Chapter 5
Magdidilim na ang paligid kaya naman naisipan ni Cameron na umuwi na. Galing pa siya sa kabilang bayan dahil kabibili lang niya ng mga panrekado. Wala naman siyang kasama kaya ayos lang sa kanya kung gabihin siya. Wala namang nanghihintay sa kanya. Pumapatak na rin ang maliliit na butil ng ulan. Kaagad siyang nagmadali dahil mapuputik ang daan. Alam niyang mahihirapan siya kapag nagkataon.
Naglalakad pa lang siya nang makarinig siya nang sumasaklolo. Hindi iyon kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Sinundan niya ang boses hanggang sa makilala niya kung kanino iyon. Kaagad niyang naibaba ang kanyang dala at tiningnan ang ilalim ng balon. May tubig-ulan na iyon at nakahandusay doon ang dalagang si Luna. Wala na itong malay kaya naman kaagad siyang bumaba at binitbit ito paakyat. Mabuti na lang at matangkad siya kaya naman madali niya lang itong na-i-angat.
Ini-angat niya ang sarili at tiningnan ang kalagayan ng dalaga. Pilit niya itong ginising ngunit hindi ito tumutugon.
Mabilis siyang naglakad papunta sa bahay nina Nanay Esme at Luna upang maihatid ang dalaga. Basang-basa na rin siya. Mabuti na lang at nasa plastic ang pinamili niya kaya hindi iyon masisira. Marahan niyang inilapag sa sahig ang dalaga at kinatok ang pinto bago nagmadaling umalis. Kailangan na rin niyang makauwi at ayaw niyang may makakita sa kanya. Hindi niya alam kung bakit tinulungan niya ang dalaga. He's not in good terms with people. Marahil ay dahil tahimik siyang tao.
Nang makauwi ay kaagad siyang nagpahinga. Dahil napagod siya ay hindi na siya nag-abalang magluto ng makakain. Tumayo siya at tiningnan ang laman ng kanyang refrigerator. Peanut butter at tinapay lang ang laman niyon. Buntonghininga niyang kinuha iyon at inilapag sa mesa. Alam niyang masamang magreklamo ngunit dahil pagod na talaga siya ay pinagtiyagaan na lamang niya ang pagkaing nasa harap niya.
Naalala niya ang dalaga. Napapailing siya habang iniisip kung bakit humihina ang kanyang tuhod pagdating dito. Wala naman itong ginagawa sa kanya. He felt a strong emotion towards Luna. Sumasakit din ang dibdib niya kapag sinisimangutan siya nito. He knew it right from the start but he keeps rejecting his emotions. Alam niyang hindi puwede. Buntonghininga siyang uminom ng tubig bago naisipang matulog na.
"CAMERON!"
Napalingon ang binata dahil sa malakas na pagtawag sa kanyang pangalan. Si Solene, ang kaklase niya. Hindi siya masyadong nagsasalita sa loob ng klase at ang dalaga lang ang kinakausap niya. Minsan lang din iyong mangyari.
"Why?"
"Ito naman. Huwag ka munang mag-english please? Labas sa ilong, eh. Hindi ko masyadong maintindihan," natatawang usal nito.
"Bakit?"
"Si Luna," nag-aalalang wika ng dalaga.
"Bakit?"
"Nakita mo?" tanong nito.
"Hindi," tipid niyang sagot.
"Hindi mo ba talaga alam?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Umiling siya. Malungkot itong ngumuso kaya naman nakaramdam siya nang kaunting konsensiya ngunit pinigilan niya ang sariling sabihin sa dalaga ang kanyang nasaksihan kagabi.
"Baka binubuyo na 'yon kaya hindi pumasok ngayon. Tsk!" bulalas ng dalaga. Kaagad siyang natigilan dahil sa narinig.
"What?" Nagugulat itong napabaling sa kanya.
"A-Ah! Kasi kahapon inaaway na naman ako ni Amy tapos pinatulan ni Luna. Baka kako pinagtripan siya? Hay naku! Natatakot akong pumunta sa bahay nila. Malayo kasi," anito na nagrereklamo pa ngunit bakas naman sa mukha nito ang pag-aalala.
His head cringe at what Solene said in front of him. "Really?" seryoso niyang tanong.
Tumango ang dalaga. "Baka kako pinagtripan siya," anito. "Sige. Akala ko nakita mo, eh," dagdag ng dalaga.
"Okay," tipid na sagot ni Cameron.
