Chapter 2

1105 Words
Chapter 2: "Alam mo ba na hindi iyon namamansin ng babae? Tsk! Baka ikaw lang ang makapagpaamo sa taong 'yon, Luna!" pasinghap nitong turan habang nakasunod sa kanya. Tapos na silang kumain at pabalik na sila sa kanilang klase. "Sol," usal ni Luna bago hinarap ang dalaga. "I'm not interested in him or on anyone. Narito ako para mag-aral. I want to be a teacher," aniya. Ngumiti ang kaibigan. "Hindi mo sure," anito saka kumindat pa. "Tss." Natawa siya dahil sa ginawang pagkindat nito. "Silly Solene." Naupo siya sa kanyang upuan at marahang sumandal doon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. May kinse minutos pa sila para magpahinga at hindi naman siya inabala ni Solene. Maingay na ang kanyang mga kaklase ngunit nanatiling pikit ang kanyang mga mata at wala pa rin ang lalake. As if naman hihintayin ko 'yon. Ano siya? Prinsipe? She notice a slight tugging on her shirt. She ignored it. Ngunit nang mas lumakas iyon ay inis siyang dumilat. Tinaasan niya ng kilay si Solene ngunit nakangisi ito sa kanya. Halatang kabado. "Bakit?" tanong niya rito. Ininguso nito ang katabi niyang upuan at natutop niya ang hininga nang paglingon niya ay naroon ang lalaki. Kailan pa ito naupo roon? Bakit hindi niya napansin ang pagkilos nito? Umiwas siya ng tingin ng hindi man lang ito lumingon sa kanya. Para itong walang pakialam sa paligid. Pinandilatan ni Luna si Solene. Napapahiyang nag-iwas ng tingin ang kaibigan. "What's wrong with him?" tanong sa isipan ni Luna. "B-bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa binata. Kinurot niya ang sarili dahil nauutal siya at ngayon lang nangyayaring nahihiya siya sa isang lalaki. Tumikhim siya upang kunin ang atensiyon nito ngunit hindi man lang siya nito nilingon. Luna tugged his shirt but she received some death glare from the guy. Tikom ang bibig na tinanggal ni Luna ang kanyang mga kamay. Naririnig niya ang mahinang bungisngis sa kanyang likuran at sigurado siyang napanood ng kaibigan ang kanyang pagkapahiya. Humarap siya sa unahan nang pumasok ang susunod nilang guro. Nakinig na lang siya hanggang sa matapos ang klase. Imbis na makipagkaibigan sa lalaki ay itinikom niya na lang ang bibig. Napahiya na siya kanina at ayaw na niyang dagdagan pa iyon ngayon. Mabilis siyang tumayo nang matapos ang klase. "Diretso uwi ka na?" tanong ni Sol habang inililigpit ang gamit nito. Tumango siya nang hindi nakatingin sa kaibigan. "Sino'ng kasama mo sa inyo?" dagdag nitong tanong. "Si Nanay Esme," sagot niya. Si Nanay Esme ay isang biyuda. Wala itong anak at nang malaman nitong mag-isa siya ay sinamahan siya nito. "Ah," anito saka binitbit na ang bag. Sumabay ito sa kanyang naglakad pauwi. Marami silang kasabayang estudyante. Ang iba ay nag-uusap, nagtatawanan, nagbabangayan at ang iba ay walang pakialam sa paligid. Katulad niya. Diretso lang ang tingin niya kahit pa ramdam at alam niyang pinagtitinginan siya. Sino ba naman ang hindi titingin sa kanya, she's 5'6 tall, fair complexion. Her eyes are brown and she has a raven black shoulder length hair. Her brows are arched towards the tail. She has a thin lips and a heart-shaped face. "Damn! They're eyeing you, Luna," komento ng kaibigan na abala sa paglinga sa paligid. "Huwag mo silang pansinin," walang ganang sagot niya. "Wow! Maka-arte, hehehe," nakangiting usal nito na sinabayan nang matinis na