KABANATA IV

1558 Words
SAKTONG bukangliwayway nang bigla akong magising. Siguro ganito talaga kapag nakatulog ka nang malungkot, gigising ka nang maaga, pero malungkot ka pa rin. Papungay-pungay akong umupo sa higaan, at kinuha ang cellphone na nakapatong sa maliit kong mesa. Tiningnan ko ang oras at saktong alas sais treinta na pala. Ti-next ko kaagad si Nikki. Sasabihin ko na hindi ako makakapasok ngayong araw dahil magkikita kami ni Callie. "Ano ready ka na ba talagang makipagkita sa kaniya?" mabilis nitong reply. Napatingin naman ako sa bintana kung saan nagsisimula nang sumisilip ang araw. Kung sa handaan lang ng sakit ng katawan matagal na akong handa. Pero sa sakit ng puso, hindi ko pa alam. "Oo, kaysa naman mag-iisip ako ng mga bagay na makakasakit pa sa'kin diba?" reply ko sa kaniya at saka pinatay ko na ang cellphone. Dali-dali akong tumayo at nagpunta sa tapat ng cabinet closet ko. Pumili ako ng maganda-magandang damit na pwede kong suotin. Malay ko ba na pwede ko pang mabawi si Callie sa paraang ito. Tsaka kung gusto naman niya ng s*x, pagbibigyan ko naman siya e. Hindi na niya kailangang hanapin sa iba 'yon. Natapos ako sa pag-aayos ng saktong bangon ni Yayi Emma. Tinignan lamang ako nito dala ang bahid ng pag-aalala, ngunit nginitian ko lamang siya. Lumapit ako sa kaniya at saka ito niyakap para hindi na siya masyadong mag-alala. "Yayi, okay na po ako." "Kapag nagkita kayo ni Callie pingutin mo siya para sa'kin ah? Pinaiyak na naman niya ang napakaganda kong anak e," ani nito. "Opo yayi, pero hindi masakit. Masasaktan si Callie ko," pag bibiro ko pa. Humiwalay naman sa pagkakayakap si Yayi at saka ako kinaltukan sa noo. "Mahal na mahal mo e no? Kahit sinasaktan ka na, ayaw mo pa rin na nasasaktan siya," inis niyang tugon. Opo yayi, kahit masaktan na ako ng daang beses. Kahit mawasak na ang mundo ko, basta buo ang kaniya at walang galos ayos na ako doon. "Huwag kang mag alala yayi, babalik din ako kaagad. Pero pag napasarap, baka mamatay na'ko sa tabi niya," pagbibiro ko na ikinamulagat naman ng mata niya. "Ikaw bata ka! Siguro kay Nikki mo natutunan 'yan ano? Ah basta mag iingat ka. Tsaka 'wag mong sasabihin 'yang patay na 'yan, napakabata mo pa. Baka nga mas mauna pa 'ko sa'yo e." Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Yayi?" "Oo na, basta mag-ingat ka anak. Kaya pala bihis na bihis ka." Pinaikot niya ang tingin sa suot ko. "Alam mo, bagay sa'yo 'yang red na damir, dapat pati lipstick mo red na rin para mukha kang bampira," pagbibiro pa nito. Hinalikan ko naman sa pisnge si Yayi Emma bago tuluyang magpaalam. "Alas otso pa lang naman." Tingin ko sa wrist watch ko "Mamaya-maya nasa Resort na rin ako." Kumaway muna ako kay Yayi na nasa tapat ng pinto bago ko paandarin ang kotse. Mga ilang minuto ko pa lamang binabagtas ang highway, bigla naman akong napatigil sa kalagitnaan nito. "Hoy. Itabi niyo na 'yan! Late na 'ko!" sigaw ng isang matabang lalaki na lumabas na sa kaniyang pulang kotse. "Ang bagal kasi ng ambulansya e," rinig ko namang sabi ng mga matatanda na nakasakay sa patrol. "Dalhin niyo na sa hospital yan!" sigaw ng iilan, habang ang iilang mga nakasakay ng kotse ay hindi na maipinta ang mukha sa sobrang inip. Binuksan ko naman ang windshield ng sasakyan habang sinisilip ang nagkukumpulang mga tao. "Manong? Ano ho ang nangyari?" tanong ko sa taxi driver na kaharapan ko. "May nasagasaan kasi. Kanina pa 'yan nandiyan pero wala man lang rumiresponde," ani nito sabay busina ng sasakyan. Sinarado ko na lang ang windshield ng sasakyan, dahil sa pwesto ko na nakatutok ang araw. Masisira lang ang diskarte kong pang-aakit kay Callie. "Hay nako, ilang araw pa ba ako susundan ng kamalasan?" Treinta minutos na rin kaming naka-standby sa highway ng marinig na namin ang sunod-sunod na dating ng mga ambulansya. Hindi lang pala isa ang naaksidente. Pagkatapos nilang isakay ito ay saka naman bumusina ng napaka lakas ang karamihan sa mga driver. Panigurado, kung late ako sa pagkikita namin ni Callie mas late na sila di hamak. "Hala! Alas nuwebe treinta na agad?" gulat kong sabi ng sinilip ko ang aking relo. Pagkalampas ko sa highway, halos patalunin ko na ang sasakyan makarating lang sa Resort. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng matinding kaba pati nang pagka-excite, naghahalo halo na. Siguro dahil magkikita na kami ni Callie? Siguro magpapaliwanag siya at sasabihin niyang prank 'yon, pagkatapos mag poprose siya sa harapan ko. Or worst, aamin siya na may iba na talaga. Nauntog ko na lang ang palad ko sa aking noo. Nakakabaliw pala 'tong ganitong eksena. Akala ko sa teleserye lang nangyayari 'tong ganito. Andami namang mga toxic na relasyon diyan pero bakit ako pa ang binigyan ng ganitong problema. Nako, Nyx. Pagkarating ko sa harap ng resort, hindi ko alam bakit biglang nagpawis ng sobra ang kamay ko. Nilalamig din ako gayong napakainit naman dito. Ganito ba talaga kapag may kasalanan sa'yo ang boyfriend mo? Hindi e. Dapat siya nga ang balisa ng ganito, pero bakit mukhang ako pa ang nakagawa ng kasalanan sa kaniya? Bumuga ako ng malakas na hangin at kinondisyon ang sarili. "Kaya mo 'to Nyx! Kahit anong mangyari, kahit anong sabihin niya, kahit umamin man siya. Huwag na huwag kang iiyak!" Unang tapak ko pa lang sa gate ng resort para na akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko, nakakainis naman! Bumungad sa akin ang isang babaeng nakasuot ng puting blouse at itim na slacks, dala ang malawak na ngiti. "Hello Ma'am. Kayo po ba si Ms. Adeline?" ani nito. Mukhang siya ata ang manager ng resort. "Yes po," sagot ko naman. "This way po Ma'am, nandito po ang pinareserve na seat para sa inyo," aniya, habang inihahatid ako papunta sa labas. Napakaganda pala ng Resort na ito. Halos lahat ng display, mga antique. Tapos lahat ng kagamitan gawa sa kawayan. Pinapakintab ito ng barnis habang sinasabayan ng malumanay na hampas ng hangin sa loob at malumanay na tunog ng dagat. Pagkalabas namin sa mismong office nila, bumungad sa akin ang napakatirik na araw. Napaka sarap din pagmasdan ng puting buhangin na lalong nagpapaganda sa karagatan. Lalo na ang ng hampas ng alon na nakakapag kalma ng sarili. Pati na rin ang hangin na dumadampi sa balat ko, nakakapagpagaan sa pakiramdam. Tumigil kami sa isang malawak na cottage. Ang bubong, upuan at mesa ay binalutan ng puting mga tela. May mga puno ng niyog sa gilid kaya hindi ko alintana ang init. "Ma'am. Pakihintay na lang po siya rito." Inilahad niya ang kamay sa isang monoblock, habang ako naman ay tulala pa rin sa tanawing nakikita ko. "Thankyou," tanging nasagot ko na lang, at hinawakan ang sandalan ng upuan. Pagkaupo sa ihinandang pwesto sa amin, kaagad kong napansin ang isang envelop na nakaipit sa wine glass na nasa harapan ko. May mga talulot pa ito ng paborito kong kulay ng rosas. Sumilay ang ngiti sa labi ko at saka kinuha ito. Dahan-dahang tinatanggal ang talulot pati na ang tali na nakabuhol sa envelop. "May pa ganito pa si babe. Kahit wala namang ganito mapapatawad ko naman kaagad siya," bulong ko sa sarili habang tinatago ang kilig. "You look beautiful," basa ko sa letter na nakasulat dito. Beautiful? Si Callie talaga alam na alam ang kahinaan ko. Pero bakit ganito... Hayaan na nga, baka nagkamali lang siya ng pagsusulat. Flashback "Always remember. If someone says you are beautiful, they are refering you to a sunflower, when someone says you are cute," pagputol ni Callie sa kaniyang sasabihin. "They are refering you to a cute dog," dugtong ko at sabay kaming nagtawanan. "And if someone says to you that you are gorgeous, you are above on it. You are like goddess, and that's how Isees you," wika ni Callie sabay hinalikan ako sa labi. *** Bumalik naman ako sa wisyo ng mapagtanto na tulala na naman ako. Mag-iisang oras na rin akong naghihintay sa kaniya dito, lampas na sa oras na binigay niya. Baka naman niloloko lang ako no'n. Habang busy ako sa pagkapa ng cellphone sa aking dalang bag, naalala ko namang naiwan ko nga pala ito sa loob ng kotse kanina. Akma sana akong tatayo para balikan ito, ngunit bigla akong napabalik sa aking kinauupuan nang may nasilayan ako sa gilid ng aking mata. Mukhang namamalikmata ata ako dahil nakita ko si Kore na papunta sa pwesto ko. Napailing ako ng ilang ulit nang magtama ang mata namin. Totoo nga! Si Kore ito. Nang makalapit na siya sa pwesto ko. Nilapag niya ang dalang itim na bag sa mesa. "Hi Nyx," bati nito. "Have I waited a long time for you?" Hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang bawat katagang sinasabi niya. Nakalunok na rin ako ng daang porsyento ng laway, ngunit wala pa rin akong ideya kung bakit nandito siya ngayon. Parang nagsisimula na ring manginig ang kalamnan ko nang mapagtanto kong pareho kami ng suot na damit. Pilit na lang akong gumawa ng pekeng ngiti at inayos ang sarili. "A? Hi Kore, mukhang may date din kayo dito ng boyfriend mo ah?" Kinakabahan kong sabi, habang nagtataka pa rin sa ikinikilos niya na ngayon ay nakaupo na kaharapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD