Chapter 4

2990 Words
Chapter 4 "Luna!" Nagulat ang dalaga sa biglaang pagsigaw ng kaibigan niyang si Solene. Bumaling siya sa tumatakbong pigura nito papalapit sa kanya. "Kanina pa kita tinatawag," nakangusong pagbibigay-alam nito sa kanya. Tumaas ang kilay niya. "Hindi kita narinig," walang emosyong sagot ni Luna sa kaibigan. Hindi kasi siya nakatulog nang maayos dahil hindi niya makalimutan ang nangyari sa kanya kagabi. "Pasensiya ka na. Hindi maganda ang gising ko," dagdag niya pang usal. Tumango lamang si Solene sa kanya. "Alam mo bang may bago na namang na-r**e at pinaslang sa kalapit lang na barangay natin?" tanong ng dalaga sa kanya. Kumunot ang noo ni Luna. Umiling siya. "Wala namang sinasabi si Nanay Esme sa akin. Sino raw?" intrigang tanong niya. "Hindi na makilala, eh," malungkot ngunit nakangiwi nitong sagot. "Talaga? Bakit daw?" nagugulat niyang tanong. Muntikan pa namang may mangyari sa kanya kagabi. "Hindi na raw talaga malalaman kung sino 'yon. Baka dinukot lang at dito dinala sa atin. Kawawa nga, eh." "Mag-ingat ka," paalala ni Luna sa kaibigan. Umismid ito. "Ikaw ang dapat na mag-ingat. Clumsy ka pa naman," nakangiwi nitong usal. "Saka dalawa lang kayo ni Nanay Esme. Matanda na 'yon," dagdag nitong usal. Tumango siya. "Salamat," aniya bago bumuntonghininga. Binabagabag pa rin siya sa kanyang nakita kagabi. Hindi kaya totoo ang bali-balitang may lobo sa paligid nila? "Bakit mukha kang natata-tae riyan? May problema ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Solene. Umiling siya. Hindi niya puwedeng sabihin sa kaibigan ang kanyang nakita. Malaki pa naman ang bibig nito at baka sabihin pa nito sa ibang tao at isipin pa nilang nababaliw na siya. "Wala naman. Ayos lang ako, Sol. Salamat sa pag-aalala," sensirong saad niya sa kaibigan. "Siyempre! Bago ka lang dito! Mag-aalala talag ako sa 'yo," malambing na usla nito. "Salamat talaga. Pasok na tayo at papunta na si Mrs. Chavez," usal niya bago nagpaumunang naglakad papasok ng klase. Alam niyang may quiz sila ngayon kaya naman ay tumahimik na siya kaagad. Hindi niya kinakausap si Solene dahil nauubos ang kanyang atensiyon sa pag-iisip tungkol sa nangyari sa kanya kagabi. Nagtataka dahil sa inasta ng binata kagabi. Lumingon siya upang tingnan kung pumasok ba ito ngunit wala ang binata. Hindi naman ito hinanap ng guro nila. Binalingan niya si Solene at tinanong ang dalaga. "Bakit wala pa si Cameron?" nagtatakang tanong niya rito. Nagtaas ito ng kilay sa kanya. "Bakit hinahanap mo?" nanunuksong tanong nito pabalik. Napaismid si Luna. "Nagtatanong lang ako. Huwag kang praning," pambabara niya sa kaibigan. Mahina itong bumungisngis. "Solene," nandidilat na banta ni Luna ngunit mas lalo lang itong nanunukso kung tumingin sa kanya. "Bakit mo nga hinahanap? Hindi mo nga masabi-sabi ang pangalan noong tao," pagpapaalala nito sa kanya. Umismis ulit siya. "Bahala ka nga riyan," aniya bago tumahimik. Humarap siya nang maayos sa guro nilang abala sa pagtuturo. Nang matapos ang klase ay kaagad silang tumungo sa Cafeteria upang kumain. "Ano ang sa 'yo, Sol," tawag pansin niya sa kaibigan kanina