[MARINA POV] Wala siyang maisip saan siya dadalhin ng sumundo sa kanya. Dadalhin ba siya nito sa opisina ni Phoenix? Wala talaga siyang ideya anong pinaplano nito. Ilang sandal ng paghihintay, huminto ang sasakyan sa isang building. Binuksan ng driver ang pinto ng sasakyan para sa kanya at lumabas siya. Nabasa niya ang pangalan ng establishment. Sandali lang. “Bakit po tayo nandito?” nandito siya sa isang massage spa?! “Hihintayin ko po kayo ditto.” Iyan lang ang sagot nito sa kanya. So…nandito si Phoenix? Nagaalanganin man siya pero pumasok pa rin siya sa loob. Tumambad sa kanya ang dalawang babae. “Good evening, Miss Mendez. Please, wear your robe para makapagsimula nap o kayo.” “P-po? Pero, wala naman akong reservations ditto.” “Reserved po ni Mister Valerio ang Spa para po sa

