MABILIS lumipas ang panahon, ilang buwan na pala ang nagdaan simula noong tumira si Maureen sa bahay ng ama ng kaniyang anak at naging sekretarya siya nito. Ilang buwan na rin ang lumipas mula noong magkaroon sila ng kakaibang ugnayan ng kaniyang boss na hindi niya rin mapangalanan. Inaasahan niyang mawawala lamang ang kaniyang nararamdaman para dito na kinakatakot niyang lumabong dahil alam niyang hindi niya mapapanindigan ngunit habang tumatagal ay mas lalo lamang siyang nababaon. Sa bawat pagkakataon na may nangyayari sa kanila ng ama ng kaniyang anak ay mas lalo lamang nadadagdagan ang kaniyang nararamdaman para dito. Kaya ang dating nagbabaga, ngayon ay tila umaapoy na habang patagal nang patagal ang kanilang pagsasama ni Simon de Guzman. At ang mas nakakalungkot, maaaring nawala n