pa hindi mapakali. "Hoy! Napapaano ka na?" nagtatakang tanong niya rito. "W-Wala," tipid nitong sagot. Nagyaka si Luna sa inaasta ni Solene. "Samahan na kita," presinta niya nanang makitang hindi ito mapakali. "S-Salamat," anito. Hinawakan niya ito sa kamay at sabay silang pumila. Hindi pa man sila nakakabalik ay may humarang na sa kanila. Nagulat siya dahil mukhang mapapaaway siya ngayon. Isang matangkad na babae ang nakatayo sa harap nila. Nakangisi ito na animo'y tuwang-tuwa sa ginagawa. "Hindi ko alam na may nakikipag-kaibigan na pala sa 'yo ngayon, Solene," mataray na ani ng kanilang kaharap. Napakunot ang noo ni Luna. "Sino?" walang ganag baling na tanong ni Luna kay Solene. Yumuko lamang ang dalaga. Mahigpit itong kumapit sa kamay niya at ramdam niya iyon. "Sino?" malumanay na tanong ulit ni Luna sa dalaga. "Teka! Hindi mo ako kilala?" hindi makapaniwalang tanong ng babaeng kaharap sa kanya. Narinig niyang tumawa ang mga kaibigan ng babae nang umiling siya. Hindi niya talaga ito kilala dahil bago lang siya sa lugar na ito. "Well, I am Amy Valdez," pakilala nito kaya natawa si Luna. Tumaas ang kilay ng kaharap niya dahil sa paraan nang pagtawa niya. "Sino ang nagtatanong?" pambabarang tanogn ni Luna sa kaharap dahilan upang bumunghalit ng tawa ang mga nakarinig. Kaagad na kumunot ang noo ng babaeng nagngangalang si Amy dahil sa inaasta niya. "Wait? Are you new here?" matabang nitong tanong sa kanya. Lumabi si Luna. "Ano sa tingin mo?" pambabara niyang sagot sa dalaga. "Kaano-ano mo ba 'to, Solene?" baling niyang tanong sa kasama. "A-Ah, mga seniors sila," nanginginig pa nitong sagot. "Oh, tapos?" intrigang tanong ni Luna. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan dahil nahahalata niyang natatakot ito sa kaharap nilang si Amy na kasama pa ang mga alipores nito. "Well, classmate sana namin si Solene. Kaso, masyadong ginalingan ang pagkabobita kaya hindi makapasa-pasa," nandidiring sagot ni Amy. Tumaas ang kilay ni Luna dahil sa narinig. "Tapos?" kunot-noong tanong ni Luna kay Amy. "Wala lang. I just want to remind her about it!" tumatawa nitong sagot. Napaismid siya. "Tapos?" walang ganang tanong niya ulit kaya naman natigilan ito sa pagtawa. "Are you dumb?" nagtatakang tanong nito. Nagkibit-balikat si Luna. "Are you?" pambabara niyang tanong sa kaharap kaya naman kaagad siyang nakatanggap ng sampal. "Luna!" nagugulat na tawag sa kanya ni Solene. Bumaling sa kanan ang kanyang ulo dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Amy. Hinawakan niya ang kanyang pisngi at bahagya iyong hinilot-hilot. Mahilo-hilo pa siya nang umayos siya ng tayo. "Dare me, b*tch!" Amy shouted at her face kaya naman umatras siya. "Your saliva, b*tch! Mag-tooth brush ka! Ang baho ng hininga mo!" malakas niyang singhal na ikinatawa ng mga nanonood. "Let's go!" hinatak niya si Solene ngunit kaagad itong nahawakan ni Amy. "We're not done yet!" "Wala akong pakialam!" malakas na singhal ni Luna kaya naman nagulat ito. Halatang nasaktan si Solene sa ginawa nila kaya naman.ay binitawan niya ito. "Gusto ko lang kumain. Tigilan mo kami kung ayaw mong ikaw ang kainin ko!" pagbabanta ni Luna sa dalagang si Amy. Nanlalaki ang mga nito habang binibitawan si Solene. "Crazy!" "Parang ikaw!" Kaagad silang naglakad palabas. Nakasunod lang sa kanya si Sol. Nagtagaka siya dahil ang tahimik nito. Hindi man lang nito ipinagtanggol ang sarili. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa kaibigan. Tumango ito ngunit halatang nayanig ang mundo nito dahil sa babaeng 'yon. "Kaano-ano mo ba 'yon? Totoo ba 'yong mga sinasabi nila?" usisa ni Luna. Umayos ng upo ang kasama niyang si Solene bago humarap sa kanya. Namumutla ito. "Magkaklase kami noon. Actually mga kaibigan ko sila noon. Sadyang medyo mahina lang talaga ako sa ibang subjects kaya hindi ako nakapasa. Simula noon ay binubuyo na nila ako. Itinuring na nila akong walang kuwenta," malungkot na pagkuwento ni Solene. Bahagyang sumandal si Luna bago bumuntonghininga. "Bakit nagpapatalo ka?" inis niyang tanong ngunit may bahid iyon nang pag-aalala. "H-Hindi ko naman sila makausap nang maayos. Palagi nila akong binabara," dagdag pa nitong kuwento. "Kawawa ka naman," komento niya. Bigla siyang nakaramdam nang pag-aalala nang magsimula itong umiyak. "B-Bakit? May nasabi ba akong mali?" naghuhuramentadong tanong ni Luna sa kaharap na panay ang pagsinghot. "Bobo ko kasi, eh," anito sa sarili. Mabilis niya itong pinagsabihan. "Hindi ka bobo, Sol. Sadyang hindi mo pa lang talaga oras iyon. At saka nakukuha naman iyon sa matiyagang pag-aaral," pagpapaalala niya sa kaibigan. Pinahiran ng kausap ang basa nitong pisngi. "Salamat," sensirong usal nito. "Kung hindi dahil sa 'yo ay baka kanina pa ako naglupasay sa pag-iyak. Hindi nila ako tatantanan hanggang sa hindi ako umitak. Ganoon sila ka bully," dagdag ni Solene. Huminga nang maluwag si Luna bago jmayos ng upo. "Kumain na muna tayo. Baka mahuli pa tayo sa klase," paalala niya bago nagsimulang kumain. Kaagad naman silang natapos at sila na rin ang nagligpit nang pinagkainan nila. Gustuhin man niyang magkuwento sa kaibigan ay pinigilan na niya ang sarili. Ayaw nigang matakot ito at lalo lang itong mag-aalala sa kanya. Kaagad silang pumasok sa susunod nilang klase. Nasa kalagitnaan na sila ay may biglang pumasok. Lahat ay natahimik habang pinagmamasdan si Cameron na nakapamulsa habang naglalakad papalapit sa kanya. Nagtataka siya dahil mukhang ayos lang sa mga guro kapag mahuhuli sa klase ang mga estudyante. Pakiramdam niya ay special treatment ang binata kaya naman napaismid siya. Nagugulat niyang binalingan ang kaibigang si Solene nang sikuhin siya nito. Kumunot ang noo niyang nang makitang nakangisi ito sa kanya nang nakakaloko. Inismiran niya ang dalaga. May isinulat ito sa maliit na piraso ng papel at iiniabot nito iyon sa kanya. Binasa niya iyon nang may pagtataka. 