Let me be the one 2

1379 Words
Inayos ko ang bestida kong suot pagbaba ng sasakyan. "I have to do this, no, I badly needed to do this" mantra ko sa sarili. Kailangan kong pakalmahin ang aking sarili. "Ma'am, kanina pa po kayo inaantay" salubong ng sekretarya ni Lola. Napatango akong huminga ng malalim. Tanaw ko na ang mahabang mesa sa loob ng restoran. Isinara ang restoran kaya tanging kami ang nasa loob. Hindi ko kilala ang nasa kabilang parte ng mesa. "April" boses ni Lola na diniretso ko ng tungo. Nagmano ako. Hinanap ng mata ko si Papa. Nakatingin siya sa akin na ngumiti ng tipid. "Pa" bati kong humalik sa noo niya at kay Mama. "So, is this her?" boses sa harapan naming napasulyap ako. Kilala ko siya, si Dona Isabel. nakangiti siya ng malapad. "Yes" magiliw na sagot ni Lola. "...April apo, come here" ani ni Lola na bumalik ako sa tabi niya. Napatingin ako sa pamilya sa kabilang parte ng mahabang mesa. Hinanap ng mata ko sa kung sino sa kanila ang mapapangasawa ko. "Isabel, this is my grand daughter April Katherine ani ni Lola na humapit  sa baywang ko. "Magandang gabi po" ngiti ko. "Magmano ka" bulong ni Lola na sinunod ko. Nagmano akong pinaunlakan niya akong tumayo pa, inalalayan siya ng kanyang private nurse. "Nice meeting you hija" aniyang yumakap at humalik sa kabilang parte ng pisngi ko. Napangiti ako. "Salamat po" mahinang tugon ko. Umupo siyang muli sa bangko niyang hawak ang aking palad. "This is your Tito Jun and his wife Cleofe" turo niya sa katabing mag asawa. Bumati ako bilang paggalang. "Ang mga apo ko sa kanila" turo niya sa nakasunod na mga teenager na babae at isang batang lalake. "... and your Tito Levi and his wife Maridel" turo niya sa kasunod na magasawa. "... and ang mga apo ko sa kanila, Alyna , their eldest daughter, Alex , yung bunso" turo niya sa batang lalake na pakiwari kong nasa elementary pa lamang. "...and of course, Adam Kyle" aniya sa taong nasa pinakadulong parte ng mesa. Nagtama ang paningin namin. Tumayo siyang tumungo sa gawi namin. "Adam na lang" aniyang nagalahad ng kamay. Tinanggap ko iyon. Ngumiti ako ng tipid na nakatingala, mataas siya sa akin. Mas mataas siya kay Kent. "April na lang din" sagot ko. "Bueno, paupuin mo muna si April Apo" ani ni Dona Isabel. Umikot ako sa kabilang mesa, sumunod siyang ipinaghila ako ng upuan sa tabi ni Mama, katapat niya iyon. Nagtawag si Lola ng maghahain ng pagkain sa mesa. Napatingin ako sa tapat kong nakatitig lang ang ilan sa mga apo ni Dona Isabel, nakangiti naman si Alex, sinuklian ko ng ngiti iyon. Napasulyap ako sa gawi ni Adam, matama lang siyang nakakatitig. "Here, you eat first" abot ni Mama sa akin sa isa sa nakahanda sa mesa. Napatungo akong itinuon ko ang pokus ko sa pagkain kahit hindi ko iyon nalalasahan. Nasa isip ko si Kent. "...so when is the prospective date?" boses na nakapagpalingon sa akin. "As soon as possible" ani ni Dona Isabel, umayon si Lola. Halos bumagsak ang balikat ko, this is really happening. "If it is possible within this month" ani ni Lola nahalos nasamid ako. "This month?" halos sabay naming tugon ng taong nasa tapat ko. "Yes, we have all the means, kayang ayusin ang kasal ninyo ngayong buwan" ani ni Dona Isabel. "U-uhm," ani kong sasabad sana ngunit inunahan ako ni Lola. "The sooner the better apo" aniyang wala akong nagawa kundi tumango. Ramdam ko ang pagpisil ni Mama sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Ngumiti ako ng tipid, ayaw ko silang bigyan pa ng karagdagang problema. "This will be the wedding of the year" aning muli ni Dona Isabel. "U-uhm, pwede po bang intimate wedding na lang?" maliit na boses ko. Napatingin ako kay Mama at kay Adam na matama lang na nakikinig. "Why? mas maganda Apo kung engrande ang kasal ninyo" sabad ni Lola. "I agree with your Lola-" ani ni Dona Isabel. "Ma, hindi ba pwedeng ang mga bata ang magdesisyon niyan?" sabad ni Tita Maridel, mommy ni Adam. "What do you think Adam?" sabad ni Mama kay Adam. "If my bride wants it, okay lang po sa akin" aniyang