[MARINA POV] Habang naghihintay na dumating ang kanilang in-order, nagkwentuhan muna silang dalawa. Sobrang saya nila habang kinukwento ang mga masasayang alaala noon college days nila. Hindi niya talaga inasahan na isa sa mga malapit niyang kaibigan ay makikita niya ngayon. “…at naging champion tayo for 3 years. Ang galing talaga ng tactics ninyo.” Patuloy nito kwento tungkol sa volleyball match noon. “Masyado lang talaga magagaling ang ka-team mates ko lalo na si Samantha? Kapag nasa kanya na nakatuon ang bola, alam na naming na makaka-score na kami.” “Yes. Hindi ko nakakalimutan iyon. I heard pagkatapos natin sa college, kinuha siyang coach sa isang private high school team.” “Wow. Mabuti naman kung ganoon. Mage-enjoy talaga siya sa trabaho niya dahil hindi siya malalayo sa pinaka

