[MARINA POV] “Phoenix, saan na naman ba tayo pupunta?” “Basta. Malalaman mo rin. At kapag nandoon na tayo, I’m so sure magugustuhan mo ang makikita mo.” Pinabayaan lamang niya ito hawakan ang kanyang kamay ay ginaya sa itaas ng bar ni Tito Edd. Hindi niya alam anong ipapakita nito sa kanya but if it’s Phoenix, siguradong maganda ang makikita niya. Nasa harapan na sila ng pinto at inilabas nito ang ibinigay na susi galing kay Tito Edd. “He said I can borrow this key if it’s my special day.” “Pero ang sabi mo, nakapunta ka na dito.” “Yes. Pero ang OA kasi ni Tito Edd. Pinalabas niya ako kaagad. In short, nasilip ko lang.” Binuksan nito ang pinto gamit ang susi at hinay-hinay nitong binuksan ang pintuan. Napabilog ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Nandito pala sila sa rooftop at

