bc

Taming the Alpha

book_age16+
1.1K
FOLLOW
4.7K
READ
alpha
forbidden
kickass heroine
student
lighthearted
werewolves
campus
small town
waitress
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Who can resist a dashing Cameron Revil?

Luna is a beautiful, charming, and sassy woman living in the small town of La Trinidad. Ayaw niyang maging heroine katulad ng mga nababasa at napapanood niya. She dreamed of writing great stories and she's the antagonist. She's not a fan of fairytales.

Dashing.

Iyan ang nasa isip ni Luna nang magkagusto kay Cameron. He was like a hunk that pop straight out of a book she's reading. She was so into him she's not even bothered about the stares they're getting when they're together. Wala siyang pakialam.

He's in love. She's in love. What could go wrong? Will she conquer the world with the man she love or will she fight the rogues of her dreams alone?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chaptet 1 "Grrr!" malakas na singhal ni Luna nang magising kinabukasan. Kung hindi lang sana siya inabandona ng kapatid niyang hilaw ay wala sana siya rito ngayon. Padabog siyang tumayo at mas lalong uminit ang ulo ng puro alikabok ang matapakan ng kanyang mga paa. Kung sana ay inabisuhan man lang siya nito para naman makapaghanda siya sa pag-alis. Ngayon ang unang araw niya sa pasukan sa bayan ng Trinidad. Malayo ito sa kabihasnan at wala man lang internet. Pero ayos lang sa kanya. Hindi naman siya katulad ng kapatid niyang mamamatay kapag hindi makakapag-internet. "Mamaya na lang ako maglilinis," aniya sa sarili saka naligo na. Hindi na siya nag-abalang magluto ng agahan dahil hindi pa siya nakabili ng groceries. Maaga siyang pumasok sa eskuwelahan. Trinidad Community College. Iyon ang nabasa niyang nakaukit sa mismong gate sa harap ng eskuwelahan. Dala ang school papers na ipapasa niya upang makapag-enroll, nakangiti siyang pumasok sa kanyang magiging classroom. Wala pang estudyante dahil maaga pa naman kaya naisipan niyang magbasa muna ng lessons nila. "Hi! Ako si Solene. Sol for short," anang babaeng maliit ang mukha, makapal ang kilay at mahaba ang manipis na pilikmata. Ang mga mata nito ay malaki, matangos ang maliit na ilong at mamula-mula ang pisngi. May lip gloss ang labi nitong may kanipisan din. Ngumiti si Luna sa babae. "Hello, Ako si Luna." Umupo ito sa tabi niya. "Ikaw ba 'yong sinasabi nilang bago sa bayan?" tanong nito sa kanya. Tumango siya bago sumagot. "No'ng isang araw lang ako rito. Taga-rito ka ba?" usisa niya sa bagong kakilala. "Oo. Dito na ako lumaki," nakangiting sahot nito. "Bakit mo naisipang mag-aral dito?" tanong nito. "Wala akong choice. Narito kasi ang lupaing nakapangalan sa akin. Wala na akong magulang at iyon lang ang naiwan nila para sa 'kin," malungkot niyang sagot. Bukid. Oo, bukid ang iniwan sa kanya ng kanyang ama. May kapatid siya. Half-sister. Si Emily, filipino-british. At hindi niya kasundo ang babae. Maputi ito, matangkad, maganda. Kahit isang taon lang ang agwat nila sa isa't isa ay mas mature itong tingnan kaysa sa kanya. She's a conservative type of woman. Sa edad na labinsiyam ay mas pinili niyang magsulat ng mga tula. She loves reading and writing. She dreamed of writing great stories and she picture herself as the antagonist. She's not a fan of fairytales. "Talaga? Sa inyo ba 'yong maliit na bahay sa may kakahuyan?" Kumislap ang mga mata ng dalaga nang tumango siya. "Mamaya na lang, nandito na si Ma'am," bulong nito sa kanya nang balingan ang pinto. Lumingon siya. Nakatayo roon ang isang may katandaan ng ginang. Nakasuot ito ng salamin habang may bitbit na libro. Napaismid siya. "Magandang umaga sa lahat!" bati ni Mrs. Chavez. Inilapag nito ang bitbit na libro sa mesang gawa sa kahoy. Humarap ang guro sa