KABANATA III

2233 Words
Habang ini-screen ko ang ibang mga papeles, hindi naman ako mapakali sa posibleng nangyayari ngayon kay Callie. Hindi naman siguro sila magkakilala hindi ba? Tama! Malayong magkakilala sina Kore at Callie at saka mukhang mabait naman 'yon. Chismis lang naman 'yung kumakalat tungkol sa kaniya... "Ano ba, Nikki!" sigaw ko nangg bigla itong sumulpot sa harapan ko. "Ang lalim kasi ng iniisip mo." Upo nito sa desk ko. "Tsaka parang wala ka sa mood ngayon," dagdag pa niya. "Kasi naman, hindi naman siguro ano diba? Malayo naman silang mag...Hay, kasalanan mo 'to, e! Kung ano-anong pinagsasabi mo sa akin kaya napaka o.a ko na ngayon," wika ko. "Ah, sabi ko na e. Tungkol 'to kay Kore. Sabagay, hindi malabong hindi sila magkakilala. Bali-balita raw kasi, maimpluwensyang tao 'yung pamilya no'n e, lumipat lang siya rito dahil nagsawa na siya sa trabaho niya," sagot naman ni Niks. "Saan mo na naman nalaman 'yang chismis na iyan?" kuryos kong tanong. "Alam mo naman, nasa iba't-ibang sulok ng mundo ang mga alipores ko, kaya madali ko lang masagap lahat ng 'yan," pagyayabang pa niya. Inayos ko naman ang upo ko ng magdadagan na naman ang palaisipan sa akin. Mayaman si Kore? Hindi malabong hindi nga sila magkakilala kapag gano'n. Pero hindi...malabo talaga silang maging magkakilala, at saka hindi naman papatol si Callie sa mga gano'ng klase ng tao kung sakali. Hindi niya type ang mga pormahan ni Kore. "Anong apelyido ni Kore?" tanong ko sa kaniya. "Ha? Anong sabi mo?" lutang na tanong naman ni Nikki. "Anong apelyido ni Kore?" pag-uulit ko. "De-Delos Santos ata?" sagot niya. Bigla naman akong nakahinga ng maluwag, pagkatapos bigkasin ni Nikki ang malayong apelyido ni Kore sa sinabing ka business meeting ni Callie ngayon, na si Mr. Ramirez. "Bakit? Mukhang naging interesado ka na rin sa haliparot na 'yon ah?" Titig sa akin ni Nikki na para bang binabasa ang nasa isip ko. Pinitik ko naman ng bahagya ang noo niya, kaya lumayo ito ng kaunti sa akin. "Gaga hindi. Oh, siya sige na magtrabaho na tayo. Simula ngayon huwag mo ng pag-iisipan ng masama si Callie ha?"magiliw kong sabi, at saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Takang-taka naman itong umalis sa tabi ko, habang naramdaman kong nawala na ang tinik sa lalamunan ko at nakahinga na ako ng maluwag. Binuksan ko naman ang cellphone kong nakapatong sa desk at bigla na lamang akong napatitig sa lockscreen, kung saan kaming dalawa ni Callie ang nandoon. Eto ang unang picture namin ni Callie sa cellphone ko nang dinala niya ako sa baguio. Napaka lamig kasi roon, kulang na kulang rin ang balabal ko sa katawan kaya pati ang jacket ni Callie ay isinuot na rin niya sa akin.Napaka rami naming ginalaan, at sa huli ay napunta kami sa Mines View. Sa sobrang ganda nito, walang salita na lumabas sa bibig namin ni Callie, kaya natawa na lang kami dahil pansin namin na pareho kaming naka nganga kaya nag picture kami. "Sorry Callie." Halik ko sa litrato niya. Ilang oras din ang ginugol ko sa mga tinrabaho nila. Magbe-break time sana ako at aayaing kumain sa labas si Nikki, ngunit bigla namang sumulpot si Sir Nicollo. "Where's Miss Adeline?" rinig kong sabi nito. Hindi muna ako nagsalita dahil hinihintay kong magpabebe si Nikki at ituro ako sa likuran. "Ah, e sher eyen pe e," maarteng sabi nito, kaya nagtawanan ang karamihan sa amin. Hindi ko namang mapigilan hindi matawa sa ginawa ni Nikki, dahil kahit sa pagturo niya ay pabebe pa rin siya. Sabagay, hindi ko naman masisisi 'tong babaeng 'to. Napaka gwapo at napaka bango ni Sir Nicollo, parang magkapantay lang nga sila ni Callie, pero syempre mas pogi ang boyfriend ko. "Yes sir?" Taas ko ng kamay ng biglang dumako ang tingin niya sa pwesto ko. "We have a meeting with our president and shareholders, be prepared," ani nito at saka lumabas nang aming opisina. Eto talagang si Sir Nicollo, gwapo nga suplada at medyo bastos naman. Babatiin pa sana siya ng iba naming officemate ay lumayas na kaagad. Ang layo talaga ng ugali niya kay Callie. Kaagad namang tumakbo si Nikki sa pwesto ko dala ang nakakalokong ngiti. Kahit hindi nito sabihin, alam ko na ang nasa isip niya. "Hindi pwede," pangunguna ko. "Sige na, paranas lang naman maging EIC kahit minsan," pagmamakaawa nito. "Hindi pwede, ako ang malalagot sa masungit na 'yan pag nalaman niyang iba ang pinapunta ko sa meeting." "Grabe ka naman. Ang sweet kaya ni Sher Nichollo no?" pabebe nitong sabi. "Alam mo tigil-tigilan mo nga 'yang pagiging pabebe mo, nakakainis," saad ko. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang gano'ng bagay sa harapan ng crush niya. Kapag nandito kami sa opisina napakasiga niya, pero pagkaharap na niya si Sir Nicollo, para siyang niyuping lata. --- "So, Miss Adeline. Ilan na ba ang napublished na libro ngayong buwan?" tanong ni Mr. Cueva pagkatapos mag discuss ni Sir Nicollo. Kinakabahan naman akong tumayo at nagpunta sa harapan. Kahit ilang beses ko na palang ginawa 'to, wala ng mas kakaba pa kapag ang president pati mga shareholders na ang mga kaharap mo. "As of now sir we have 36 over 50 books na napublished natin this month," paliwanag ko sa kanila. Kahit na nanginginig pa rin ang tuhod ko sa kaba, inayos ko ang monitor habang sinaslide ang mga book covers ng mga napublished na naming mga libro. "Well, good to hear that. Narinig ko rin kay Ms. Lorenzo na malakas daw ang sale ng mga romance books. Marami ba kayong ipupublish na gano'n? tanong ni Mrs. Hernandez, isa sa shareholders ng AMM. "Yes Ma'am, majority po ng books na ipupublish natin ngayong buwan ay romance," magiliw na sabi ko. "Okay, that's all. You can go back to your seat," ani nito. Mabilis naman akong bumalik sa aking kinauupuan na katabi lang ni sir Nicollo. Medyo hindi ako kumportable ngayon sa inuupuan ko, hindi ko kasi alam kung naga-assume lang ba ako na kanina pa nakatitig si Sir Nicollo sa'kin o napabaling lamang siya ng tingin sa mukha ko. "Ms. Adeline?" tawag ulit ni Mr. Cueva, ang president ng AMM. "Balita ko nagka problema raw kayo kanina sa mga pinupublish ninyo?" pag-umpisa nito. "Yes sir, but we'll make it clear naman po before the deadline." "Good. Pero sino ba ang staff natin na 'yon, para bukas ay ipapatawag ko. Baka kasi magkaroon ng problema kapag dinistribute na natin 'yon," wika niya. "Sir, bago pa lamang po kasi siya kaya baka naninibago lang. Her name is Kore Delos Santos po," wika ko sabay nagtingin ang mga shareholders sa akin. "Nandito ba siya