tawa. Nang makauwi ay mabilis siyang nagbihis. "Nanay?" tawag niya sa matandang kumupkop sa kanya nang dumating siya sa La Trinidad. "Narito ako sa likod, Luna," sagot nito. "Ano po ang ginagawa niyo?" tanong niya rito. Pumunta siya sa likod upang tingnan kung ano ang ginagawa ng matanda. "Pahinga na po kayo. Ako na po riyan," aniya nang makita itong naghuhugas ng plato. Umiling ito. "Huwag na. Mag-aral ka na lang at ayos lang ako rito. Kaunti na lang din naman ang mga ito," anito nang nakangiti. "Hmm. Sige po. Magsasaing na lang po ako habang magbabasa," aniya. "May tubig pa po ba tayo, 'Nay?" Tiningnan niya ang mga balde. "Mag-iigib po ako mamaya, 'Nay," aniya. "Sige." Naghugas siya ng bigas at gumawa ng apoy. Mabuti na lang at naturuan siyang gumawa niyon dahil mahilig siyang makipaglaro sa mga batang malayo ang agwat sa kanila hindi katulad ng kapatid niyang hilaw na maarte. Nang matapos ay hininaan niya ang apoy. Nagsuot siya ng hooded jacket at itim na pajama. Bitbit ang dalawang balde, lumabas siya ng bahay nang may ngiti sa labi. Kaagad na dumampi sa kanyang pisngi ang malamig na simoy ng hangin. Tumingala siya sa langit. Maggagabi na rin. The clouds are dark as if it's going to rain. She bit her lips in disappointment. She loves the sun more than the rain. Dahil ang ganitong senaryo ay ipinapaalala lang sa kanya ang mapait na karanasan kapag sasapit ang gabi. Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang alaalang pilit niyang kinalimutan. Nagsimula siyang maglakad. She's not minding her surroundings. Ilang metro rin ang layo ng kanyang tinitirhan sa balon kung kaya'y natagalan siya. Nang makarating ay kaagad siyang nag-igib. She held the rope that was attached to a small bucket and gently slid it down unto the well. It made a splash as it hit the water. "Hmp!" She gently pulled it out. Nang maabot ay inilipat niya ang tubig sa dalang balde. Nang makontento ay tinapos niya na ang ginagawa. Inilagay niya sa gilid ng balon ang maliit na balde. Hindi pa man siya nakakatayo nang maayos ay tumayo ang mga balahibo niya sa leeg. She sense a strong presence in the near forest. Kinabahan siya bigla. Gusto niyang lumingon. Gusyo niyang tingnan kung ano iyon ngunit napako ang kanyang katawan sa kinatatayuan at parang naninigas siya dahil sa takot na naramdaman. "Ha!" sigaw niya upang makahinga. Hindi niya napansing kanina niya pa pala pinipigilan ang kanyang hininga. Narinig niya ang marahang kaluskos. Mahina lang iyon ngunit dahil sa mga huni ng mga kulisap sa parang at ang pag-ihip nang malamig na hangin ay naging malakas iyon sa pandinig niya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Para iyong dinamba dahil sa kaba. Palapit nang palapit ang mga hakbang ng kung anong hayop at mas lalo siyang hindi makahinga. Hindi siya makagalaw. Iginala niya ang mga mata upang maghanap nang pamalo. Wala. Wala man lang kahoy na malapit sa kanya. Sumagi sa kanyang isipan ang baldeng may tubig. Isa. Dalawa. Tatlo. Mabilis niyang nabuhat ang balde at inihampas iyon nang malakas. Gumawa iyon nang ingay nang tumama sa isang matigas na bagay. Sirang-sira. Tutop niya ang hininga. Takot na takot. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Gusto niyang sumigaw, magwala at humingi nang tulong ngunit walang lumalabas sa kanyang bibig. "C-Cam . . . "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD