[MARINA POV] Inayos niya ang mga kumot at unan pagkagising niya. Ang daming nangyari kagabi. Tinangka siyang angkinin ng dati ng nobyo at dinala sa masukal na lugar at hindi natuloy sa paghahanap ni Phoenix sa kanya. Sa nakakatakot na ngyari na iyon, ang himbing ng kanyang tulog. Para bang hindi totoo na nangyari iyon. Pinaramdam nga nito na hindi siya nagiisa at hindi niya kalian pang matakot dahil kahit ano man mangyari, naroon ito para protektahan siya. Narinig niya ang katok sa pinto. Bumukas iyon at nandoon ang lalaking naging dahilan ng pagkakatulog niya ng mahimbing. “Good morning! Breakfast in bed?” May dala-dala itong isang tray ng pagkain. “Hindi ka na sana nagabala pa. Kailangan ko rin naman bumalik sa hotel baka hinahanap na ako ng mga kasama ko.” Tinulungan niya ito sa d

