Let me be the one 3

856 Words
*** "No way April," tanggi ni Kent. "Kent please..." sumamo ko. Yumakap ako sa kanyang likuran. Nanatili siyang nakahalukipkip. "Kent please, sa papel lang iyon. Nag usap na kami ni Adam, kailangan lang naming magkompromiso, kahit siya ay tutol din dito-" paliwanag kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakayakap ko sa kanya. " Do you think I would agree April? Saan ako doon? Sideline mo? You are committed to me April, baka nakakalimutan mo!" aniyang lumayo sa akin, sinundan ko siyang muli. "Babe please..." hawak ko sa kanyang braso. "No, you listen to me" aniyang mas mahinahon na. "We'll elope. Itatanan kita, kung yun lang ang paraan. Sumama ka sa akin-" aniyang humawak sa magkabilang pisngi ko. "Kent..." "If you really love me, sumama ka sa akin" aniya pang muli. Napatungo akong inangat niya ang aking baba para matingnan siya sa mata. "Kent, kausapin na lang natin sina Papa, baka naman-" "Sa tingin mo papayag ang pamilya mo?" Aniyang natawa ng bahagya. "...pumayag ka na nga diba? nakipagkita ka na nga sa pamilya ng lalakeng iyon!" Napaupo ako sa bangko. Kahit ako ay gulong gulo, mayroong parte sa isip at puso ko na papayag sa gusto ni Kent, ngunit meron ding parte sa akin na gustong matuldukan na ang lumalalang away ng pamilya namin at ng kabilang kampo. "If you really love me, susundin mo ang gusto ko" si Kent na hindi ko namalayang tumabi sa akin. "Babe..." aniyang ipinaharap akong muli sa kanya. Napatango ako ng marahan na wala sa sarili. " Kung talagang mahal mo ako, susundin mo ako...sa gusto ko" aniya pang muli. Tumabi siyang humarap sa akin. "This is your life April, wag kang papadikta sa gusto ng pamilya mo. I love you, magtatanan tayo, kaya kitang panagutan at buhayin" aniyang hawak sa magkabilang pisngi ko. Nakatitig lamang ako sa kanyang naninimbang...mas malaki ang porsyento na gusto kong sumama sa kanya. "Are you with me?" mahinang tanong niyang napatango ako. "Good, we'll plan this out" aniyang humawak sa aking palad. "Kent, si Papa...baka pwede nating pakiusapan, hindi rin siya ganoong kasang ayon sa kasal na iyon. Kausapin mo siya, or kung gusto mo kausapin nating dalawa, haharap tayong dalawa" pangungumbinsi ko. Mas maiging maiintindihan ni Papa ang gusto ko, kahit papaano ay hindi iyon magdudulot ng sobrang sama ng loob sa kanya. "No, nakikita ko na ang mangyayari! hindi papayag ang Papa mo! susunod at susunod siya sa gusto ng Lola mo" aniyang tumayong napasuklay sa kanyang buhok, frustrated din siyang katulad ko. "Babe, subukan natin" pangungumbinse ko. "...please Kent, maysakit si Papa. Kapag umalis tayong hindi niya alam baka mapano siya lalo" ani kong tumayong pilit siyang pinapaharap sa akin. "...babe, subukan nating kausapin si Papa. Mas maigi kung tayong dalawa ang haharap sa kanya, kausapin mo siya sa intensyon mo sa relasyon natin, then we'll figure out kung anong gagawin natin pagkatapos. Kahit papaano hindi mabibigla si Papa, kaysa malaman niyang bigla tayong mawala at magtanan" paliwanag ko. "...ayaw ko ng dagdagan pa ang sama ng loob ni Papa Kent. Ang ate ko hindi pa din umuuwi, tapos kapag nawala pa ako ay baka lalo mapasama ng husto ang lagay niya" dagdag kong tumalikod siyang umiling. "I don't want to take the risk sa plano natin, my decision is final. If you really love me, choose me April" buong boses niya. Yumakap ako sa kanya. "Kent, please..." "Choose me babe" aniyang muli. Humawak siya sa magkabilang pisngi ko. "Kent..." "Magkita tayo the next day. I will text you the address at kung anong oras, just pack lighter things para hindi ka mahirapang makaaalis sa bahay ninyo" aniyang sabi. "Mahal kita kaya ko ginagawa ito para sa ating dalawa. I promise you magsisikap ako para sa ating dalawa. I maybe not as rich sa nirereto ng pamilya mo sa'yo pero hindi ka rin maghihirap sa akin" aniyang may paglamlam sa mata. Hindi ko napigilang mag init ang sulok ng aking matang napatango. Bakit napakakomplikado ng sitwasyon ko? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang sa piling ng taong mahal at gusto ko talaga ng walang masasaktang ibang tao? "Are you sure about this?" mahinang tanong ko. "Yes, 100%" aniyang sagot. "Papaano ang pamilya mo? ang mga kapatid mo?" tanong kong muli. Siya din ang nagiisang lalake sa magkakapatid. Hindi man siguro siya ganoon kayaman katulad ng pamilya namin o nina Adam ay maalwan ang kanilang pamumuhay. May bussiness din silang katulad ng pamilya namin, ang ilan ay siya na nangangasiwa. "They will understand, I will make them understand. Ganundin sa'yo, we'll elope at pakakasalan muna kita. Then, saka tayo haharap at kakausapin natin ang pamilya mo" aniyang napatango ako. "So," "Okay, pumapayag na ako" sambit ko. "Good, and wag mong babanggitin sa kahit kanino kahit sa Papa mo. I don't want to take the risk, you know how powerful your grandmother is" aniyang napatango ako ng marahan. "I will carefully plan this out" aniyang humalik sa aking sentido. Napapikit akong sana hindi ako nagkakamali sa desisyon ko. Sana maiintindihan ako ni Papa. I am torn between my duty to my family and my love for him...at siya ang pinipili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD