[MARINA POV] Wala siyang kamalay-malay saan siya dadalhin ngayon ni Phoenix. Ang sabi lamang nito sa kanay ay may pupuntahan silang dalawa at doon gagawin ang kanilang honeymoon. Hindi nito sinabi kung saan at anong gagawin nilang dalawa sa inihanda nitong “honeymoon’ para sa kanilang dalawa. Pero sa nakikita niyang saya at excitement sa mukha nito, pinabayaan niya lamang ito sa gusto nito at hindi na lang siya magtatanong. Mula kanina, bago isagawa ang kanilang simpleng pag-iisang dibdib, batid niya ang saya nito. Si Phoenix na din ang nagsabi sa kanya na kahit hindi man ito isang totoong kasal, ituturing pa rin nito na isang espesyal na araw para sa kanilang dalawa. At totoo nga ang sinabi nito sa kanya. From wedding rings, to her beautiful wedding dress at hanggang sa simpleng salo-sa