kanina? Pinagalitan mo ba siya?" sunod-sunod na tanong nito. Umiling naman ako. "Hindi po siya pumasok ngayon," sagot ko na lang. "Bukas ipatawag mo siya sa opisina ko, kakausapin ko lamang siya," ani nito at tipid ngiting tumingin sa akin. Habang busy ang iba na nag-uusap, bigla namang nagsalita malapit sa tenga ko si Sir Nicollo, dahilan para tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. "Do you know who is she?" malamig na sabi nito. Humarap naman ako sa kaniya at ngumiti naman ito ng nakakaloko. "Buti na lang at wala siya rito, kung hindi baka tanggal kana sa trabaho," aniya. "W-what do you mean Sir?" "She's badass," ani nito tsaka tumayo. Hindi ko naman namalayan na tapos na pala ang meeting namin. Nakipag kamay naman ang ibang shareholders sa akin, habang ang iba ay dire-diretso nang umalis. 'Badass?' Pagkalabas ko ng conference room, kita ko naman kung paano ako pandilatan ng mata ni Nikki. "Oo na, mag kukwento ako mamaya," wika ko kahit hindi pa bumubuka ang bibig niya. --- "Edi ramdam mo 'yung napaka init at napaka bangong hininga ni sir Nicollo?" kinikilig na sabi nito habang puno na naman ang kanyang bibig. "Huwag ka ngang maingay! Mamaya may makarinig sayo dito, sabihin nila pinagnanasaan ko pa si Sir Nicollo," bulong ko sa kanya habang lumilingon sa paligid. "Ay nako Nyx! Kung ako sayo dinakma ko na 'yung itlog non." Sabay pinaikot nito ang kaniyang kamay na parang may nilalamutak. " Oh kaya susunggaban ko siya ng halik," dagdag pa nito na ikina hagakgak ko. "Eh kaso hindi ko naman siya type, kaya nangilabot na lang ako sa ginawa niya," tamad kong sabi habang pinapapak ang natitira kong ulam. "Tsaka tignan mo, si Sir Nicollo pa ang nagsabi sa'yo na malandi 'yang si Kore. Nagbibirhen-birhen lang sa office pero may tinatagong sungay," pag-iiba nito ng usapan. "Pero alam mo Niks, pansin ko lang kanina. Pagkasabi ko ng pangalan ni Kore kay Mr. Cueva biglang nanlaki ang mata niya, tapos inalam pa niya kung nandito siya kanina no'ng nagagalit ako.Parang ang laki ng impluwensya niya sa kumpanya natin 'no?" "Sigurado, hindi natin alam baka 'yong magulang niya isa rin sa nag invest sa AMM kaya gano'n na lang ang takot nila no'ng nagalit ka," pagsang ayon niya. Nagpaalam naman saglit sa akin si Nikki na magbabanyo muna saglit, kaya ako muna ang naiwan sa table namin. Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha. "Unknown number?" Pagkabukas ko ng message ng isang estranghero, bigla na lamang akong napatigil sa pagkain at parang unti-unting bumabaliktad ang sikmura ko. Hindi ko naman namalayan na nakarating na si Nikki sa pwesto namin at takang-taka itong tinignan ako. "Huy, anong nangyari?" tanong niya tsaka kinuha ang hawak kong cellphone. "Si Callie ba 'to?" aniya sabay tingin sa sinend na picture ni Callie na naka-akbay sa isang babae. Suot pa niya dito ang kanyang white longsleeve habang naka-side siya at nakadantay ang braso sa nakatalikod na babae. "Si Kore ba 'tong babae na 'to?" Suri niya habang marahang zino-zoom ang picture. "I have to go." Hablot ko ng cellphone. "Umuwi ka na lang muna mag isa, i-chat mo ako kapag nasa bahay kana," dali-dali kong sabi sabay sukbit ng bag sa balikat ko. Habang tumatakbo papuntang parking lot, hindi naman napigilan ng mata ko na maglabas ng mainit na likido. "Kainis, ano bang klaseng mata to!" inis na sabi ko sabay hawi ng luha sa mukha ko. 