[MARINA POV] “Anong oras na ba?” Gising na siya pero inaantok pa rin siya. Tinignan niya ang orasan at laking gulat niya na magaalas-dose na ng tanghali. Patay! Bakit ngayon lang siya nagising?! Dali-dali siyang bumangon at niligpit ang kumot at kama. Pagkatapos niyang maligo agad-agad siyang bumaba. “Phoenix? Phoenix, sorry tinanghali na ako ng gising. Hindi ko namalayan ang oras. Nagbreakfast ka na--- nasaan siya?” Wala siyang Phoenix na nakita. Nasaan kaya ito? Pinuntahan niya ito sa kwarto pero wala. Sa likuran ng bahay kung saan doon minsan ito tumatambay, wala naman. Pati na din sa front porch at cottage area, wala din ito. Nasaan ba ang lalaking iyon?! Bumalik siya sa bahay pumunta sa kusina. Nakakapagtaka naman. Sinabi naman nito na hindi ito lalabas ng bahay o gumala sa iban

