[MARINA POV] “Sweety mo mukha mo. Anong ginagawa mo ditto?” “Parang hindi ka sanay na pumupunta ako ditto sa lungga mo. Ano pa ba ang ginagawa ko ditto?” “Sana tinawagan mo muna ako bago ka pumunta dito. God! Parehas lang kayo ni Mama eh!” Nilapitan siya ni Darius at inilapit ang labi nito sa kanyang tenga. “See? That’s his true form.” “Darius!” Saway nito sa pinsan. “Get away from her!” “Eto naman. Hindi naman ako lamok and we’re friends now. Tama ba ako, Marina?” Tumango siya bilang sagot at mas lumukot naman ang mukha ni Phoenix. “I cannot believe this.” Sabi lang nito. “Ah… akin na iyang mga pinamili mo.” Kinuha niya sa kamay nito ang mga dalang groceries. “Pumasok ka muna sa kwarto mo para magbihis. Nagluto din pala si Darius at siguro pwede na tayong maghapunan?” “Yes! Nag

