Let me be the one 4

1428 Words
"Saan ka nangggaling Apo?" si Lola na bumungad sa akin. Napalunok akong hindi nakasagot agad. Napatingin ako sa grandfather's clock naming nakadikit sa dingding, alas diyes na ng gabi. Bibihirang inaabot ng gabi si Lola sa aming bahay. "April," si Mama na sumalubong din sa akin. Ngumiti ako ng pilit. Humalik ako sa kanyang pisngi pagkuwa'y binulungan akong magmano sa aking Lola. Nagmadali akong gawain iyon. "Where have you been? kanina pa kami naghihintay sa'yo, hindi mo rin sinasagot ang telepono mo" tuloy tuloy na sambit ni Lola. "M-may inasikaso lang po akong school stuff 'La" pagsisinungaling ko. Inabot kami ng gabi sa pag uusap namin ni Kent. Tumango si Lola na napangiti. Inakay ko siya sa aming living room. "Ma, bawal pong nagpupuyat sa inyo" si Mama  na nakasunod sa amin. Natawa si Lola. "Alam ko Criselda, gusto ko lang makausap ang apo ko bago ako umuwi" si Lola muli na hinatak akong maupo sa tabi niya. " Adam was here while ago, nagdinner na siya dito. Hindi ka na niya nahintay kaya nakaaalis na bago ka pa dumating" mahinahong sambit ni Lola na humaplos sa palad ko. Napangisi siyang hinaplos din ang aking engagement ring. Maigi na lamang at madali ko iyong isinuot bago makapasok ng bahay kanina. "S-sorry po 'La, hindi -" "It's okay, pero sana ay hindi na ito mauulit Apo" si Lola na humahaplos pa rin sa aking palad. Napatango ako. "You will be committed to their family April, we will be one family. Sa ganoong paraan, matitigil na ang matagal na hidwaan ng pamilya natin. It's time to make at peace with them. You're commitment with them, especially to Adam ang magiging tulay para sa ikatatahimik ng lahat" malumanay na sambit ni Lola na napahinga ng malalim. Hindi ako makaimik, gusto kong magreklamo, ngunit parang walang boses na gustong lumabas mula sa akin. "...soon, ang magiging priority mo higit kaninuman is your husband, your family" patuloy ni Lola. Pumisil siya sa aking kamay ng bahagya. Napatingin ako kay Mama na lumamlam ang matang marahil alam kung ano ang nasa puso at isip ko. "Adam is a good guy. He is responsible, smart at disenteng bata. Pumunta siya dito kanina to ask permission from your dad kung pwede kayong lumabas sana" patuloy ni Lola. Napatungo ako. "...you will learn to love him April, I'm sure of that" ngiti ni Lola na humalik sa aking pisngi pagkuwa'y nagpaalam na. Hapo akong umakyat sa aking sariling kwarto. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon, magdamag yata akong dilat ang matang nakatitig lang sa kisame. Gulong gulo ako, nanimbang ako ng mga bagay bagay... higit sa ano pa man, ang kinabukasan ko ang nakasalalay dito. Mugto ang aking mga mata pagbangon ko. Nadatnan kong pinaghahandaan ni Mama si Papa ng almusal. Hindi ko maiwasang humanga sa kanilang dalawa, ramdam ko ang pagmamahal ni Mama kay Papa ganundin si Papa sa kanya. Kahit noong maliliit pa lamang kami ay saksi ako sa maganda at mapagmahal nilang samahan. Si Mama na maasikaso at laging naandyan para kay Papa at si Papa na hindi mangingiming ipakita ang paghanga at pagmamahal kay Mama. Gusto ko rin ng ganoon... ang magmahal at mamahalin, ang makakasama ko sa habang buhay ay ang mahal ko. "April" si Papa na nagbaba ng kanyang suot na salamin at dyaryong hawak. Napabalik ako sa ulirat at dumiretso sa kanilang gawi. "Good morning Pa" halik ko sa kanyang pisngi ganundin kay Mama na iminuwwestra na maupo na ako sa hapag. "Late kang umuwi kagabi anak?" si Papa na sumimsim sa kanyang kape, napalingon akong nakatitig siya sa akin, para akong sinusuri sa klase ng kanyang tingin. "O-opo Pa" malumanay na sagot ko. Tahimik kaming nagpatuloy ng umagahan. Nagtanong si Papa tungkol kay Ate Ara. Hindi makasagot si Mama ng diretso kay Papa. "May problema ba Criselda?" si Papa kay Mama. Tumayo akong yumakap mula sa kanyang likuran. "Pa, wag ka ng mag alala pa para kay Ate" suyo kong napatingin kay Mama. Umiwas ng tingin si Mama. "...uuwi rin iyon," dagdag ko. Humaplos si Papa sa aking braso na nakayakap mula sa kanya. "Hindi naman sa ganoon, kaya lang medyo matigas ang ulo ng Ate mo" si Papa muli. Isang malalim na buntong hininga ang iginawad ni Papa. "...nagpapasalamat akong meron pa akong isang anak na katulad mo" ani ni Papa na umupo ako sa kanyang tabi. "I know na naiipit ka Anak sa sitwasyon mo, pero gusto kong malaman mo na-" "Leandro..." si Mama na sumabad. "...wag mo ng guluhin pa ang isip ng anak mo" ani ni Mama, gusto kong tumutol. Kung alam lamang ni Mama kung anong tumatakbo s aisip ko ngayon. "She is decided, hindi ba April?" si Mama na lumapit kay Papa para abutan ng pang umagang gamot niya para sa kanyang puso. Napabuntong hininga si Papa na humaplos sa aking ulunan. "Dadalaw kami sa Kuya mo ngayon April, sasama ka ba?" baling ni Mama sa akin. Napatango ako ng marahan, napatingin ako kay Papa na nakatitig lamang sa akin. "O-opo" marahang sagot ko. Napangiti ako ng tipid kay Papa, malaki na ang itinanda niya nitong mag nakaraang buwan sa patong-patong na problema ng pamilya. Hindi pa rin nagkakamalay ang isang Mondragon, samantalang si Kuya ay kahit critical sa dami ng bali sa buto ay mas maayos kaysa sa huli. Natapos ang agahan ng bumalik ako sa aking kwarto. Matama kong iniisip ang sitwasyon. Ang kalayaan at kinabukasan ko laban sa obligasyon ko sa pamilya. Napabalik ako sa ulirat sa pagtunog ng aking telepono. Prepare this coming weekend- text iyon mula kay Kent, dalawang araw mula ngayon. Kasama ang oras at kung saan kami magkikita. Nagtipa ako ng aking mensahe pabalik. Pumapayag ako sa kung anong plano niya para sa amin. Mahal ko si Kent, alam at ramdam kong mahal niya rin ako ng higit kaya niya naiisip gawin ang plano namin. Kahit nalilito ako noong nakaraang mga araw sa kung anong dapat gawin ay napagdesisyunan kong sundin ang aking puso. Ang kinabukasan ko ang nakasalalay dito. Isang liham ang ginawa ko para kay Papa at Mama. Maaring mabibigo ko sila pero alam ko ring maiintindihan nila ako pagbalik ko. Nag ayos ako ng aking dadalahin, konting gamit lamang iyon sa aking bagpack. Isinuksok ko iyon sa gilid ng aking closet. --- "Good evening po" gulat ako sa pagbukas ng pinto. Si Adam. Mabilis siyang nagmano sa aking mga magulang. "Dumalaw po kami kay Tito, kasama ko po si Lola" aniyang napatingin sa akin. Isang tango ang iginawad ko. Tumayo si Mama na sumalubong sa pinto. Pumasok nga si Dona Isabel kasama ang kanyang private nurse. Humalik si Mama sa kanyang pisngi, ganundin si Papa. "April," si Mama na lumingon sa aking gawi. Mabilis akong tumayo para magmano rin. Yumakap si Dona Isabel pagkatapos. Niyakag ni Mama ang matanda sa sofa sa isang gilid, pinagmamasdan ko silang desidido nga kahit sina Mama na magkaayos ang dalawang pamilya. Iyon din ang aking nais ngunit mas nangingibabaw sa akin ang hinaharap kasama ang aking mahal. Napatungo ako ng may pait, hindi ko alam kung anong kakahitnan ng desisyon namin ni Kent. "Gusto mong lumabas?" boses sa aking tabi na nakapagpabalik sa aking ulirat. Lumingon sa gawi namin sina Papa. "April, magmeryenda muna kayo sa labas" si Mama sa akin. Nakangiti naman si Dona Isabel. "Sige na apo, balikan mo na lang ako mamaya" sang ayon ng matanda. Sumunod ako kay Adam sa labas. "We can go to nearby restaurant or coffee shop" aya ni Adam ng palabas kami ng kwarto ni Kuya. "S-sa coffee shop na lang sa itaas" pahayag ko. Napalingon siya sa gawi ko. "U-uhm, may coffee shop dito, sa itaas na floor" ulit ko. "Oh, okay...dito ka ba nagiintern?" aniyang sunod sa akin. Umiling ako. "Not exactly nag iintern, pero nag cliclinical kami dito...uh, hindi pa naman siya formal na internship talaga" paliwanag ko. Ngumiti naman siyang tumango. Naghintay kami sa lift hanggang bumukas, pumwesto ako sa likuran na siya nama'y tumabi sa akin. Marami rin papasok ng lift. Napatingin ako sa kanyang gawi, desididong desidido na ba siya sa planong kasal namin? hindi man lang ba siya nagdadawang isip? hindi ba niya pinagdadaanan ang dilemmang katulad ng akin? Sabi niya meron siyang mahal, ayos lang ba sa kanyang girlfriend ang desisyon niya? Lumingon siya sa gawi kong ngumiti ng tipid, marahil pansin ang pagkakatitig ko sa kanya. May mga pumasok pa sa lift. Umusog kami pareho paatras, gumilid akong humakbang siyang pumwesto sa aking likuran, ramdam ko ang pagdantay ng kanyang isang palad sa aking braso at isa sa aking balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD