[PHOENIX POV] “Magandang umaga sa iyo, hijo. Umupo ka na malapit na maluto ang inihanda kong agahan.” “Magandang umaga din po Nana.” Umupo siya habang pinapatuyo niya ang kanyang basang buhok sa tuwalya. “Si Marina po?” “Tulog pa. Baka nagpuyat na naman kagabi. Minsan kasi hindi iyon nakakatulog masyado. Nasanay na siguro ang katawan sa pagpupuyat pero tanghali na kung gumising.” Dahil yata sa ginawa nila kagabi na namangka sila sa gitna ng dagat. Maghahating gabi na din ng umuwi sila. Wala naman problema kung hindi pa rin nagigising ito, wala naman din siyang plano lumabas para gumala. Mas mabuti magpahinga muna ito. Inilapag nito ang niluto nitong agahan at tinimplahan din siya ng kape. Nagpasalamat siya kay Nana at sabay na silang kumain. “May pupuntahan pa rin po ba kayo, Nana?”