napatingin ako sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag, iniisip ko so Kent, ayaw ko ng dagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya. "Very well, kung iyon ang gusto ninyo...pero kami ang mamimili ng mga principal sponsors ninyo" sabad ni Lolang muli. Napatingin ako kay Papa na tahimik lang sa gilid. Umikot muli ang usapan tungkol sa kasal, nagbigay ng suhestiyon ang Ate ni Adam at ang kanyang tiyahin. Tahimik lang akong nakikinig ngunit lumilipad ang aking isip. Panaka naka ring nagbibigay ng suhestiyon si Papa kung saan kami titira pagkatapos ng kasal. " By the way, where are you working April?" tanong ni Tita Maridel na nakapagpabalik sa akin sa ulirat. "Nagaaral pa po ako, nasa ikalawang taon na po ako ng Medicine" sagot ko. "Magiging doktor ka pala Ate?" tanong ng isa sa pinsan ni Adam. "Uh, hindi pa nagaaral pa lang" sagot ko. "Wow, ang astig nun" ani pa ng isa na nakapagpangiti sa akin. "What is your premed?" tanong muli ni Ate Alyna. nakatingin sila sa akin na nasa akin ang sentro ng usapan. "BS Biology po" sagot ko. "Ang swerte pala ng apo ko sayo" tukso ni Lola Isabel. "Ma, lisensyadong inhinyero ang anak ko" sabad ni Tito Levi. "My daughter is the same, I don't think dehado ang anak mo sa anak ko, matalino ang anak ko, she graduated with flying Latin honours and with the highest mark sa UP" sabad ni Papa. Parang uminit ang paligid sa tensyon. "Pa..." "I don't mean it that way, Leandro" sabad ni Tito Levi. Napahawak naman si Mama sa braso ni Papa para mapakalma. "You apologize, Leviticus" sabad ni Lola Isabel. "Okay, I'm sorry" sukong kamay ni Tito Levi. Parang hindi ako makahinga sa tensyon sa paligid, sa isang simpleng komento lang ay nagaaway na sila. "E-excuse me lang po" ani kong tumayong magpaalam na magbanyo. Lumabas ako sa restoran at tumungo sa garden doon, nilasap ko ang sariwang hangin. Pinili kong umupo sa gilid ng fountain. Masyadong mataas ang tensyon sa loob na pakiramdam ko ay nasasakal ako. "They are looking for you" boses sa gilid kong napalingon ako. "Nagpapahangin lang" sagot ko. "It's suffocating right?" aniyang tumango ako. "Don't worry I feel the same too" aniyang tumayo sa tapat ko. "Bakit ka pumayag?" tanong ko. Nakapamulsa siyang napatingin sa akin. "Just like you, I had no choice" tipid na sagot niya. "Wala ka bang  girlfriend?" diretso kong tanong. "I have a long time girlfriend April" aniyang muli. "... tsk! why are we stuck with this kind of situation? namromroblema ako but I don't want to disappoint my father lalong lalo na si Lola, this family war-" ani kong napatungong bumagsak ang aking balikat sa panlulumo. "Yeah, I feel what you are saying, since naandito na let's just give them what they want" aniyang napaangat ako ng tingin. "What do you mean?" " I am committed to someone April, mahal na mahal ko ang girlfriend ko. I assume na ayaw mo rin ng sitwasyong kinasasangkutan natin-" "Oo naman, may boyfriend ako" sagot kong napatango ito. "We'll just give them satisfaction then ipakita lang natin na sumubok tayo, we'll just compromise" aniyang napakunot ako ng noo ngunit nakuha niya ang atensyon ko. Yun din ang gusto kong mangyari. "Gawin natin ang gusto nila until magsubside ang away ng pamilya natin, then if Heaven permits na maayos then we will file an annulment and go on with our preferred lives " diretso niyang tugon. Napatango ako ng marahan na napangiti. "Yan din ang gusto ko! I'm glad we're on the same page!" ngiti kong napatayo. "But this talk is between us only okay?" dagdag niyang muli na napatango ako. "Thank you! thank you" ngiti kong nakahinga ng maluwag, excited akong ipapaalam kay Kent ang usapan namin ni Adam. Napangiti siya sa reaksyon ko. "Now, for the start, give me your hand at suotin mo ito" aniyang kuha sa palad ko, at naglabas ng isang bagay mula sa kanyang bulsa. "This was my grandmother's engagement ring, she wants you to have it" aniyang isinuksok iyon sa palasingsingan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD