SOLD PARADISE CHAPTER 4
//MARINA POV//
Laking gulat niya ng makita niya ang lalaking hinihintay niya ay bigla nalang nagpakita sa kanya at nandito ito sa resort niya.
"Mi-Mister Phoenix!" Tumayo siya kaagad at hinarap ito.
"Ngayon lang ako nakapumta ditto ng personal sa resort mo. Kesa naman tatambakan na naman ako sa maraming trabaho, sasagadin ko na para may oras na ako pumunta ditto."
"Akala ko kasi nag-back out ka na."
Natawa ito sa sinabi niya. "Wala naman akong sinabi ng ganyan. Pasensya ka na pala na hindi ako nagpasabi agad sa iyo na pupunta ako ditto."
"Hi-hindi naman. Ako dapat ang magpasalamat at nagbigay ka ng oras para makapunta ditto."
"You're welcome. Gusto ko sana libutin ang lugar. Gusto ko kasi makita kung gaano kaganda ang mga nakapalibot ditto sa resort mo. Pwede ba iyon, Marina?"
Malamlam ang mga tingin nito sa kanya at dahil ditto, hindi man lang siya makaharap rito ng maayos. Iba kasi ang titig nito lalong lalo sa mga mata nito kulay asul na sobrang ganda. Oati rin ang suot nito, ang presko nitong tignan at parang pinaghandaan talaga nito ang pagpunta nito rito.
"Marina?"
"Huh?" Napapitlag siya. Mukhang lumalakbay sandal ang kanyang utak. Nakakahiya. "Ah, baka gusto mo muna magpahinga. Galling pa ka pa sa mahabang biyahe. Kumain ka muna bago tayo mamasyal."
"Hindi pa naman. Nakapagpahinga rin naman ako habang nasa biyahe ako kanina."
"Ang secretary mo pala, hindi mo kasama?"
"Oo. Siya muna binilinan ko sa mga naiwan kong mga trabaho. Let's go. Excited na ako malibot amg lugar." Nauna na ito lumakad.
Sa isang linggong hindi niya ito nabalitaan, sa wakas ay makakahinga na rin siya ng maluwag. Akala niya talaga ay hindi na ito itutuloy pa ang pagbili sa resort. Kung mangyayari man iyon, tiyak na matatagalan na naman siya makakanahap ng bagong buyer at matatagalan rin niyang makuha ang kalayaan na gustong-gusto niya matamasan.
Bago sila pumasyal ay inihatid muna niya si Maya, ang kasama niya kanina puwi sa bahay nito.
Inilibot nila ang buong lugar pati na rin ang mga amenities ng resort tulad ng cottages, overnight stay rooms at kainan.
Namangha ng sobra si Phoenix dahil presko ang hangin at sa linaw ng tubig dagat. Walang katulad daw itong lugar niya sa mga nakikita nito sa ibang lugar. Pero nanlulumo naman ito dahil may iba na hindi na naalagaan lalong lalo na ang mga ibang pasyalan sa lugar.
"Maganda naman talaga ditto, pero kulang lang sa alaga. You really didn't want to handle your father's land, don't you?"
Masakit man isipin na ito ang iniisip ni Phoenix sa kanya. Still, hindi niya dapat mangibabaw ang awa sa kanyang gusto niyang makuha. "Alam ko na masama akong anak na hindi ko inoobliga ang mga responsibilidad na alagaan ang pinamana ni papa sa akin. Pero, wala talaga sa akin ang mamalakad nitong lugar kaya naman kesa naman walang mangangalaga sa lugar na ito, might as well na ibebenta ko na lang.ara sa ganoon, hindi na ako mangangamba pa ba at alam ko na may iba na handing alagaan ang pinakamamahal na lugar ni papa. Maraming salamat talaga, Mr. Valerio."
Napakamot ito sa batok na oara bang nahihiya ito. "Naku naman hindi mo naman magpasalamat sa akin palagi."
"Iba ka kasi sa mga buyers na nakakausap ko. Kapag nasabi ko sa kanila kung saan ang location, kung di man ako kokontakin ulit, magbaback-out agad sila dahil sa layo nitong lugar. Mas gusto kasi nila maging commercialize at convenient sa mga taong magbabakasyon."
"Nasa tao lang naman kung gusto nila talaga makapunta sa isang lugar kahit na malayo pa. kung sa ganitong kagandang paraiso, kahit ilang layo pa man ito, meron at meron talagang taong pupuntahan iyan."
"Salamat dahil iba ka sa kanila." Ngiting sabit niya rito.
Mukhang mas nahihiya na ito. "Am I? Hindi naman ako tumitingin kung anong kikitain ko sa isang bagay. Mas tumitingin ako sa kalidad ng ine-endorse ko para maging satisfy ang mga kliyente ko."
"Ganoon ba? Salamat naman kung ganoon."
"You don't have to worry, Marina. Hindi ako magdadalawang isip na hindi bibilhin ang resort. I don't mind kung gaano kalahi ang gastos sa renovation ditto dahil hindi ko naman ito gagawin negosyo. I want this place to be private para naman kung gusto kong magbakasyon, kesa naman bumiyahe pa ako ng mas napakalayong lugar, ay ditto na lang ako mamamalagi."
"Kung ganoon ay tatawagan ko ang attorney ni papa para masikaso na ang kontrata."
"Hindi mo naman kailangan magmadali, Marina. Tutulungan kita tungkol diyan kaya, huwag mo muna abalahin ang ibang bagay. Hindi ba magpapakasal pa tayong dalawa?"
Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Oo nga pala. Iyong pinagusapan nilang dalawa na dapat muna silang magpapakasal bago mailipat sa kanyang pangalan ang titulo ng resort.
"Si-sige, kung iyan ang gusto mo." Ngiting sagot niya rito.
