[MARINA POV] Nagpaalam na si Phoenix na uuwi na pagkatapos nitong mamasyal sa resort. Nagpapasalamat ito sa kanila dahil winelcome siya nito pati na din ang masasarap na pananghalian at pagsama niya rito sa pamamasiyal. Maligaya din siya dahil sa loob ng maraming taon ay may nakausap siyang ibang tao na lubos siyang naintindihan at napapangiti sa kanya. Iba kapag nakakausap niya si Phoenix, parang mawawala sa isip mo ang problema. Nagpapasalamat siya dahil nakilala niya ito. "Umalis na ba ang sasakyan ni Mister Valerio, Hija?" Tanong ni Nana sa kanya. "Opo. Pinapasabi po pala sa inyo na salamat dahil nasarapan po siya sa mga handa ninyo." "Sayang naman."Itinaas nito ang isang malaking tupperware. "Ipapadala ko pa naman ito sa kanya." "Ayos lang po iyan, Nana. Iyan na lang po ang hapu