'He's looking at you' Napaismid siya sa nabasa lalo pa at may kasama pa iyong smiley emoji. Nagsulat din siya ro'n bilang reply ngunit dahil sa may pagkabungisngis ang kaibigan niya ay nahuli sila ng kanilang guro. Inis niyang tinapunan ng tingin ang kaibigan. "Tsk! You're noisy." Natigilan si Luna nang marinig ang boses ng lalaki. Nainis siya ngunit pumaibabaw ang pagkapahiya sa sistema niya kaya naman itinikom na niya ang kanyang bibig at nakinig na sa lectures. Ilang oras lang din ay kinumulit na naman siya ni Solene. "Dapat kasi mag-diet ka, Solene. Ilang beses mo na akong inayang kumain," nakangiwing usal ni Luna. Umirap lang ang kaibigan sa tinuran niya. "Tsk! Basta ang alam ko may crush ka kay Cameron," wika nito. Natutop niya ang kanyang hininga dahil sa narinig. Kaagad siyang nagpalinga-linga upang tingnan kung may nakarinig sa sinabi ng kaibigan. Mahina niya itong pinalo sa balikat upang sawayin. Mas lalo lang tuloy siyang tinukso ng kaibigan dahil sa inasta niya. "Tigilan mo nga ako, Sol," nandidilat niyang pagbabanta sa kaibigan na tinawanan lang nito. "Sabihin mo nga, may nakakita raw sa inyo kagabi, eh," nandidilat din na anito kaya naman nagulat siya. "H-Huh? Sino'ng nagsabi sa 'yo?" nagtatakang ganong ni Luna sa kaibigan. "Duh! Narinig ko lang kaninang umaga 'yan. Inihatid ka pa nga raw ni Cameron sa bahay ninyo," nanunuksong anito. Natigilan na naman siya. Kaagad siyang kinabahan. May alam na ang kaibigan niya ngunit hindi nito alam ang dahilan kung bakit siya inihatid ng binata. "Iyan lang ba ang narinig mo?" kinakabahang tanong niya sa dalaga. "Bakit? May dapat pa ba akong malaman?" nakangising tanong nito sa kanya. Kaagad niya itong binatukan. "Aray naman! Ang brutal mo, ah!" nakangusong sambit ng kaibigan. "Nagtatanong ako nang maayos. Huwag mo akong tinutukso sa lalaking 'yon," inis niyang usal bago pinagpag ang suot. Inunahan niya itong maglakad dahil siguradong marami pa itong sasabihin at ayaw niyang maging laman ng balota sa susunod na araw. Ilang beses pa siya nitong tinawag ngunit hindi siya lumingon. "Hoy, Louise Natalie!" Nagugulat niya itong binalingan dahil sa malakas nitong pagtawag sa kanya. Pinandilatan niya ito kaagad nang makalapit ito sa kanya. "Ano ba! Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko!" pabulong niyang singhal sa kaibigan. Alam niyang maraming mga mata ang nakatingin sa kanya ngayon. "Tsk! Sikat ka na naman," panunukso ng kaibigan. "Ewan ko sa 'yo, Solene. Ang dami mong satsat diyan. Tigilan mo ako't nahihiya ako," aniya. "Sus! Mas okay na 'yan. At least, kilala ka na nila lalo pa at konektado ang pangalan mo kay Cameron," anito na para bang maayos lang talag iyon. Bigla siyang pinamulahan ng mukha. "Kita mo? Namumula ka," panunukso pa ng kaibigan. Pinalo niya ito sa braso. "Ewan ko sa 'yo. Mauuna na akong umuwi at baka gabihin pa ako dahil sa 'yo," paalam niya sa kaibigan. Tumango ito sa kanya at kaagad siyang tumalikod. Kaunti na lang ang mga naglalakad sa daan na tinatahak niya. Hindi rin siya lumilingon dahil tumatayo ang balahibo sa kanyang batok sa hindi malamang dahilan. Natatakot siyang makita kung sino man ang nakatitig sa kanya. Wala namang kakaiba sa paligid. Siya lang talaga itong may kakaibang nararamdaman. Nang lumiko siya sa may iskinita ay bigla siyang nahulog sa isang balon. Hindi naman iyon kalaliman at wala rin itong laman na tubig. Halos mahilos iya dahil sa biglaan niyang pagbagsak. Malayo pa lang ay naririnig na niya ang