Chapter 11 “I'm going,” paalam ni Cameron sa kanyang abuelo. Ilang araw rin siyang tumambay sa pamamahay nito nang walang ginagawa maliban sa kumain. Ilang beses siya nitong pinagalitan dahil na rin sa mukha raw siyang patay gutom. “Take care of yourself, Cameron. For the hundred times, I'm telling you,” usal nito habang naiinis ngunit bakas naman sa boses ng kanyang abuelo ang pag-aalala. Nakangiti siyang tumango. “I will,” aniya bago sumakay sa kanyang motor. Ilang oras ang itinagal niya sa daan. Mabilis siyang nagmaneho. Isa lang naman ang nasa kanyang isipan habang nasa biyahe. Ang dalagang si Luna. Napangiti siya nang ilang beses habang inaalala ang mukha nito. Ang pagkunot ng noo nito kapag nasa harap siya nito. Ang paraan nang pagngiti ng dalaga ay hindi mawala-wala sa kanyang

