[MARINA POV] Nang dahil sa kahihiyan na nadanas siya kagabii, hindi niya matitigan ang mukha ni Phoenix pagkaumaga. Alam niya na pinararamdam nito na walang nangyari kagabii dahil ina-accommodate siya nito mula sa kanyang breakfast hanggang sa inihatid siya papauwi sa resort. Hindi na ito sumama pa dahil kakailangan nito dumalo sa isang meeting. Mabuti na rin iyon dahil hindi niya talaga kaya kausapin ito ng harapan dahil sa nangyari kagabi. “Pasensya ka na talaga hindi na kita masasamahan pa.” Paumanhin nito sa kanya. “Huwag kang mag-sorry. Okay lang at tsaka mas importante naman iyan eh.” “Thank you for your understanding, Marina.” “A-ano nga pala, maraming salamat ah. Nag-enjoy ako kagabi.” Natuwa ito. “Mabuti naman kung ganoon. Hindi pa naman iyon natatapos. Kung may pagkakataon,

