[MARINA POV] Ilang oras ng paghihintay, sa wakas nakarating na din siya sa kanyang destinasyon. Nandito siya sa Baguio City. Dito mismo magsisimula ang bago niyang buhay. Ramdam niya agad ang lamig paglabas niya sa departure area. Hindi pa siya nakakapunta ditto kaya nanginginig siya sa lamig at kailangan niyang doblehin ang suot niya. Palinga-linga siya. Hinahanap niya ang susundo sa kanya. Mukhang hindi pa yata ito dumarating kaya naghintay muna siya. Pumunta muna siya sa isang kainan at nagmiryenda. Ramdam na niya ang gutom at kulang ang pagkain binigay ng airline. Pagkatapos ay tumambay siya sa isang public bench para maghintay. “Marina! Marina!” “Carra!” Agad silang nagyakapan. “Oh! I’m so happy to see you! Pasensya ka na na-late ako. May meeting kasi at hindi ako makaka-eskapo

