“Alam mo ba kung saan pumunta si Trevano?” Tinaas niya ang kaniyang tingin sa akin nang itanong ko iyon. “Hindi siya nagpaalam sa ‘yo?” Ngumuso ako sandali at umiling. Nahihiya… Nilalagyan niya ang kamay ko ng Povidone-Iodine, hindi naman masakit pero ramdam ko ang kaunting kirot. “Nakipag-away nanaman ba siya?” Hindi ko inaasahang tatawanan niya ang tanong ko. “Nakipag-away?” Ginaya niya ang tanong ko’t hininto ang pagdampi ng kung anong gamot sa palad ko. "He's engaging in illegal activity." Huminga ako ng malalim. Alam ko naman iyon pero bakit? Bakit niya ginagawa ang mga iyon? “Bakit parang hindi ka masaya sa narinig mo?” Humawi nanaman ang tingin ko kay Doc. Alec at tila naglabas ng salita. “Why is he doing that? For money?” “Yes.” "He's capable of doing better than...

