[MARINA POV] “Marina! You’re here?!” Gulat ito ng makita siya. “Magpahinga ka muna. Nagdala pala ako ng lunch para sa iyo. Kumain ka na.” Ngiting bati niya rito. “Simple lang ang inihanda ko. Sana nagustuhan mo.” “Silly. Of course magugustuhan ko ano man ang inihanda mo para sakin. Wala na rin naman masyadong tao kaya plano kong umuwi para doon na maglunch pero nagulat na lang ako na nandito ka pala.” Pumuwesto ito at umupo sa kanyang tabi. Masyadong maliit ang kinauupan nila kaya minsan nagtatama ang kanilang mga balikat. “Hindi kita napansin. Kanina ka pa nandito?” “Hindi ko din napansin ilang minuto na ako nandito eh. Basta naghanda na lang ako ng lunch at agad na pumunta ditto. Sorry ah? Late na akong nagising. Ng bumaba ako wala ka na pati si Nana. Buti nabasa ko sulat mo na idini

