A year after...
"Hi!" boses sa likuran ko. Gulat akong halos maibuga ko ang iniinom ko.
"Bakit parang gulat na gulat ka?" ngisi ni Adam na naglapag ng gamit sa countertable.
Napanguso akong ibinaba ang hawak ko.
"Ginulat mo ako! ang dilim ng buong condo tapos biglang susulpot ka?" irap ko. Natawa siya lalo.
"Tsk! matatakutin ka pala" tukso niyang kumuha ng sariling inumin sa fridge.
"Hindi no, kaya lang me sa ninja ka lang talagang pumasok, wala man lang akong narinig na yapak mo" reklamo kong muli. Umupo ako sa paborito kong pwesto sa aming dining table. Halos hatingggabi na, nagsusunog ako ng kilay para sa aming oral at written revalida, bumaba lang ako ng makaramdam ako ng gutom.
Natawa siyang umiling. Naupo rin siya sa harapan ko.
"May dala ako from Cebu" aniyang tumayo muli. Inilabas niya ang kanyang dala isa isa.
Para akong batang natuwa sa pasalubong na dala niya. Inilabas niya ang paborito kong chicharon at dried mangoes.
"Salamat dito" ngiti ko. Itinabi ko iyon sa katabi ng hinihintay kong cup noodles.
"Tsk! magiging doctor ka ba talaga? hindi mo ba alam na unhealthy 'yang kinakain mo?" aniyang iling.
"Ang arte naman, eh nagutom ako! natamad na akong mag init ng ulam, ito ang pinakamadali eh" sagot ko.
Umiling lang siya. Inalok kong tumanggi naman, pinapanood lamang niya akong kumain.
"...kamusta ang bussiness meeting mo?" tanong ko.
"Okay naman, May sign-agreement na sa investor natin" ngiti niya.
"Oh? ang galing naman" puri ko, maalam nga siya sa negosyo. Nagkaroon din ng ilang merging sa family bussiness namin at kanila. Nag invest si Lola at si Daddy sa construction firm nila ganundin nag magulang niya at si Dona Isabel sa restaurant bussiness namin.
"Wala namang mahirap dun, it was an easy deal, madaling mabasa ang isip ng ka-meeting kong 'yon" pagmamayabang niyang napataas ako ng kilay.
"...besides, dinaan ko lang sa charm at konting bola-" aniyang natawa akong sumabad.
"Konting preno naman diyan Kuya!" biro kong napanguso ito.
"...conceited eh?" dagdag kong biro muli. Napahalakhak siya.
Sa maraming buwan naming magkasama ay nakapalagayan ko na ng loob si Adam. Itinuloy ko ang pag iisang dibdib namin, katulad ng plano nila Lola. Pagkatapos ng gabing iyon, ay nagkulong ako ng ilang araw sa kwarto.
Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa aking isip ang laman ng sulat ni Kent. Hindi siya sumipot, nagbago ang kanyang isip. Sinubukan ko siyang puntahan sa kanilang bahay ngunit hindi ko siya nakausap bagkus ang Ate Kaye niya ang humarap at ipinagtabuyan ako. Wala akong naging balita sa kanya ng nakalipas na sampung buwan.
"Hey, you okay?" pitik ng kamay sa aking harapan.
Napabalik ako sa ulirat.
"You're spacing out again" si Adam na hindi ko namalayang nasa gilid ko na.
"Huh? hindi ah" pagsisinungaling ko. Pero may malaking kurot pa rin sa aking dibdib tuwing naalala ko. Itinuloy ko ang planong kasal, at nagfocus sa aking pag aaral.
Nadismaya si Mama noong panahong iyon, alam kong malaking pagkakamali ang nagawa ko, si Papa naman ay kalmado ngunit alam kong nabigo ko rin siya. Nang alukin ako ni Adam na bumukod ay pumayag ako, nahihiya ako kina Mama at para na rin makapag focus ako sa pag aaral. Nagkasundo kaming manirahan sa kanyang condo. May mga kompromiso kami sa isa't isa. Hindi ako makikialam sa kanya pribadong buhay at ganundin siya sa akin, ngunit sa harapan ng aming pamilya ay kailangan naming magpanggap na tanggap namin ang pagpapakasal sa amin.
"Tsk! wala ka sa sarili April! 'yang noodles mo kanina pa nakabitin sa ere" iling niya.
"Hindi no, sinadya kong palamigin ng kaunti" palusot ko.