mga estudyante. "Sino si Miss Padilla?" tanong nito sa kanilang lahat. Taas-noong nagtaas ng kamay si Luna saka ngumiti sa ginang nang lingunin siya nito. "Halika rito," anito. Naglakad siya papalapit sa unahan habang hawak ang isang brown envelope. Ibinigay niya rito ang dala dahil ito ang mag-e-enroll sa kanya hindi katulad sa ibang lugar na kailangan pang magpila at paunahan ng iskedyul. "Sige, maupo ka na. Katabi mo si Mr. Rivel." Itinuro nito ang upuan sa pinakalikuran. Kumunot ang kanyang noo nang magsinghapan ang mga kaklase niya. "Sshh!" saway ng kanilang guro sa mga ito. "Bakit?" nagtatakang tanong niya sa sarili. Naglakad siya papalapit doon saka binitbit ang bag at pabagsak na naupo sa isang upuan. Nakangiti lang na lumingon sa kanya si Sol dahil nasa unahan niya lang ito nakaupo. "Naiinggit lang sila sa 'yo," bulong nito sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya. Nakinig lang siya sa kanilang guro hanggang sa sumapit ang tanghalian ng hindi man lang dumating ang Sanders na sinasabi nila. "Sabay tayong mananghalian," ani Sol nang matapos nitong iligpit ang mga gamit. "Hmm. Sige," nakangiting sagot niya habang kinukuha ang pitaka. Sabay silang naglakad patungo sa canteen ng naturang unibersidad. Education ang kinuha niyang kurso dahil iyon lang ang kaya ng budget niya. Ampalaya, tortang talong, isang hotdog at dalawang cup ng bigas ang binili niya dahil nagutom siya. "Grabe! Nagutom ako," aniya nang makaupo. Nanlalaki ang mga matang nakamatyag sa kanya si Solene. Nagtataka. "Mauubos mo ba 'yan?" tanong nito. Naupo ito sa tabi niya bago inilapag ang dala niyang isang tortang talong. Ten pesos na iyon. Inilabas ng dalaga ang baonan nitong may lamang kanin, kutsara at tinidor. "Oo naman," nakangiting sagot ni Luna sa bagong kaibigan. At least, ngayon ay may matatakbuhan na siya. Umasim ang kanyang mukha nang maalala ang kapatid. Mabilis na nag-ingay ang mga estudyante nang may pumasok na isang lalaki. Maitim ang buhok nito. Kulay abo ang mata at nakapagtatakang sa layo ng distansiya nilang dalawa ay napansin niya pa iyon. Ang pilikmata nito ay mahaba at makapal ang maitim nitong kilay. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at itim na pantalon. Diretso ang tingin nito at nang magtama ang kanilang paningin ay para siyang nahipnotismo. Napaubo siya saka mabilis na nag-iwas ng tingin. "Sino siya?" aligagang taning niya sa kasama ngunit pati ito ay kumikislap ang mata habang nakatingin sa lalaki. Umismid si Luna. "Ano'ng mayroon sa lalaking 'to at ganito sila kung makatingin sa binata?" bulong niyang tanong sa sarili saka ipinagpatuloy na ang pagkain. "That's Cameron!" Muntik na siyang mabilaukan dahil sa biglaang pagsigaw ng kanyang katabi. "The who?" nagugulat niyang tanong. "That's the freaking Cameron Sanders! My goodness, Luna! That's your seatmate!" Tutop ang bibig nitong sagot. Napaismid siya dahil sa biglaang pagsasalita ng ingles ng kaibigan. "Talaga?" hind interesadong tanong niya. Hindi niya man lang tinapunan ng tingin ang binata kahit pa ang lahat ng naroon ay nagbubulung-bulungan. "Yes! Ano ka ba? Ang suwerte mo nga't mahihing katabi mo 'yan. That's rare, honey," tumatawang usal nito. "Haha! Hindi ako interesado." Tumayo na siya at binitbit ang pitaka. Lahat ay natuon ang atensiyon sa kanya ngunit binalewala niya lang ang mga ito. "Hoy! Tapos ka na? Hintayin mo ako," nagmamadaling uaal nito saka binitbit ang dalang tupperware. "Tsk." Sabay silang naglakad pabalik sa room nila. Pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan ang mga tinging ipinukol sa kanya ng lalaki kanina. Cameron. What a nice name.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.8K
bc

His Obsession

read
104.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook