Nakatingin lamang ako kay Trevano habang siya ay natutulog sa kaniyang kama. Hindi ko makita ang nakakatakot na Trevo sa kaniya… hindi tulad kapag gising siya na para bang kaya niyang patayin ang buong tao sa paligid niya. “Take this.” Saka inabot ni Alec ang isang basong kape. Ngumiti lamang ako sa kaniya nang kaunti at binalik ang tingin kay Trevano. “Marami ka bang alam sa kaniya?” gusto ko lang malaman ang nakaraan niya. Hindi naman siguro masama magtanong, ano? “Mas marami kang alam sa kaniya.” Tila nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Mas marami akong alam kaysa sa kaniya? Imposible naman iyon mangyari… Nilakasan ko ang aking paghinga na alam kong kaniyang narinig. Ayokong lokohin ang sarili ko dahil hindi naman iyon totoo. Paano ko mas makikilala ang isang lalaking il

