ako pikon dito, masyado lang talaga siyang prangka.
"...so, siya ang reason sa bar hindi ba?" usisa niyang muli.
"Oo, nakita ko siya doon pero hindi ko nakausap"matapat kong sagot.
"Oh, okay"
Natapos ang klase naming nag aya si Amy sa Mall. Sumama ako, kasama ang ilang mga kaklase namin. Nagkanya kanya kaming lakad at napagdesisyunan na magkikita kita kapag kakain na lamang.
Iniwan ko si Amy sa isang Salon, pinili kong pumunta sa isang gift shop na mahagip ng tingin ko ang isnag bulto ng lalake sa labas ng shop. Mabilis ang pintig ng puso kong hindi ako nagkakamaling si Kent iyon, katulad ng sa bar. Hindi ko na kailangang maghintay pa ng weekend para mapuntahan at makita siyang muli. Nagmadali akong lumabas ng shop. Napalinga akong nawala agad siya sa paningin ko. Mabilis akong naghanap at sinundan ang kaparehong damit at bulto ng katawan na nakita ko na pumasok sa isang shop, siya nga iyon na may telepono sa kanyang tainga pagkuwa'y luminga saglit.
Ang bilis ng tibik ng aking puso na kumalma muna bago ko plinanong lumapit. Halos ilang dipa na lamang ako sa kanya.
"Kent" paghakbang kong napalingon siya. Nakangiti siyang napalitan iyon ng seryosong ekspresyon pagkakita sa akin.
Gusto ko siyang yakapin muli sa kabila ng lahat ngunit katulad niya ay napako rin ako sa aking kinatatayuan. Lumamlam saglit ang kanyang mga mata pagkuwa'y naging blangkong ekspresyon muli.
"K-kamusta?" piyok kong boses na tanong.
"What do you want April?" seryoso at buong boses niyang tanong. Natigilan ako doon.
"Hindi ba dapat-" lito at may hinanakit kong sabad sana ng may babaeng umangkla sa kanya. Ramdam ko ang pagnginit ng aking tuhod sa hindi ko malamang dahilan. Napatingin ako sa pagkakaangkla ng babae sa kanya.
"Sorry babe, nahirapan akong maghanap ng size" malambing na boses ng babae na nagpalit palit ang tingin ko sa kanila. isang matamis na ngiti ang isinukli ni Kent sa kanya.
"It's okay, kakapasok ko lang din dito" tugon na Kent na humapit sa baywang niya. Napatngin ako doon sabay sa kanyang maumbok na tiyan , nasa isang baby at maternity shop nga pala kami. Hindi ko napansin iyon kanina. Napakagat ako ng aking labi at pilit akong kumalma. Sabay silang napalingon sa aking gawi.
"Uhm, by the way Babe, this is April, an old friend of mine" pakilala niyang mabilis nangbaot ng kamay ang babae. Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko. Alam kong malamig pa sa yelo ang kamay ko ngayon. Inabot ko ang kanyang kamay.
"Nice meeting you April, I'm Aireen. Nakakatuwang makilala ka kasi madalang akong makameet ng kaibigan nitong asawa ko" aniyang ngiti.
Isang pilit at hilaw na ngiti at tango ang iginawad ko. Pakiramdam ko ang init ng pisngi ko at malamig ang buong katawan ko, ang gusto ko na lamang ay lumisan sa lugar na ito.
"Nagugutom na ako" bulong ng babae kay Kent.
"Would you like to come with us April? para naman makakwentuhan pa kita, please...." aya ni Aireen.
"Ha?" H- hindi na, hindi na. M-May mga kasama ako" pilit kong tugon. Umakbay muli si Kent sa kanya na may ibinulong, parang nagkaugat ang paa ko sa kinatatayuan ko. Gusto ko ng umalis pero hindi ako makahakbang.
Nagpapaalam silang mauna na tinanguhan ko ng maramdaman ko ang akbay sa akin
"I'm sorry, I'm late" Napaangat ako ng tingin sa taong iyon. Si Adam na mukhang nakapang opisina pang suot. Huminto saglit sina Kent.
"Naandyan na pala ang sundo mo" ngiti ni Aireen.
"Naghintay ka ba? Hi, I'm Adam" si Adam na nakipagkamay sa kanila.
****