[MARINA POV] “Anong ginawa mo kay Ate? Bakit siya umiiyak? Sino ka? Bakit ka nandito? Kilala mo si Ate Marina? Papaano? Kalian? At bakit siya umiiyak? Inaaway mo ba siya?” “Ma-Maya, teka lang.” Pigil niya rito. “Okay lang ako. Wala siyang ginawa sa akin.” “Kung ganoon, bakit ka umiiyak?” “Ah…Wala nga. May pianguusapan lang kaming importante. Ah! Oo nga pala. Maya, heto pala si Phoenix. Phoenix, si Maya. Kaibigan ko at nakatira siya sa kabilang barangay. Pumupunta din siya sa resort para mamasyal.” Tumayo si Phoenix para makipagkamay rito. “Nice to meet you, Maya. Sorry kung nagulat ka sa nakita mo. Malungkot lang ang Ate Marina mo at pinapalubag ko lang ang loob niya. Pasensya ka na ah?” “Sandali…” Tinignan nitong mabuti si Phoenix at biglang tanong nito sa kanya, “Asawa mo, Ate?” N

