[MARINA POV] Hindi niya alam anong gagawin sa dalawang magpinsan. Si Darius na hindi mapigil ang bibig sa kakapang-asar kay Phoenix, at si Phoenix naman kitang kita na inis na inis ito sa pinsan. Sa ngayon ang magagawa lamang niya ay pabayaan ang dalawa. Siguro nainis lang si Phoenix dahil hindi nito inaasahan na dadating ditto si Darius. Ngayon, tuloy ang kanilang movie marathon! Siya, si Phoenix pati ang pinsan niya na si Darius. Nasa sala silang tatlo, nakaupo sa sahig na nakasandig sa maraming unan. Nasa gitna siya sa dalawang magpinsan. Hawak niya ang malaking bowl ng popcorn. Si Phoenix tahimik lang habang si Darius kuha ng kuha naman ng popcorn. Si Darius ang pumili ng movie papanoorin nila. Sinister ang napili nito. A horror movie. Okay lang sa kanya manood ng nakakatakot na pa