"Tsk! papalusot pa" aniya. Natawa ako. Mas naging malapit kami ni Adam, madali niyang nakuha ang loob ko. Alam kong mabuti siyang tao, disente hindi mapagsamantala...nakakita ako ng malapit na kaibigan sa kanya.
Tatayo sana siya ng may naalala ako.
"Ops saglit lang po, nakausap mo na ba si Cindy?" tanong kong tukoy ang kasintahan niya. Maswerte sila sa isa't isa. Mahal ni Adam si Cindy ganundin ang isa na pumayag sa plano ni Adam, isang kasunduan lang naman iyon.
"Ha? Oo, sumunod siya sa Cebu-" aniyang napangiti ako ng malapad.
"Naku, wag mo ngang masyadong iniistress 'yang si Cindy mo, baka mauntog at magbago ng isip at iwan ka. Ikaw din, magsisi ka...maganda pa naman ihang girlfriend mo, seksi pa tapos-" tukso kong napairap ito. Sa kalaunan ay kahit si Cindy ay nakapalagayan ko na rin ng loob. Naging malapit siya sa akin marahil alam niyang hindi naman ako threat sa kanilang relasyon, may mga panahong kapag may tampuhan sila at lumalapit sa akin ang isa ay gumagawa ako ng paraan para magkausap sila. Ayaw kong masira ang magandang samahan nila dahil lang sa sitwasyon namin, ayaw kong matulad sila sa amin ni Kent.
"Shut up" irap niyang natawa ako. Alam kong malapit na siyang mapikon.
"Pinapaalala ko lang sayo Kuya!" ganti ko.
"Tss, that will never happen April Katherine. Mahal ako ni Cindy"irap niyang iniwan ako sa aming dining. Natawa ako.
Kung sana lang ganoon din kami ni Kent noon...hanggang ngayon ay napapaisip ako.
———
Nagkagulo kami sa aming bulletin board. Abo't abot ang kaba ko sa paghahanap ng aking pangalan sa pumasa. Nasa kalagitnaan na ako ng ikatlong taon ko sa medisina.
"Yes!" bulong ko sa sarili ng nakita ko ang aking apelyido. Saavedra, April Katherine.
"Nakita mo na sa'yo?" tanong ni Amy, kaklase kong pinakamalapit kong kaibigan.
"Oo," ngiti ko ng malapad.
"Thank Heavens! natapos din!" aniyang natawa ako.
"Oo naman, makakapagpahinga na rin tayo!" aniyang muli na napapalakpak.
"Unwind tayo!" aya niya kasama ang ilang ka block mates ko.
Umangkla siyang pilit akong hinihila. Pilit naman akong kumakalas.
"Girl, Hindi ka sasama??!" eksaherado niyang tanong.
"Amy, kung ang unwind mo eh wal-wal, pa past muna ako" tawa ko.
"Ang KJ mo teh!" maarte niyang angkla muli.
"Nope, hindi ako KJ, me importante lang akong lakad ngayon" palusot ko, ang gusto ko na lang ay matulog buong araw.
Napahikab ako.
" Kayo ba hindi pa pagod at puyat?" tanong ko sa kanila. Ang iba ay gustong tumanggi siguro, ang iba naman ay gustong mag walwal talaga.
"Hayst, o siya siya! kapag nagbago ang isip mo, punatahan mo kami sa bar na ito" si Amy muli na inabot sa akin ang papel, nakalagay doon ang bar na pupuntahan nila.
Pinili kong umuwi para makapagpahinga pero pagdating sa bahay ay hindi na ako dalawin ng antok. Nakatitig lang ako sa kisame sa kawalan.
Naisip kong muli si Kent, kung kamusta na ba siya o kung naiisip man lang ba niya ako?
Ramdam ko pa rin ang kurot sa aking dibdib.
Tumunog muli ang aking telepono, Si Amy na namimilit pa ring sumunod ako.
Nagpasya akong sumunod.
Laking tuwa niya makita akong paparating.
"Wohoo! Let's cheers for April!" tukso niya.
"I love you na sis!" aniyang tukso. Halos lahat naman ay nagsasaya, iba rin ang pakiramdam na nakatapos ng isang exam. Nakakagaan ng dibdib.
Inabutan ako ni Amy ng inumin.
"Soft lang 'yan" aniya.
"Tigilan mo ako Amelia," ani ko.
"...kaya mo ako pilit na niyaya rito para may driver ka mamya" wika kong natawa siya. Marunong naman akong magmaneho ngunit madalas sa driver ako nakahabilin.
"Ay grabe siya! judgmental mo teh! gusto ko lang mag relax" aniyang angkla muli sa akin. Napataas ako ng kilay.
Pinagusapan ang terror naming prof sa isang major subject, at ang clinical instructor naming ubod ng perfectionist. Nag ayang sumayaw ang iba, pinili kong umupo lamang at makinig sa usapan nila. Napatingin ako sa dance floor na punuan rin, hindi magkamayaw ang mga nagsasaya.
"CR muna ako" paalam ko ke Amy. Nagprisinta siyang samahan ako ngunit tumanggi na ako. Kahit sa pila ng CR ay punuan din, napasulyap ako ng mahagip ko ang isang mesa. Napakurap akong muli na tumitig sa isang lalakeng nakatayo doon, hindj ako pwedeng magkamali...si Kent iyon.
Sigurado ako, sa klase ng tindig niya kahit nakatalikod pa o nakagilid ay alam kong siya iyon.
Mukhang paalis na siyang nagpapaalam siya sa kanyang mga kasama.
Nagmadali akong sundan siya, halos itulak ko ang aking mga kasalubong at mga nakahara sa daan.
"Kent!" sigaw kong lumingon siya ngunit hindi niya nakita.
Masyadong masikip ang lugar, malayo na siyang tanaw ko pa rin ang kanyang likuran.
"Kent! Kent!" sigaw kong nakita kong lumingon siyang muli at nagpatuloy sa exit ng bar.
Itinulak ko ang mga nakahara sa aking daraanan para mahabol siya, sa hindi inaasahan ay halos natapilok ako sa pagkakaputol ng heels kong suot. Mabilis kong hinubad ang suot kong sapatos para makahabol sa exit door.
Halos takbuhin ko ang labasan ngunit tanging sasakyan lamang niya ang aking nakita paalis na.
Nanlumo ako. Napaupo ako sa gutter sa gilid ng bar. Napatitig ako sa kawalan, sigurado akong si Kent iyon. Lumingon siya! narinig niya ang tawag ko, kaya lumingon siya!
Ngunit bakit hindi siya nagpakita sa akin?
Ramdam ko ang lamig sa aking balat. May sa bara sa aking lalamunan at init sa aking mata, hindi ko alam kung gaano ako katagal na nasa labas.
"April!" Si Amy na aligagang mukhang naghahanap sa akin.
"Anong nangyari sa'yo?" aniyang ipinatayo ako.
"Ha? W-wala, wala" iling ko.
"Are you okay? bakit ka naandito? ang sabi mo mag C-CR ka lang, hinanap kita tapos wala ka naman doon" aniyang lumuhod na ipinatayo ako.
"April..."
"P-pwede mo ba akong ihatid sa bahay?" ani kong wala sa sarili.
"Ha? Oo! oo naman! pero-"
"Gusto ko ng umuwi Amy, please..." pakiusap ko.
"O-o sige sige" aniyang lito ring pares ko.
Madali kaming nakarating ng condo. Tahimik ring pares ko si Amy sa buong byahe marahil nakikiramdam.
Humaplos si Amy sa aking palad.
"I am worried April, ayos ka lang ba talaga?" aniyang mas mababang boses.
Tumango akong pilit na ngumiti. Hawak ko pa rin ang sandals ko.
"Thank you" ani ko bago lumabas ng kanyang sasakyan.
"O-okay," aniyang tango.
Wala sa sarili akong napaakyat kung saang floor ako. Hindi ko na napansin kung may mga tao ba sa lobby ng condo, ang gusto ko na lamang ay makaakyat. Ramdam ko ang sakit ng paa kong paniguradong mamamaga iyon.
Hinanap ko ang card key ko na siyang pagbukas din ng pinto.
"April?"
Pilit akong ngumit, si Adam na papalabas siguro.
"Goodness, what happened to you? bakit ganyan ang hitsura mo?" aniyang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napatingin siya sa paa kong walang sapin.
"Anong nanyari sa'yo?!" aniyang pinapasok ako sa condo. Hindi ako nakaimik ngunit ramdam ko ang init sa aking mata.
"S-si K-kent Adam, nakita ko siya...n-nandito s-siya" halos garalgal kong tugon.