Nang makatalikod ang dalaga ay mabilis namang naglakad paalis ang binata. Binaybay niya ang daan pauwi sa kanyang tahanan. Nadaanan pa niya ang dalagang si Amy kasama ang mga kaibigan nito na nagtatawanan. Narinig niya ang pangalan ni Luna kaya naman nagpanting kaagad ang kanyang tainga ngunit hindi siya nagpahalata.
"Amy!" mahinang tawag niya sa pangalan ng dalaga.
Nakita ni Cameron kung paanong nagulat ang dalaga nang tawagin niya ito. Impit pang nagtitili ang mga kasama nito habang pinagtutulakan ng mga ito ang dalaga papalapit sa kanya. "W-Why?" tanong nito sa kanya nang makalapit.
"I'm asking you to stop bullying people," malamig niyang pakiusap dahilan upang mawala ang dugo sa mukha nito. Kaagad na tumaas ang kilay ng dalaga dahil sa tinuran niya.
"W-What?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"As I've said, stop bullying people. Hindi iyon nakakatuwa," aniya na animo ay nandidiri sa dalaga. Hindi pa man ito nakakasagot ay kaagad na siyang tumalikod. Rinig pa niya ang pagpapadyak nito dahil sa inis.
Walang emosyon siyang umuwi at nagpahinga sandali. Kailangan niya pang dalawin ang kanyang mga tanim sa bukid. Hindi pa man siya nakakatayo ay may nahagip na ang kanyang mga mata. Isang itim na pigura sa hindi kalayuan. Biglang nagbago ang kanyang emosyon. Dumagundong sa kaba ang kanyang dibdib. Mabilis pa sa alas-kuwatro siyang tumakbo papalapit dito ngunit nang madatnan niya ang kinatatayuan nang naturang pigura ay wala na ito roon. Nagtaka siya kung bakit ganoon na lang kalakas kung kumabog ang kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay may dala iyong panganib. Sa hindi kalayuan ay naaninag niya ang papalapit na pigura ng isang babae. Si Luna, may bitbit itong balde habang pakanta-kantang naglalakad.
Mukhang mag-iigib na naman ng tubig ang dalaga. Bigla siyang napangiti ngunit kaagad din niyang pinalitan ang ngiting iyon nang isang seryosong tingin. Kaswal siyang naglakad pabalik sa kanyang tinitirhan at sumandal sa pader habang palihim na pinagmamasdan ang dalaga. Bigla na namang sumagi sa kanyang isipan ang pigurang nakita kanina. Hindi iyon nakatingin sa kanya bagkus ay sa dalaga iyon nakamasid. Napatayo siya nang tuwid nang tuluyang rumehistro sa utak ang napansin. Mabilis siyang naglakad papalapit sa dalaga at kaswal niya itong kinausap.
Nagugulat pa ito sa kanya nang marinig ang kanyang boses. "O-oh!" bulalas nitong saad habang nakaturo pa sa pagmumukha niya. Tiningala siya nito habang siya naman ay seryosong nakatunghay sa dalaga. "H-Hi! Bakit nandito ka?" nauutal pang tanong nito sa kanya.
"I live here," kampante niyang sagot. Kaagad na nagpalinga-linga ang dalaga ngunit pinanatili niya ang paningin sa magandang mukha nito. Pinilit niyang pigilan ang sariling titigan ang dalaga ngunit nanghihina siya sa paraan nang pagtingin nito sa kanya.
"Saan?" anito habang iginagala pa rin ang paningin.
Itinuro ni Cameron ang malaking mansion sa hindi kalayuan. Sa paningin ng iba ay luma na ito ngunit sa loob ay maayos pa ang mansion. Malinis pa rin ito at maaliwalas. Gusto lang niyang maging nakakatakot sa mata ng ilan ang labas ng kanyang tinitirhan upang walang lumapit doon.
"A-Ah! 'Yon ba? Bakit parang nakakatakot naman yata 'yan?" nakangiwing tanong ng dalaga sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus ay mas inilapit niya pa ang mukha sa dalaga. Nagtataka naman itong napatitig sa kanya habang nagugulat. Nanlalaki ang mga mata nito at halatang hindi nito inaasahan ang kanyang ginawa.
Mahina siyang bumungisngis upang takpan ang pagkapahiya. "You're cute," puna niya sa reaksyon nito. Bigla itong pinamulahan ng mukha at kaagad na lumayo sa kanya nang bahagya.
"A-Ano?" nauutal niton tanong ngunit hindi siya sumagot. Itinuro niya ang balon na malapit lang sa kinatatayuan nila.
