CHAPTER 2

1444 Words
Pinagmamasdan ko lang ang papel matapos namin magpa-check up. Ang inaasahan ko ay lalabas kami pero ang yawa ay narito lang rin pala sa loob ng bahay na ito. Doon ko lang napagtanto na sobrang laki ng mansyon na ito. “Handa na po ang pagkain.” nakangiti ang isang babae sa akin. Bakit ba tuwing nangiti ang mga narito sa bahay na ito ay kinikilabutan ako? Habang naglalakad kami sa hallway ng kanilang mansyon ay doon napadako ang tingin ko sa isang malaking frame. Isang family picture na kung saan ay kitang-kita ko kaagad ang mukha ni Trevano noong siya ay medyo bata-bata pa. Kumurap-kurap ako nang mapansin kong ang katabi niyang isang lalaki ay medyo hawig din niya. “M-may kapatid siya?” “Nakahanda na po ang pagkain, Ma’am Ris.” bakit iniiba nila ang usapan? Baka kapag nagsalita sila ay mamatay sila. “Alam mo ba kung nasaan ang kapatid ko?” tanong ko ulit sa kaniya. “Ang kapatid mo ay wala rito sa mansyon, Lady Ris.” jusko! Aatakihin na talaga ako sa puso dahil kung saan-saan na lang sila nasulpot! Tinignan ko kung sino ang nagsalita n’yon nang makita ko si Ate Lorna. “H-hindi po ba sa inyo nasabi ng lalaking iyon kung nasaan ang kapatid ko?” “Kahawig mo nga siya. Nakikita ko kung bakit ka niya binuhay.” at agad na itong umalis sa harap ko. “S-sino ang kahawig ko?” mahina kong tanong sa aking sarili. Wala ako sa sarili na umupo sa mesa na kung saan ay sobrang haba at ako lamang ang kakain mag-isa. Kumain na kaya ang kapatid ko? Nasaan kaya siya ngayon? “H-hindi niyo ba ako sasabayan kumain?” tanong ko sa babae ngunit yumuko lang siya matapos niyang ilagay sa mesa ang isang soup at saka na ito lumayo sa akin. “Hindi man niya ako patayin ay mababaliw lang ako dito,” saad ko. Matapos kong kumain ay may dalawang lalaki na sumulpot sa aking likod. Tila inalalayan nila ako patungo sa kung saan. Hindi rin naman nila ako sasagutin kahit tanungin ko kaya hindi na lang rin ako nagtanong. Pagbukas nila ng pinto ay bumungad muli ang kwarto ko na kung saan ay ipinosas nila ako sa kama. Ngunit ngayon ay iba. Tanging ikinulong lang nila ako sa kwarto. “Hanggang kailan ba ako magiging ganito rito sa bahay na ito?” tumayo ako at sinilip ang bintana. “Pwede akong makalabas dito!” ngunit nang makita ko kung ano ang nasa ibaba ay nanlaki ang mga mata ko. “Bakit sila nag-aalaga ng tigre!” nayamot ang buong katauhan ko dahil lahat ng plano ko ay hindi ko maisasagawa. Rinig ko ang pagbukas ng pinto at agad na bumungad si Trevano. Sumunod sa kaniya ang ilang mga babae at may inilagay na kung anu-anong paper bag sa kama. “Dress her up,” utos ni Trevano habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa bulsa nito at nakakunot ang noo na pagmasdan ako. Kasabay ng paghinga ko ay ang kaniyang pagtaray sa akin bago siya nito lumabas. “Casual lang naman ang kailangan hindi ba?” para silang natataranta dahil sa paghahanap ng mga damit. “Baka mamaya ay hindi magustuhan ni Sir. Trevo.” kagat-kagat nila ang kanilang labi sa paghahanap ng damit. “Hayaan niyong ako na ang pumili. Kung hindi niya magustuhan ay ako na ang bahala.” napakamot sila sa kanilang ulo. Matapos kong piliin ang dress na kulay puti at ang sandals ko naman na nude ay sinamahan nila akong lumabas. Pansin ko ang lalaki na nagradyo. “Nakalabas na si Ma’am. Papunta na d’yan. C-one, ready.” sabay baba niya sa radyo. Siguro kapag alam mo na kung ano ang kakahinatnan ng buhay mo ay hindi ka na matatakot sa pwede pang mangyari. Pagbukas ng pinto wala namang laman iyon. Mas maganda ang kwarto na ito kung ikukumpara ko sa kwarto na kung saan ako ikinulong. Mas malaki ito at mas maaliwalas. “Hintayin niyo na lamang po si Sir. Trevo.” at saka siya lumabas. Ngayon ay ako na lamang ang naiwan sa loob. “Gagawin na ba namin ngayon ang kasunduan?” halos ang kaba sa dibdib ko ay hindi na mabilang-bilang. Nanginginig ang kamay ko habang nakatiklop ang kamay sa aking puting dress. Nang bumukas ang pinto ay inaasahan kong si Trevano iyon, ngunit agad akong naluha nang makita ko ang aking kapatid na tumatakbo patungo sa akin nang nakangiti. “Ate!” masaya niyang sigaw at mariin akong niyakap nang siya ay narating sa aking gawi. “Iris! Iris!” mahigpit na mahigpit ang ibinigay kong yakap sa sobrang pagtakot. Nang ilayo ko ang sarili ko sa kaniya ay hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi. “Ayos ka lang? Sinaktan ka ba nila? Ano ang ginawa nila sa ‘yo? Saan ka nila dinala? Saka bakit ka sumama sa kanila? Hindi ba’t sinabi ko na ‘wag kang sasama sa hindi mo kilala?” tumawa lang siya sa akin at umiling. “Ang gwapo po ng nagsundo sa akin, Ate.” ang batang ‘to! Nadaan sa kagwapuhan kaya sumama! “Kahit ang mga gwapo ay masasama ang ugali, Iris! Kaya dapat ay hindi ka sasama at hindi mo naman siya kilala!” “Kilala niya po ako. Alam niya rin po ang pangalan ni Papa at ikaw rin po.” ang hayop na ‘yon! Bumukas muli ang pinto ng pumasok na roon si Trevano kaya itinabi ko si Iris sa aking tabi para hindi niya makita. “Kuya pogi!” “Iris!” dahil sa pagtakbo niya kay Trevano ay doon ako parang aatakihin sa puso. “Hello, Iris.” sabay buhat sa kaniya ni Trevano. Tila ang kaba ko kanina ay napalitan ng pagtataka sa kaniyang ginawa. Ibang-iba ang kaniyang itsura sa tuwing kaharap niya ay isang bata. “Kuya pogi! Nakakuha ako ng star!” pakita niya pa sa kaniyang braso na may tatak. “Good job, Kid.” saka niya ibinaba si Iris na lumapit naman sa akin. “Ang gwapo niya, hindi ba, Ate?” pinanlakihan ko lang ng mata si Iris. Masyado pa siyang bata para malaman niya ang tunay na pagkatao ni Trevano. Umupo si Trevano sa gilid ng upuan at doon may pumasok muli na babae. “Iris, kain ka muna,” sabi ng babae na hindi ko kilala. Napatayo rin ako dahil agad na tumakbo si Iris na akala mo ay kilalang-kilala niya ang babae na iyon. “Sit. Kakain lang ang kapatid mo.” nagsara ang pinto nang makaalis na ang kapatid ko. “Baka mamaya ay may lason ang ipakain niyo sa kapatid ko. Sino ang babaeng kasama ng kapatid ko?” “Her new nanny.” natikom ko ang bibig sa narinig. N-nanny? May nanny na ang kapatid ko? “Kaya kong alagaan ang kapatid ko, Trevano.” kita ko kung paano nagalit ang kaniyang mga mata sa aking nabanggit. Hindi niya ba gusto na tinatawag siyang Trevano? Ayon kaya ang pangalan niya! Ano ang gusto niyang itawag ko sa kaniya? Chitae? “Later, nine pm. Clean yourself.” ano ang ibig niyang sabihin? “H-ha?” imbis na siya ay tatayo ay mas lalong kumunot ang noo niya. Iginalaw niya ang kaniyang panga at humarap sa akin. “I don’t like people who didn’t understand what I’m saying, Ris.” paano ko maiintindihan? Ano ba ang gagawin ko ng nine? Bakit kailangan ko maglinis ng sarili ko? “The contract starts at nine, Doris. Let’s see how good you are in bed.” saka ako napalunok sa aking narinig. Pinagsisisihan ko ang mga sinabi ko nitong nakaraang araw sa kaniya, pero ngayon ay wala na akong magawa. Kita ko kung paano lumawak ang kaniyang ngiwi. “You wanted that, Ris. You’re lucky that I accepted your offer.” ngayon ay alam kong ako na talaga ang may kasalanan. “Don’t look at me like that, Woman.” “The last time someone looked at me like that was shot in the head,” ani niya ay dali akong napahawak sa aking noo. Kaya naman imbis na tumaray sa kaniya ay umiwas na lang ako ng tingin. Sa salamin ay kita ko kung paano niya pa rin ako ng tignan na parang sinasakal niya na ako sa kaniyang isipan. Sa totoo ay ayokong mamatay, dahil ayokong mapano ang kapatid ko. Kaya hanggang kaya ko pa mabuhay at gawin ang gusto niya ay gagawin ko. Humarap ako sa kaniya at agad na itinago ang takot sa aking loob. “Prepare yourself then later,” lakas loob kong sabi na ikinagulat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD