[PHOENIX POV] Charity Event. Tama nga ang sinabi ni Henry na dadalo lahat ng miyembro ng kanyang pamilya ngayong gabi. Hindi naman lahat pero nandito kasi ang kanyang mga magulang ngayon. Kapag kasi tungkol sa charity ang paguusapan, dadalo talaga ang dalawa. Since lumago ang kanilang mga negosyo, panata na nito na tulungan ang ibang tao at sumasali sa mga charity foundations. “Phoenix, your parents are here.” Bulong ni Henry. “Auston!” Agad niyang nilingon ang kanyang ama kasama ang kanyang ina. “Pa! Ma! Nice to see you here. Kumusta ang Vienna?” “Still the same. Mabuti naman dumalo ka ngayon. Pinilit ka ba ni Henry na pumunta ditto?” “Pa naman, hindi naman po. Trabaho din naman ito kaya nandito ako ngayon. Baka magalit pa si Mama dahil wala ako ngayon, hindi ba Ma?” “Hmmm… Pwede

