[MARINA POV] "Mag-iingat ka sa siyudad,hija. At magpakasaya ka doon." Bilin ng kanyang nana habang hinahatid siya sa labas ng gate. Naroon na din si Phoenix at ang sasakyan nito. Ngayong araw ang pinagkasunduan nila ni Phoenix para pumunta sa siyudad dahil asikasuhin nilang dalawa ang ang kasal at iba pang mga bagay na kakailanganin. Gusto kasi nito na kahit isa lamang itong "kasal", kailangan pa rin nilang maghanda para walang maghihinala sa kanila na magpapakasal silang dalawa para maipasa na sa kanyang pangalan ang titulo sa lupa ng kanyang ama at maibenta na kay Phoenix. "Hindi naman po kami mamasyal, Nana. Aasikasuhin lang po namin ang mga papeles sa kasal namin." "Kahit na. Palagi ka na lang nagmumukmok dito. Basta, kwentukan mo ako pagbalik mo, ah?" "Opo, Nana." "Ready, Marina