"You're fetching water, babe. Do your work," malamig niyang utos bago tumalikod. Nagsimula siyang maglakad pabalik sa kanyang mansion nang biglang umalog ang kanyang ulo. Napayuko siya dahil sa lakas niyon. Napansin niya ang paglapag ng tsinelas sa kanyang paanan. Binalingan niya ang dalagang nagngingitngit sa inis dahil sa kanya.
"Why did you do that?" naiinis na tanong ni Cameron sa dalaga. Sa isip-isip niya ay umuusok na ang ilong ng dalaga ngunit ganoon din naman ang naramdaman niya nang tumama sa kanyang ulo ang suot nitong tsinelas kanina.
"Nakakainis ka!" malakas nitong singhal bago naglakad papalapit sa kanya. "Nakakainis ka!" dagdag pa nito habang nagdadabog.
"What?" hindi makapaniwala niyang tanong dito. "What did I do?" dagdag niyang tanong sa dalaga ngunit umismid lamang ito bago isinuot ang tsinelas. Pinagmasdan lang niya itong naglakad paalis.
"Tsk!" singhal niya bago tumalikod ulit. Nakatayo siya sa kanyang balkonahe habang nakatingin sa malayong bukid sa kanyang harapan. Dumidilim na ang paligid. Binalingan niya ang daang tinahak ng dalaga nang mag-isa. He sniffed the cold breeze of the air and he catch a different scent.
Mabilis siyang naglakad habang kumakabog ang kanyang dibdib. Nagulat pa ang dalagang si Luna nang huminto siya sa harap nito. Nabitawan ng dalaga ang bitbit nitong balde na mabilis naman niyang nahawakan upang hindi ito lumapat sa semento at baka masira iyon.
"Ikaw na naman?" may halong inis sa boses nito nang itanong iyon.
"Yes," malumanay niyang sagot.
"At ano na naman ang kailangan mo? Kung ano-ano na naman ang sasabihin mo," nakanguso nitong saad.
"Why?"
"Bakit ba puro ka ingles kung magsalita? Puwede ka namang magtagalog. Tsk!"
"Why?" wala sa isip niyang tanong habang inililibot ang paningin. Nakuha naman iyon kaagad ng kanyang kaharap kaya pati ito ay tumahimik at iginala rin ang paningin sa paligid.
"B-Bakit?" nahihintakutan nitong tanong sa kanya.
"Nothing," aniya ngunit hindi pa rin siya makampante. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing nararamdaman niya ang ganoong katinding kaba ay ang dalaga ang naiisip niya. Sumasakit din ang kanyang dibdib lalo na kapag nagagalit ito sa kanya. He totally rejected her because she's different from him.
"U-Uuwi na ako," basag ng dalaga sa katahimikang namutawi sa pagitan nila. Doon pa lang siya bumalik sa huwisyo.
"I'll go with you," presinta niya.
"At bakit?" nakataas ang kilay na tanong ng dalaga sa kanya. Iminuwestra niyang mauna ito sa kanya ngunit nagmatigas ito. Ibinaba nito ang bitbit na balde ng tubig at masamang nakatitig sa kanya.
"Pinagtitripan mo ba ako?" bigla ay tanong nito sa kanya. Tumabingi siya upang intindihin ang tanong nito.
"You think I'm just playing around?" inis niyang tanong pabalik sa dalaga.
"Talaga? Bakit ba palagi ka na lang sumusulpot sa harap ko?" nang-aakusang tanong ng dalaga sa kanya. Kaagad siyang natigilan dahil sa narinig.
"How did you know?" usisa niya.
"Nararamdaman ko!" mabilis nitong sagot. "Nararamdaman ko sa tuwing papalapit ka!" dagdag pa nito dahilan upang magulat siya.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Cameron sa dalaga.
"Seryoso ako. Pakiramdam ko nga ay ikaw ang nagligtas sa akin kagabi," anito na animo ay siguradong-sigurado ito.
Kaagad siyang sumeryoso upang kontrahin ang sinabi ng dalaga. "Tsk! Assuming," aniya habang natatawa pa. Kumunot ang noo ng dalaga at kapagkuwan ay sumimangot na. Inis itong tumalikod sa kanya at nagsimulang mag-martsa paalis. Natitigilan niyang binalingan ng tingin ang balde ng dalaga at nagmamadali niya itong tinawag.
"Hey!" ma-otoridad niyang sigaw ngunit hindi ito lumingon.
"Ano?" sigaw nitong tanong kahit nasa unahan ang paningin nito.
"What about your water?" kunot-noong tanong ni Cameron.
"Edi, bitbitin mo! Sabi mo ihahatid mo ako, hindi ba? Ikaw ang magbitbit niyan!" utos nito gamit ang pinakamalakas at ma-otoridad nitong boses.
"What!" nagugulat na singhal ni Cameron.
"Oo! Huwag kang magtanong diyan! Malaki naman ang katawan mo at kayang-kaya mo iyang bitbitin! Huwag kang mag-inarte! Para kang bakla!" malakas nitong sigaw pabalik.
Matutuwa na sana siya dahil napapansin pala ng dalaga ang kanyang katawan ngunit dinugtungan pa nito ng nakakainsulto kaya naman padabog niyang binitbit ang balde ng tubig. "Huwag kang magdabog at baka masira pa iyan! Magagalit si Nanay Esme!" pahabol pa nito kaya naman ay pinigilan niya ang sariling mainis. Imbis na ang dalaga ang pagtitripan niya ay siya naman ngayon ang mukhang aso kasusunod sa dalaga.
"Tsk!"
"Naririnig kita!" pagbabanta nito kaya mas lalo lang siyang nawalan ng pag-asa.
"Ayan! Presinta pa more!" pang-iinis pa nito sa kanya.
"Stop it!"
"Ano!" malakas na singhal ng dalaga na sinabayan pa nang pandidilat nito habang nakapamaywang sa kanya. "Ano, ha?"
"N-Nothing," nanghihinang aniya bago nagtuloy sa paglakad. Naiinis niyang sininghalan ang sarili sa isip dahil sa biglaan niyang pagkautal sa harap ng dalaga. Hindi dapat iyon nangyayari. Hindi dapat siya magiging mahina pagdating dito. Hindi dapat siyang nagiging masunurin dito.
Mabilis siyang naglakad at nilagpasan ito. Hindi niya ito pinansin kahit pa ilang beses siya nitong tinawag. Wala siyang pakialam dahil wala namang makakarinig sa kanila. Nasa sulok na sila nang maliit na Bayan ng La Trinidad at kung may makakarinig man sa pag-aalboroto ng dalaga ay walang iba kundi ang tahimik na nagmamasid sa kanila sa hindi kalayuan. Mukhang alam na niya kung sino ito ngunit ayaw niyang pangunahan ang lahat at baka nagkakamali lamang siya.
"Ano ba!" Muntikan na siyang matisod dahil sa biglaang pagsinghal sa kanya ng dalaga. "Kanina pa kita tinatawag! Bakit ba ang bingi-bingi mo?" nakangusong tanong ng dalaga. Halata naman sa emosyon ng mukha nito na pinipilit lamang nitong maging matapang sa harap niya. Nanginginig din ang labi nito na pilit nitong pinagdikit upang pigilan itong manginig.
"Tsk!" walang ganang singhal niya nang mahina upang walang makarinig. "You're so noisy and I hate it!" aniya.
"Ano?"
"Nothing!"
"Talaga naman, Mr. Revil!"
Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Wala pang nangahas na banggitin ang kanyang apilyedo. Kahit pa mga kaibigan niya ay ayaw na ayaw niyang binabanggit ng mga ito ang kanyang pangalan. "What did you say?" seryoso ngunit may halong pagbabanta ang boses niya nang tanungin iyon.
Nagulat ang dalaga sa biglaang pagbabago ng kanyang emosyon. Hindi niya napigilan ang sariling mainis. "What did you say?" pag-uulit niya sa tanong dito.
"W-Wala," nauutal nitong sagot ngunit mabilis siyang umiling.
"No one calls me that name except for my family," malumanay ngunit ma-otoridad niyang pagbibigay-alam sa dalaga. Natulala ito sa kanya at umatras nang bahagya. "Say it again," mariing utos niya rito.
"Nanay!" malakas na pagtawag nito sa ina-inahan kaya naman halos mawindang siya at mabilis na tumalikod upang mailayo ang sarili. Ayaw niyang may nakakaalam sa paglapit-lapit niya sa dalaga lalo na ang matandang kasa-kasama nito. Ayaw niyang malaman nito ang totoong siya. Gustuhin man niyang sabihin sa dalaga ang totoong pagkatao niya ngunit may tamang panahon para doon. Mabilis siyang nagtago sa malaking puno bago pa man bumukas ang pinto. Iniluwa roon ang matandang babae.
Pinagmasdan niya ang pagpalinga-linga ng dalagang si Luna upang hanapin siya ngunit hindi na ito nagtagumpay. Naglakad siya pabalik at habang nakikinig sa mga huni ng kulisap ay nagmamasid siya sa kanyang paligid. Wala namang kakaiba maliban sa paminsan-minsang pag-ihip nang malamig na hangin. Again, he catches a scent from the air he sniffed. He turned around to find the owner of it but to no avail, he didn't see it.