malakas na tawanan na papalapit sa gawi niya. Tumingala siya at magdidilim na ang langit. "Wow! Ang galing mong umakting! Panalo na!" "Hahaha! Nakakatawa! Mabuti na lang may video ako." "So, kamusta naman ang katawan mo, Louise Natalie?" nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Amy. Ang nakasagutan niyang dalaga kanina. Buntonghininga si Luna upang pigilan ang sariling sigawan ito. "At? Nakakatuwa na ito sa 'yo?" mataray niyang tanong pabalik. Umismid lang ang kaharap. "Well, oo! Pakialam mo ba kung natutuwa na ako sa ganito? Besides, nakakatawa naman talagang wala kang magagawa ngayon kundi ang maglupasay sa iyak dahil hindi ka na makakauwi," anito dahilan upang gumapang ang takot sa kanya. Kaagad siyang nagpalinga-linga upang maghanap nang makakapitan. "Natatakot ka na ba?" natatawang tanong sa kanya ng dalaga at sabay ang mga itong nagtawanan. "Umiyak ka please? Baka sakaling maawa pa ako sa 'yo," nagbibirong usal ni Amy kaya naman napaismid si Luna. "Sino ka naman para susundin ko?" matapang niyang tanong kahit nanginginig na siya sa takot. Alam nigang mahihirapan siyang makauwi ngayon lalo pa at wala siyang dalang puwedeng magamit umakyat. Medyo madulas kasi ang lupa at nahulog pa ang cellphone niya. "Wow! Palaban!" Sabay na pumalakpak ang lahat nang nakatunghay sa kanya. Naiinis na siya dahil nakangisi ang mga ito sa sitwasyon niya. "Ano? Wala na ba kayong sasabihin?" tanong niya sa mga ito. "Hmm," ani Amy na animo'y nag-iisip ng sasabihin. "I have one word for you. Simulan mo nang maghanap nang makakapitan. Aalis na kami at uso pa naman dito ang mga lobo. Baka madaanan ka nila at least may free food sila," anito na sinabayan nang matinis na tawa habang naglalakad paalis. Doon mas lalo siyang natakot lalo pa at wala siyang makita. "D*mn! Nasaan ba 'yong phone ko?" hysterical niyang tanong sa sarili. "Nanay," naiiyak na niyang usal habang naghahagilap ng kanyang gamit. "Tulong!" tawag niya ngunit walang sumasagot sa kanya. "Tulong po! 'Nay Esme! Tulong!" umiiyak niyang pagtawag sa ginang. "Nanay! Tulong po!" malakas na tawag niya bago pumalahaw ng iyak. Mas lalo lang siyang walang makita dahil sa luha niyang umaagos. Mahihirapan na rin siyang huminga at kalaunan ay nauubusan na siya ng lakas. "Nay!" malakas niyang pagtawag ngunit wala pa ring nakarinig. Natigilan siya nang maramdaman ang mahihinang patak ng ulan. Kinabahan siya nang matindi at mas nagpursigi siyang makaahon ngunit nauubusan na siya ng lakas. "Tulong! Tulong po! Maawa po kayo! Tulong! Tulungan ninyo ako!" umiiyak niyang sigaw ngunit tila hangin lamang iyon. Dumaan ang ilang minuto at unti-unti nang lumalakas ang ulan. Nagdasal siya na sana ay may dumating ngunit nawawalan na siya nang pag-asa. Tila ulan ang kanyang nga luha. Natatabunan niyon ang kanyang paningin. Humihikbi siya. Ang lakas niya ay tuluyan nang kinakain ng kanyang sistema hanggang sa paunti-unti ay nawawalan siya ng malay. NAPABALIKWAS nang bangon si Luna nang magising siya. Napadaing siya nang maramdaman ang p*******t ng kanyang katawan. Pinagpapawisan siya at umiikot ang kanyang paningin. Mabibigat ang talukap ng kanyang mga mata. Nahihirapan siyang huminga at ang init-init ng kanyang pakiramdam. "Oh, Anak! Gising ka na!" bulalas na tawag sa kanya ni Nanay Esme nang pumasok ito sa kanyang kuwarto habang may dala-dalang maliit na palanggana. "Nanay," mahinang tawag niya sa ina. "Bumalik ka sa pagkakahiga at pupunasan kita. Ang init-init mo, Luna," anito. "May sakit ka. Paano ba kasi at naulanan ka kagabi. Basang-basa ka habang nakahiga sa labas ng bahay natin," pagkukuwento nito. "P-Po? Paano po ba ako nakauwi?" nagtatakang tanong niya sa ina. "Ha? Paano nga ba?" natatawang tanong nito sa kanyang pabalik. "Nanay naman," nakanguso niyang usal. "Nagtatanong po ako nang maayos," dagdag niyang wika. "Aba'y tinanong din naman kita nang maayos. Paano ka nga ba umuwi? Bakit sa labas ka nakahiga?" takang tanong nito sa kanya. Kaagad na napaisip si Luna. Imposibleng nakauwi siya nang mag-isa. Alam niyang nasa balon siya kahapon. Hindi niya maalala kung ano ang sumunod na nangyari. "Wala po bang naghatid sa akin, 'Nay?" tanong ni Luna sa ina. Umiling ito. "Wala naman. Ikaw lang ang nakita ko sa labas," sagot nito sa kanya. Kumunot na naman ang noo niya. Hindi niya talaga lubos maisip kung paano siyang bakalabas mula sa bon na iyon. Umuulan pa. "H-Hala! May pasok po ako ngayon!" bulalas niya nang maalalang miyerkules pa lang. "Oo. Sinabihan ko na ang guro ninyo na hindi ka makakapasok dahil may lagbat ka," pagbibigay-alam nito sa kanya. "Hay," nanlulumong aniya. Ayaw nuya kasi ang lumiban sa klase. She prefer going to school than staying in the house. "Alangan namang pumasok ka, eh, may lagnat ka," paalala nito sa kanya. Ngumuso lang siya lalo. "Magpahinga ka na riyan at magluluto ako," paalam ni Nanay Esme bago siya nito iniwan sa kanyang kuwarto. Dahil nanghihina pa siya ay naisipan niyang matulog na muna. Hindi na muna niya iisipinkung sino ang tumulong sa kanya. Ang importante ay nakauwi siya nang maayos kaso may sakit nga lang. Ilang minuto ang lumipas ay ginising si Luna ni Nanay Esme uoang kumain. Bumababa na rin ang kanyang lagnat kaya naman ay nagpasalamat siya sa ina. Niyakap pa niya ito ngunit nandidiri itong lumayo sa kanya habang tumatawa. "Hindi ka pa naliligo, Luna," nagbibiro nitong saad habang tunatawa. Napanguso si Luna dahil sa sinabi ng ina. "Grabe naman kayo, 'Nay! Hindi pa naman ako mabaho!" pagdadahilan niya ngunit kalaunan ay tumawa rin. Naupo siya sa isang bangko habang pinagsilbihan siya ng ina. Hindi niya maikakailang nagiging emosyonal siya dahil naalala niya ang kanyang pamilya. Hindi niya aakalaing sa ibang tao niya mararamdaman ang pag-aaruga ng isang ina. Nagpapasalamat siya ng lubos dahil nakilala niya si Nanay Esme na hindi nagdalawang-isip na samahan siyang mamuhay nang mapayapa. Nang matapos silang kumain ay tumulong siya sa paghuhugas. Bumaba na rin nang tuluyan ang kanyang lagnat at maayos na ang kanyang pakiramdam. Gustuhin man niyang malaman kung sino ang tumulong sa kanya ay hindi naman niya ito nakita. Ipagpapasalamat na lamang niya sa hangin ang ginawa nitong kabutihan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD