“Nakakalakad ka na ba?” tanong sa akin ni Manang Lorna. Ilang araw na rin ang nakalipas nang mangyari iyon sa amin ni Trevano at hindi na ako uulit pa.
Hindi na ako magsisinungaling pa ulit.
“Base sa kwento sa akin ni Ris, Ma’am Lorna, ay kasing laki raw ng upo ang ipinasok sa kaniya ni Sir. Trevo,” ani ng isang babaeng gumagawa ng pagkain sa mesa. “Jusko po, Panginoon ko.” sabay sign of the cross ni Ma’am Lorna.
“Apat na araw niya na iyang naka wheelchair siya. Mabuti na lang at hindi inisip ng kapatid mo na sinasaktan ka ni Sir. Trevo.” nahito siya sa kaniyang paghihiwa nang walang tumawa o sumagot sa aming dalawa ni Manang Lorna.
Ilang araw na akong narito sa kanila at pasalamat na lang at kahit paano ay hindi nila ako pinapabayaan. Mas dumami ang nagbabantay sa akin at sa kapatid ko sa hindi ko alam na dahilan.
“Pwede po ba magtanong?” may naalala kasi ako sa sinabi nila sa akin noon. “Narinig ko kasi sa usapan niyo na kahawig ko nga siya. Sinong siya?” nagkatinginan pa silang dalawa sa harap ko.
“Doris, ‘wag muna iyon ang isipin mo. Kailangan mong kumain at baka mamaya ay umuwi na rin si Trevo.” utos ni Manang Lorna saka inilapag ang nahiwa na niyang gulay at ilang prutas. Umalis si Trevano matapos na mangyari iyon sa amin.
Doon ko siyang nakitang mas naghigpit sa akin at sa kapatid ko. Kahit sa buong mansyon. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa nalilibot ang kabuuan nito. Hindi rin ako nakakalabas. Ang kwarto ko ay iba na kung ikukumpara noon. Pangatlong kwarto ko na ito na nilipatan sa ilang araw ko pa lang na narito.
“Ate!” sigaw ni Iris nang makabalik siya mula sa mansyon. Hindi siya nakatira rito pero pinupuntahan niya ako tuwing hapon o hindi kaya ay uwian niya na.
“Ayos ka na ba ngayon, Ate? Sa susunod kasi ay mag-iingat ka na po sa pagbaba sa hagdan, ha? Para hindi ka nadudulas, okay?” nahihiya na lang akong tumungo sa kaniya. Masyado pa siyang bata para sa mga ganitong problema.
“Kumain ka na ba? May nangyari ba sa school? Did you get stars again?” hinanap ko ang kaniyang braso ngunit imbis na matuwa dahil may ilang stars akong nakita sa kaniya ay doon ko na pansin ang nakasulat sa nakatatak sa kaniya.
Hi, Ris…
Agad kong hinila si Iris sa tabi ko at pinagmasdan ang kaniyang mukha.
“M-may nakausap ka bang babae? Mahaba ang buhok? Maputi?” kumurap-kurap pa ang kapatid ko at kinuha ang ilang prutas sa aking plato. “Mayroon po, Ate.” habang nanguya siya.
“Si Teacher Cel…” kumabog ang dibdib ko. Naalala ko ang sinabi ni Trevano. Nu’ng nakausap ko ang babaeng iyon ay naparusahan ako. Kung sakaling malaman ito ni Trevano ay baka parusahan niya rin ang kapatid ko hindi sa katulad kong paraan.
Iba ang parusa niya sa akin at alam kong hindi naman niya iyon gagawin sa kapatid ko. Base sa pagkakilala ko kay Trevano ay wala siyang awa. Baka patayin niya ang kapatid ko o hindi naman kaya ay bugbugin.
“S-siya ang teacher mo?”
“Ngayon ko lang po siya nakita sa school. Sabi niya sa akin ay very good daw ako at binigyan niya pa ako ng star.” pakita niya pa ulit sa akin ng star.
“Iris, pwede bang ‘wag mong ipapakita ang stars na ibibigay sa ‘yo ni Teacher Cel? ‘Wag mo ring babanggitin sa kaniya na may Teacher Cel ka, okay?” kita ko kung paano nag-iba ang tingin nito sa akin.
“Ayoko po magsinungaling, Ate Ris kay Kuya Trevo. Mabait po siya at tinulungan niya tayo.” hindi iyon ang totoo. Nalulungkot ako kay Iris para matabunan siya ng kasinungalingan.
Hindi niya tayo tinulungan, Iris.
Siya ang masama rito. Siya ang dahilan kung bakit namatay si tatay at kung bakit ako misirable ngayon.
“Gawin mo na lang ang sinasabi ko, okay?” tumungo na lang siya sa akin at hinalikan ang aking pisngi. “Basta, Ate, titingin ka na sa dinadaanan mo, ha? Para hindi ka madudulas, okay?” pinisil pa nito ang aking pisngi.
Sandali lang nang tawagin na siya ng kaniyang taga pag-alaga ay lumapit na sa akin si Manang Lorna.
“Tandaan mo ang sinabi ng kapatid mo. Mag-iingat ka na sa susunod at baka mabalian ka naman ng balakang sa susunod, ha?” kumurap-kurap ako kay Manang Lorna. Tila nahihiya dahil alam niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi pa ako gaano makalakad ngayon.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi pwede rito si Iris. Narito naman ako para maging guardian niya, hindi ko lang maintindihan kung bakit siya inilalayo sa akin.
Sumapit ang gabi nang hindi pa rin nauwi si Trevano. Hindi ko naman siya araw-araw nakikita rito. Last na kita niya sa akin ay iyong last na nabomba niya ng tuluyan ang aking p********e.
“H-hindi pa po ba uuwi si Trevano?” tanong ko sa isang lalaking may armado. Doon ko napagtanto na kaya hindi pwede rito si Iris, dahil ganito ang mga makikita niya. “May inaasikaso pa po siya. Ma’am.” ano naman ang iaasikaso niya? Baka naman ay may binubutas siyang ibang babae?
Hindi pwede ‘yon, dahil nakasulat naman iyon sa kasunduan namin na hindi siya pwedeng tumikim ng iba at ako lamang hanggang sa matapos ang kasunduan.
“Alam mo ba kung nasaan siya? Hindi ko rin siya nakita kahapon-” hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang marinig ko ang kaniyang radyo na tumunog. Agad niyang inilapit ang labi nito sa radyo at nagsalita.
“DG three, copy.” hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng DG three pero hinayaan ko na lang na makinig sa kaniya. “Send backup in Cebu, DG three, do you copy?” pinagmasdan lang ako ng lalaking naka tuxedo at armado saka nagsalita ulit.
“DG three, copy that.” matapos niyang sabihin iyon ay tinignan niya na ako muli. “Kailangan niyo ng bumalik sa kwarto niyo. Kung may kailangan kayo ay tawagin niyo na lang ang ilang katulong.”
“Ayos lang ba si Trevano? Pwede ko ba siyang makausap kahit saglit.” ngunit binuksan niya lamang ang pinto ng aking kwarto at agad na tumungo ang ilang armadong lalaki sa gilid ko.
“Three!” sigaw ng kung sino kaya parehas kaming napalingon. Tumakbo ang isang lalaki at may ibinulong sa lalaking kausap ko. “Pumasok ka na sa loob, Ma’am Ris. Order po iyon ni Sir. Trevo.” dali-dali na siyang umalis sa gawi ko.
Dahil hindi na ako nagkulit ay ako na mismo ang pumasok sa loob ng kwarto ko nang hindi na pinipilit.
Bawal ako mag-cellphone, pero pwede naman ako manood ng tv o kahit ano. Tapos na rin ako kumain ng aking hapunan. Hindi nga lang ako mapakali dahil iniisip ko si Trevano.
Bakit ko ba siya iniisip?
Tumayo ako at doon ko napagtanto na hindi na masyadong masakit ang ibabang parte ko. Hindi na siya mahapdi tulad nu’ng kahapon at noong isang araw.
Kanina pa ako nanonood ng movies sa kwarto pero walang napasok sa isip ko. Tinignan ko ang orasan at ala-una na pala ng umaga. Hindi ko man lang nakita kahit anino ni Trevano.
“Nagugutom ako… may pagkain kaya sa baba?” nahihiya naman ako kung pati pagkain ko ay iuutos ko pa sa kanila at gigisingin ko pa. Binuksan ko ang pinto na ikinaalerto ng ilang mga guard sa gilid ko.
“K-kukuha ako pagkain. Nagugutom kasi ako-” hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang makita kong nagpupunas ang ilang mga katulong mula sa sahig.
“Bakit nagpupunas pa kayo hanggang-” tila nawalan ako ng sasabihin sa aking nakita. “Dugo…” mahina kong sabi.
“Gising pa pala kayo, Ma’am Ris.”
“Kaninong dugo ‘yan? Bakit may dugo rito? May nagpatayan ba rito?” kinagat niya ang kaniyang labi bago pigain ang tuwalyang pinunas niya. “Nasa loob na po ng kwarto si Sir. Trevano. May malaking hiwa po sa kaniyang tagiliran at ayaw niya pong ipatingin sa doctor. Gano’n naman talaga po ang ugali niya.” kwento nito sa akin.
Nawindang ang isip ko sa narinig. May sugat siya? Alam kong masama siya, pero bakit naman siya magkakahiwa?
“Punasan mo na lang ‘yan, Karen. Hindi matutuwa si Sir. Trevo, kung nalaman niyang sinabi mo kay Ma’am Ris-”
“Asan ang kwartong pinasukan ni Trevano?” kunot ang noo kong tanong sa isang lalaki. “Hindi po nagpapapasok si Sir. Trevo sa loob ng silid na iyon. Ayon po ang kaniyang utos.” wala akong pakialam.
“Asan ang kwarto.” mariin kong tanong. Kita ko kung paano niya kinagat ang labi nito. “Ma’am Ris. Hindi po maayos ang lagay ni Sir. Trevo ngayon at maari mong ikamatay kung papasok ka-”
“Kung papatayin niya ako ay papatayin niya ako. Sabihin mo sa akin at pupuntahan ko.” ang pahinga niya ay ang pagsabi sa akin na gagawin niya ang inuutos ko.
“Huy! Magagalit si Sir. Trevo, kung malaman niyang ikaw ang nagturo kay Ma’am!” tila pagpigil ni Karen sa lalaki. “Ayaw niyong sabihin? Kung gano’n ay ako na lang mismo ang maghahanap sa kaniya.” kita ko kung paano kumunot ang noo ng lalaki.
“Ma’am Ris. Ilalagay mo sa kapahamakan ang buhay mo at ang buhay namin rito.” hahablutin niya na sana ako nang makuha ko sa kaniyang gilid ang baril nito. Hindi ko iyon itinutok sa kaniya o sa babae.
Ngunit itinutok ko iyon sa aking sintido.
“Subukan mong lumapit dalawa at ipuputok ko ito sa ulo ko.” galit kong singal. Kita ko ang ilang lalaki na tumatakbo patungo sa gawi namin at tila huminto nang makita ako.
“Now, step back at hahanapin ko kung saan kwarto si Trevano. Naiintindihan niyo?” saka ako tumakbo at nang sa hindi kalayuan ay nakita ko ang ilang mga armado na nakapalibot sa isang pinto ay doon ko nakumpirma kung nasaan si Trevano.
“Ma’am…” ani ng ilan.
“Aalis kayo o ipuputok ko ‘to?” tila mga walang nagawa ang mga ito nang buksan ko ang pinto at ihinagis sa labas ang baril. Ngunit pagsarado ko pa lang ng pinto ay narinig ko na ang kasa ng baril at tila may dumapong malamig na bakal sa aking sintido.