"Mabuti naman kung ganoon." Tinignan nito ang suot na relo. "Naku, higit isang oras nap ala tayong namamasyal. Siguro pwede na ako humingi ng pagkain. Nakakagutom pala mamasyal." Tawang sabi nito.
"Sige. Bumalik na tayo at sasabihin ko kay Nana na paghandaan ka ng pananghalian."
"Salamat. Dapat sabay tayong mag-lunch ah? Para magkapagusap na tayo kung anong iahahanda natin sa atin kasal."
Ihahanda sa kasal? Hindi niya alam kung ano iyan at kung ano ang mga ihahanda sa kasal. Nakaramdam siya ng kaba dahil hindi ordinaryon tao ang pakakasalan niya at magpapakasal lang sila para sa isang titulo. Maraming posibilidad na marami pang mangyayari dahil baka meron siyang makabanggang tao dahil kay Phoenix.
Sana naman wala. Kahit mabait si Phoenix, hindi niya maiiwasan na mangamba.
*
>>> >>>> >>>> >>>> >>>> >>>>
*
//MARINA POV//
Inilapag ng kanyang nana ang mga inihandang pagkain para sa kanilang bisita na si Phoenix.
Maligayang maligaya ang kanyang nana na paghandaan nito si Phoenix at makita ito ng personal.
"Naku naman. Sa wakas, nakabisita ka na ditto, hijo. Pinagluto kita ng pinakamasarap na putahe ditto sa amin. Isa din iyan sa mga paborito ni Marina ay ang Kare-kare." Tuwang-tuwang sabi ng kanyang nana kay Phoenix.
"Naku, nag-abala pa kayo Antie..." Hindi alam nito anong ibabansag sa kanyang nana.
"'Nana' na ang itawag mo sa akin, hijo. Hindi naman magtatagal ay magiging magasawa na kayo." Masayang sambit nito sa kanilang dalawa.
Hindi siya makatingin ng maayos dahil sa mga sinasabi ng kanyang nana.
"Alam mob a, hijo, na mas gwapo ka pa sa personal. Nakikita ko lang kasi ang pekchur mo sa kompyuter. Hindi ba, Marina? Habang ini-search mo siya sa internet?" Tanong pa nito sa kanya.
"Nana, okay na po. Pwede na po kayo bumalik sa trabaho ninyo. Salamat po sa sandang pananghalian." Sasabat na siya ditto, baka may masabi pa ito mas lalong nakakahiya at baka iba ang iisipin ni Phoenix.
"Sige, sige. Enjoy kayo sa kain ninyo, ah. Hijo, iturin mon a tahanan ito. Huwag kang mahiya." Bilin nito kay Phoenix.
"Maraming salamat po sa pagkain, Nana." Sabi ni Phoenix.
"Salamat po." Sabi rin niya.
"Nakaka-enjoy naman makausap si Nana no?" -Phoenix
"Oo eh. Kumain ka na." Yaya niya dito.
Nagsimula na ito kumuha ng kanin at ulam. Inuna nito tikman ang kare-kare. "Wow! Tama nga ang sinabi ni Nana, masarap ang kare-kare."
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Kumain ka lang."
"Ikaw? Kumain ka na rin. Nakakalungkot kumain ng mag-isa. Teka." Tumigil ito sa pagkain. Kinuha nito ang kanyang pinggan at nilagyan ng kain at ulam.
Hindi niya inasahan ang ginawa nito. Dali-dali niya ito pinigilan. Nakakahiya. Bisita pa niya ang naghanda sa kanya. "Mr. Valerio, ako na lang."
"Hindi ka kasi kumikibi diyan kaya pinaghain na lang kita. At tsaka, ayos lang naman sa akin. Mas gusto ko pagsisilbihan ang iba lalo na sa babae."
Huh? Hindi niya maiwasan na mapalitan ang kanyang ekspresyon ng pagtataka. Ibig sabihin talaga babaero ito---
"I-I mean... my mother teached me to be gentleman. Normal lang naman siguro iyon, hindi ba? Kaya... huwag ka sanang mag-isip ng iba."
Mukhang nakuha nito ang iniisip niya. "Um... hindi naman sa ganoon. Ayos nga eh na magalang ka sa iba."
"Tama. Im sorry, baka hindi ko naayos ang pagkakasabi ko."
"It's alright, Mr. Valerio."
"Phoenix. Please, call me Phoenix."
"Si-sige."
"Pwede rin Nik Nik. Palayaw sa akin iyan ng mga kaibigan ko pati rin ang parents ko." Natatawang sabi nito.
Hindi rin niya maiwasan na matawa sa sinabi nito. "Nik Nik". Ang cute pakinggan.
"See, natawa ka na rin. Kanina ko pa kasi napapansin na hindi ka masyadong kumiko. May inaalala ka pa? Problema?"
"Wala naman."Sabi niya habang nakatuon ang kanyang attensyon sa pagkain.
"Are you worried about our wedding?"
Hindi siya makasagot. Oo, tama ito. Ang dami niyang iniisip tungkol ditto. Hindi niya alam anong gagawin niya.
"Look at me."
Iniangat niya ang kanyang tingin. Kakaiba talaga kapag tinitignan niya ang berdeng mga mata nito. Parag nahihipnutismo siya.
"It's alright na ganyan ang iniisip mo. Nandito naman ako eh kaya hueag kang mag-alala. I am going get marry also kaya parehas lang tayo nangangamba. Hindi ko kasi alam anong ine-expect ko. Maraming bese na akong naging best man pero iba na siguro kapag ako na ang groom. Magtulungan tayong dalawa and I promise you, propotektahan kita."
Sana nga, Phoenix. Sana nga.
*
*
TO BE CONTINUED...