NANG makaalis na ang mga bisita sa bahay ni Simon de Guzman, agad tinawag ni Maureen ang kaniyang anak upang makapagpahinga na ang mga paa nito. Muli ay napansin ni Maureen ang nakaiilang at nakabibinging katahimikan sa loob ng bahay na para bang nakuhanan silang lahat ng saya. Si Tyron na siyang pinakamasigla sa lahat ay tahimik na lang na pumasok sa sarili nitong kwarto. Si Simon de Guzman naman ay nagpaalam nang aalis na muna patungo sa trabaho nito. Kaya naman naiwan sina Maureen at ang kaniyang anak, papasok sana siya sa trabaho pero sinabihan na siya ng kaniyang Boss na ang pag-aalaga na lang muna sa kanilang anak ang kaniyang intindihin at wag na siyang mag-alala dahil naka-time in naman siya sa kaniyang trabaho. Nakakahiya man na parang ang dating ay bayad pa siya sa pag-aalaga

