Chapter 3

1202 Words
Chapter 3 "Careful." Napalunok si Luna nang marinig ang baritono nitong boses. Malalim iyon at para siyang nilulunod habang pinagmamasdan ang binata. Tall and dangerous. Iyon ang nasa isip niya dahil wala man lang bakas ng emosyon na makikita sa mukha nito. Mataman lang itong nakatitig sa kanya. "A-ano . . . " pigil ang hiningang usal niya. "Paano ka napunta rito?" tanong niya. Hindi ito sumagot bagkos ay pinulit nito ang basag na balde. Noon niya lang napansing nabasa pala ito dahil ito ang nasabuyan niya ng tubig dahil sa takot. "Sorry," hinging paumanhin niya rito. "S-self d-defense ko 'yon," utal-utal niyang sagot at naiinis siya sa sarili dahil doon. Ngayon lang siya nahihiya sa lalaki. Hindi pa rin ito nagsalita. Nag-igib ito ng tubig. May dala rin pala itong maliit na balde. Pinagmasdan niya lang ito habang ginagawa iyon at nang matapos ay saka lang ito tumingin sa kanya. "Did I startled you?" sa halip na mainis dahil sa nagawa niyang pagsaboy ng tubig dito ay nagtanong pa ito gamit ang maotoridad na boses. Nakaramdam siya ng takot dahil doon. Pakiramdam niya ay anumang oras ay luluhod siya sa harap nito. Pakiramdam niya ay isa itong hari. Hari ng kagubatan. Natawa siya sa naisip ngunit kaagad niya ring pinigilan. Baka totoo ang naiisip niya at iyon pa ang maging dahilan upang maputulan siya ng ulo. Inayos niya ang sarili at umayos ng tayo. "Oo!" Matapang niyang sagot. Sa wakas, hindi na siya nauutal. Kailangan niyang sabayan ang masamang aura na bumabalot sa binata. Ayaw niyang mahing sunod-sunuran. Isa siyang palaban at nararamdaman niya ang otoridad sa paraan pa lang ng pagtayo ng binata. He has something in him the she can't fathom. "Ihahatid na kita," presinta nito na nakapagpatigil ng kanyang hininga. "B-bakit?" nauutal na namang tanong niya rito. Kinagat niya ang sariling dila bago pa man niya gawin ang nakasanayan. She bites her nail when she's stressed out and when she is in an uncomfortable situation. Kagaya ngayon. Pinanatili niya ang dalawang kamay sa likod at mahigpit iyong magkahawak. Para siyang batang tatanga-tanga sa harap ng binata at ayaw niya nang ganoong pakiramdam. Imbes na sagutin nito ang tanong niya ay binigyan lang siya nito nang nakakainis na tingin. Iyong tingin na parang naririndi sa kanya. Tingin ng nauubusan na nang pasensiya. "S-susunod ako," nauutal ngunit may bahid nang tapang ang boses nang sabihin niya iyon. Hindi sumagot ang binata bagkus ay binitbit nito ang balde. Ang isa sa kanang kamay habang ang isa naman ay sa kaliwa. Hindi niya napansing may dala itong balde kanina. Nauna itong naglakad sa kanya. Hindi siya natinag ni makagalaw. Napako yata siya sa kanyang kinatatayuan dahil hindi niya inaasahan ang ginagawa ng binata. Lumingon ito sa gawi niya gamit lamang ang kanyang ulo. Tumaas ang kilay nito na animo'y naiinip na kaya naman aligaga siyang tumango. Pahablot niyang binitbit ang sirang balde at parang tuod na sumunod sa yapak ng binata. Tahimik lamang sila. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Tanging huni ng mga ibon sa gabi at tunog ng kuliglig ang naririnig habang naglalakad sila sa madamong bahagi ng bayan. Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Kaagad niyang niyakap ang sarili nang makaramdam ng ginaw. Hindi man lang natinag ang binata kahit pa ang tanging suot nito ay isang itim na sando. Bakat sa katawan nito ang suot. Ang mga matitigas na masel sa balikat ay kumukurba sa bawat paghakbang nito. Ang umbok ng puwitan nito ay nakakahalina. Marahan siyang umubo upang gisingin ang sarili sa bangungot. "Umayos ka, Luna!" mahinang singhal niya sa sarili. Nagpapaalala. Ilang sandali lang ay naaninag na niya ang isang maliit na bahay-kubo sa hindi kalayuan. Kahoy lang iyon at gawa sa nipa ang bubong ngunit maauos iyong tingnan at maaliwalas sa loob. May kuryente naman ngunit walang internet. Kung mayroon man ay doon lang sa Centro makakakuha ng signal o hindi kaya ay sa sunod na bayan. Wala lang talaga siyang pera pang-kabit ng internet dahil inuuna niya ang pang-araw-araw na gastos nila ni Nanay Esme. Kaagad siyang umayos sa paglalakad nang tuluyang marating ang bahay. Dumiretso siya sa likod na bahagi at doon pumasok. Tahimik na sumusunod sa kanya ang binata. Inilapag nito ang dalang baldeng may lamang tubig. Hindi na ito tumuloy. Diretso lang ang tingin nito sa kanya saka tumalikot at hindi pa man niya ito natatawag ay nawala na ito sa kanyang paningin. "P-paano nangyaring nawala siya kaagad?" nagtatakang tanong niya sa sarili habang sinisilip ang labas. Madilim na at wala siyang nakikita sa hindi kalayuan. Tatalikod na sana siya nang may mahagip na pigura ang kanyang paningin. Nakatingin ito sa kanya at mabilis ring nawala. Ngunit ang ipinagtaka niya ay kulay puting pigura ang kanyang nakita at para itong tumakbo dahil sa bilis nitong kumilos. Hindi iyon tao. Alam niya sa sarili iyon. Iwinaglit niya na lamang ang isipin at isinara na ang pinto. "Diyos ko namang bata ka!" Tutop niya ang bibig dahil sa lakas nang pagkakasigaw na iyon ng kanyang Ina-inahan. Nanlalaki ang mga mata nang magmulat siya ng mga mata dahil mahigpit siyang pumikit. Gulat na gulat siya sa inasta ng ginang. "B-bakit po, 'Nay?" nagugulat pa ring tanong niya rito. "Bakit basang-basa ka? Ano ba ang nangyari sa 'yo? Bakit sira ang balde ko? Ano ba ang ginawa mo ro'n?" mahabang tanong nito. "Nanay naman! Pa-isa isang tanong lang po," nakangusong reklamo niya saka nagtuloy na sa loob. Madumi ang kanyang paa dahil sa mahabang paglalakad kanina. Naghugas siya ng paa at pinunasan iyon ng maliit na tuwalyang iniabot sa kanya ni Nanay Esme. "Salamat po!" nakangiting pasasalamat niya rito. Umismid ito. "Ang balde ko, Luna." Nandidilat na anito na tinawanan niya lang. "Magpapaliwanag po ako, 'Nay," aniya saka pumasok sa sariling kuwarto at nagbihis. "Luna! Kakain na!" Tawag ng ginang kaya naman kaagad na tumalima si Luna. Nakangiti siyang lumabas ng kuwarto at naupo sa harap ng hapag. "Let's pray," pangunguna niya. Nang matapos ay kaagad rin silang kumain. "Oh? Ano na ang nangyari sa balde ko? Bakit basag iyon?" nang-i-intrigang ani Nanay Esme. Mahinang bumungisngis si Luna dahil akala niya ay makakalimutan na ng ginang ang nangyari. Tumikhim siya bago nagsalita. Ikinuwento niya ang nangyari sa kanya kanina. Napansin niya ang pagpapalit ng emosyong sa mukha ng ginang at ikinabahala niya iyon. Ayaw niyang nag-aalala ito lalo pa at wala itong ivang pamilya. Hindi sila magkaano-ano ngunit sinamahan siya nito. Silang dalawa na lang ang magkasama. Ang sabi ng ginang ay kilala nito ang mga magulang niya dahil magkababata ang mga ito. "Aba'y mag-iingat ka, Luna," nangangaral ang tinig nito. "Masyadong delikado ang lugar natin ngayon lalo pa at usong-uso ang r**e sa bayan," nandidilat ang mga matabg usal nito kaya nakaramdam siya ng takot. "'Nay naman!" Pumalatak siya. "Huwag naman kayong manakot!" nakangusong pakiusap niya. "Hindi kita tinatakot. Pinag-iingat lang kita," paalala nito. Ngumiti sita rito upang mapanatag ang ginang na walang mangyayari sa kanya. "Mag-iingat po ako, Nanay," nakangiting usal niya. "Basta mag-ingat din po kayo," dagdag niyang sabi saka tinapos na ang pagkain. Buong gabi siyang nag-isip kung ano ang nangyari sa kanya. Kung ano ang kanyang nakita at kung ano ang naramdaman niyang kakaiba sa kakaunting panahong nakasama ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD