PINUNASAN ni Maureen ang kaniyang luha matapos niyang maikwento ang lahat sa kaniyang anak, hindi man detalyado sa lahat ng pangyayari sa kaniyang buhay mula noong mabuntis siya hanggang sa muling pagtatagpo ng landas nila, alam ni Maureen na wala siyang nakaligtaang mahalagang detalye. "Are you regretful about going here in Manila?" mahinang tanong ng kaniyang anak, ngayon lamang ito nagsalita matapos ang kaniyang mahabang kwento rito, tahimik lamang ito kanina at kumakain habang nakikinig sa kaniya. Napaisip saglit si Maureen sa tanong ng kaniyang anak, nagbalik sa isip niya ang mga alaala niya sa kaniyang pamilya sa probinsya at ang pananatili niya rito sa malayo. "Hindi," nakangiting sabi ni Maureen. "After everything? You're not regretful?" tanong nito ulit na tila sinusubukan ang