Hindi iyon pamilyar sa kanya ngunit malakas ang dating nito. Hindi rin niya maintindihan kung ano iyon dahil wala namang ibang katulad niya sa lugar. Ipinagwalang-bahala na lamang niya ang napapansin at dumiretso na pauwi. Binuksan niya ang lahat ng ilaw at kaagad na kumalat ang liwanag sa buong mansion. Wala naman siyang ibang gagawin kaya naman kaagad siyang nagluto ng kanyang hapunan at kumain siyang mag-isa.
Nagpapahinga na siya nang makatanggap siya ng tawag. Kaagad siyang bumangon at tiningnan kung kanino iyon galing. Sa isa sa mga kasamahan niya. Sinabi nito sa kanya ang problema. Umalis na sa grupo nila ang matalik niyang kaibigan. Kaya pala kanina ay bigla siyang nakaramdam nang kakaiba. Sumakit ang kanyang dibdib na animo'y pinagsasaksak iyon.
"Why did he do it?" intriga niyang tanong.
"Hindi namin alam," sagot ng nasa kabilang linya. "Galit siya sa iyo. Tumawag ako upang paalalahanan ka. Mag-ingat kang palagi," dagdag nitong usal.
Tumango siya sa kawalan. "I will," mayabang niyang saad.
"Seryoso ako, Cameron. Magagalit si Don Trivino kapag may nangyaring masama sa 'yo," paalala nito sa kanya. Mukhang hindi talaga ito nagbibiro ngayon.
Bumuntonghininga siya bago nagsalita. "I will take care of myself. Pakisabi sa Don na mag-iingat ako. Huwag kako siyang mag-alala at iingatan ko ang sarili ko," aniya.
"May isa pang gustong itanong ang Don. Siya na raw ang kakausap sa iyo kaya bumisita ka muna sa kanya. Hinihintay ka ng Don," anito kaya naman bumuntonghininga na naman siya.
Nahihinuha na niya kung ano ang sasabihin nito. "Sige," aniya bago ibinaba ang tawag.
Pabagsak niyang inihiga ang katawan sa kama. Katatapos niya lang maligo bago siya nakatanggap ng tawag. Inaantok na rin siya kaya naman kaagad siyang pumikit upang matulog na ngunit kaagad ring napamulat nang mabilis nang makita ang mukha ng dalagang si Luna sa kanyang isip. Inis niyang pinagkakamot ang ulo.
"What the f*ck!" galit niyang singhal. "This is not right! You're doomed, Cameron!" naiinis niyang banta sa sarili habang napapakamot sa sariling mukha.
Dahil hindi siya makatulog ay isinuot niya ang kanyang sweatshirt na itim at lumabas ng kanyang kuwarto. Nakatayo siya sa balkonahe habang nakatanaw sa bundok sa hindi kalayuan. Mabilis siyang tumalon at sa kanyang paglapag ay nagbago siya ng anyo. Kulay-abo ang kanyang balahibo at ang kanyang mga mata ay kulay asul. Tumakbo siya nang mabilis patungo sa kakahuyan. Kailangan niya iyon upang pakalmahin ang sarili.
Ngunit nakita na lamang niya ang sarili sa harap ng kuwarto ng dalaga. Nakasindi pa rin ang ilaw nito at dahil bukas pa rin ang bintana nito ay nakita niyang nakaupo ang dalaga at nagsusulat. Mukhang nag-aaral ito. Pinagmasdan niya lamang ito at napaigtad siya sa gulat nang bumaling ito sa kinatatayuan niya. Tumatabingi pa ang ulo ng dalaga na animo ay pinagmamasdan siya nito. Humarap nang tuluyan ang dalaga sa kanya na para bang nakita at nakilala siya nito. Ang akala niya ay mapapansin siya ng dalaga nang pagtayo nito ay lumapit ito sa bintana hindi para tingnan siya kundi ay para isarado iyon.
Nanlulumo siyang umayos ng tayo at tunalikod. Tumakbo siya pabalik sa mansion na mabigat ang pakiramdam. Hindi naman niya puwedeng sabihing nagugustuhan niya ang dalaga dahil hindi naman iyon puwede sa kanila. He is not allowed to love someone outside the pack. She's human. Magiging malaking problema iyon dahil tutol ang kanyang abuelo. Ang siyang namamahala sa kanilang grupo habang wala siya. Bukas na bukas ay kakausapin niya ang Don. Nakatulugan na lamang niya ang pag-iisip at hinayaan niyang sakupin ng dalaga ang kanyang panaginip.