[MARINA POV] “I see. Kaya ibebenta mo ang resort para tumira sa ibang lugar. You don’t like your father’s land? Ang sarap kaya tumira sa isang lugar lalo na pagkagising mo, dagat na ang bubungad sa iyo.” Nakaupo lamang siya habang pinapanood niya itong nagluluto. “Hindi naman sa ayaw ko. Kesa na walang magaalaga at lalamunin lang ng buhangin, mas mabuti ibang tao na ang magaalaga noon.” “I understand. Hindi mo naman ipipilit ang sarili mo sa isang bagay na ayaw mo for the sake of others hindi ba? Either they like it or not, your decision is still important at tsaka, si Phoenix naman ang bibili. I know hindi siya gaya ng mga hayok na mga negosyante diyan na pag may nabiling lupa, patatayuan agad ng negosyo. Your resort is safe if it’s him.” “Oo nga. Kaya malaki ang tiwala ko sa kanya.”

