CHAPTER 11

2124 Words

"'Te Lorna! Sino pala 'yung nabanggit niyo sa akin?" Nangungulit na talaga ako ngayon. Hindi ba naman ako pinatahimik ng utak ko kakaisip. Nilingon naman niya ako habang siya ay nagpupunas ng mesa. "Nako, Hija! Saka ko na lamang sasabihin sa iyo, kapag hindi na marami ang gawain ko." Turo niya sa mga malilinis naman na bagay na nakikita ko. "Aayusin ko pa ang mga iyan, dahil ayaw ni Trevano ng magulo at makalat," wika niya pa sa akin. "Ganoon po ba? Kapag po ba nalinis na at natapos niya na ang mga iyan ay sasabihin niyo na sa akin?" Pansin ko ang pagpikit niya sandali sa kakulitan ko. "Mag-aayos pa ako sa itaas. Lalo na sa mga kwarto-kwarto," sunod niya pa. "Kung ganoon ay tutulungan ko na kayo!" "Kung gusto mo akong malintikan kay Trevano ay bakit hindi!" Sumimangot ako sanda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD