[MARINA POV] “Take a seat. Kumusta ang relaxation kanina?” Inalalayan siya nitong umupo. “First time akong nakapamasahe at hindi ko ine-expect na para akong lumulutang pagkatapos. Ikaw ah, hindi ka ba nauubusan g supresa?” “Sinabi ko kahapon hindi ba na babawi ako sa mga araw na puro si Darius na lang ang kasama mo so, I made this.” “Akala ko may importante kang pinuntahan kaya maaga kang umalis. Naghintay ako sa iyo buong araw pero may iba ka palang plano. So for the whole day, ginawa mo ito?” “Yes. Well, hindi ko naman maa-accomplish ang lahat ng ito kung hindi ako hihingi ng tulong.” “Pati ang pag-reserved mo ng masahe at sa damit ko?” “You’re right! Well, majority noon ako ang nakaisip. Tinulungan lang nila ako ditto mag-decorate. Buti pumayag si Tito Edd. Nagustuhan mo ba ang m

