[MARINA POV] One year later. “Ma’am Chi, saan kop o ito ilalagay?” “Hmm… isali mo na lang iyan sa tabi ng mga balloons. Kailangang mukhang puno ng decorations ang lugar. Request ng debutant kasi.” “Sige po.” Hindi sila magkadangugaga sa paged-decorate sa buong venue dahil tatlong araw na lang gaganapin na ang 18th birthday celebration ng kanilang client. Yes, nagtatrabaho siya bilang isang staff sa Event Decorating Company. Simula ng ipinasok siya ni Carra sa ganitong trabaho, nahihirapan siyang mag-adjust dahil na din first time niyang magkaroon ng trabaho. Kaya sa bawat araw na lumipas, hindi niya gaano maintindihan ang mga pinaguutos sa kanya. Mabuti na lang inaalalayan siya ni Carra at after one year in this job, masaya na siya sa sitwasyon niya. Hindi lang kasi ito trabaho para