'No Nyx. Calm down, hindi magagawa sa'yo 'yun ni Callie' "Pero ano 'tong nasa picture." Bukas ko sa kotse. " Bakit parang hindi naman business ang pinunta niya sa Cebu e, bakit pinagpalit niya 'yung anniversary namin para lamang doon." Hindi na napigilan ang tuloy-tuloy na daloy ng luha sa mata ko. Bakit ganito? Bakit ang sakit! Bakit nagawa 'to ni Callie sa'kin? Sino 'yung babaeng inaakbayan niya? Bakit ganito ang nararamdaman ko. Pagkauwi ko ng bahay, sinalubong naman ako ni yayi Emma ngunit dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto, dahil ayokong makita niya na namamaga na naman ang mata ko. "Anak?" Katok nito sa pintuan "Yayi, please? pagod lang po ako," pagdadahilan ko, habang hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ko. "Sige basta nasa kabilang kwarto lang ako ah? Katok ka lang," ani nito. Rinig ko namang umalis na siya sa tapat ng kwarto ko kaya inilabas ko na lahat ng sakit na kanina ko pa dinaramdam. Nasa ilang minuto rin akong umiiyak habang nag iisip sa maaaring panget na mangyayari bago matapos ang araw na 'to. Kinapa ko naman ang cellphone ko na kanina ay hinagis ko sa tabi ng higaan. Para akong niloloko ngayong araw, dahil pati cellphone ko ay nakikiayon sa pag dadrama ko. "Letse ka. Ang mahal pa naman ng bili ko sayo, pero bakit sa dami ng araw na pwede kang mag log ngayon pa at sa saktong picture niyo pa." Pagkaraan ng ilang oras na pag mumuni-muni, tinawagan ko kaagad si Callie. Gusto ko mag explain siya, gusto ko sabihin niya sa akin ngayon na joke lang 'yon, na prank lang na kakambal niya lang 'yon. Tama, 'yung kakambal na 'yon. Sigurado namang magkamukhang-magkamukha sila, at nagkataon lang na parehas din ang damit nila. Pero hindi... "Callie, sagutin mo," inis na sabi ko dahil naka ilang tawag na ako rito ay wala pa rin sumasagot. "Callie. Bibigwasan na kita! B-bakit mo kasi ginawa 'yun." Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang wala talagang sumasagot sa kabilang linya. Napadapa na lamang ako sa aking kama at tuluyan ng nahimlay ang pagod na pagod kong utak. --- "Babe, wake up. I have surprise for you," wika ni Callie habang marahang hinahawi nito ang buhok kong nakaharang sa maganda kong mukha. "I-inaantok pa ako e," pag iinarte ko, ngunit pinuno nito ng halik ang pisnge ko dahilan para mapabangon na ako ng lubusan. "Wanna go out for a date?" tanong nito na ikina mulagat ng mata ko. "Really?" "Yep. Gusto ko lang bumawi sa mga kasalanan ko," aniya. Ng akma na akong tatayo para maligo, bigla naman akong... "Aray!" Haplos ko sa ulo ko nang namalayan kong nahulog na pala ako sa aking kinahihigaan. Bigla ko na namang naramdaman ang manit na likido na nagsisimula ng tumulo ulit sa mukha ko, pero bago 'yon, kaagad kong tinignan ang cellphone ko na bigla namang umilaw. Dali-dali ko itong binuksan at napatigil sa aking nabasa. "Pwede ba tayong magkita bukas sa Elena Resort? 10:00am." Basa ko sa text ni Callie. Paulit-ulit ko pa itong binabasa dahil baka namamalikmata lang ako. "Elena resort? Bakit doon pa?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD