CHAPTER 13

2491 Words

Isang linggo ang lumipas nang ma-bored ako lalo. Hindi na rin dumalaw pa si Doc. Alec, dahil wala naman na siyang agenda para dumalaw pa. Medyo healed na ang sugat ko at makati na rin ang paligid ng sugat. Sabi ni Doc. Alec ay senyales na raw iyon na pagaling na ang sugat. “Hindi po ba talaga ako pwedeng sumama?” Nagmamakaawa na ako kay Manang Lorna para lamang isama ako. “Sige na po!” Inaalog ko pa ang kaniyang bisig nang huminga na siya ng malalim. “Mahirap iyang gusto mo. Kabilin-bilinan sa amin ay hindi ka pupwedeng lumabas at gusto mo na isama pa kita sa labas?” Nawalan ako ng pag-asa pero kung hindi niya ako isasama ay mamamatay ako ng maaga! Talagang hindi nga ako sinama ni manang nang umalis siya para mamili. Ang kasama niya lamang ay si Marie at ako naman itong naiwan lama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD