Chapter 9 Maagang nagising si Luna nang araw na sabado. Ilang araw na simula noong hindi nagpapakita sa kanya ang binatang si Cameron. Hindi niya alam kung nasaan ito. Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa balon kung saan palagi niya itong nakikita. Wala ring tao sa mansion. Ilang beses siyang pumunta roon upang tingnan kung nakauwi na ba ang binata ngunit wala siyang napapala sa pagpunta-punta niya roon. Napapagalitan lang tuloy siya ni Nanay Esme lalo pa at wala siyang kasama sa kanyang mga lakad. "Nanay, tulungan na po kita sa paglalaba," presinta ni Luna nang makita niyang marami ang labahin ngayon ng kanyang ina. "Salamat," nakangiti nitong usal. "Nag-kape na po ba kayo, 'Nay?" "Oo. Katatapos ko lang kanina. Ikaw ba?" tanong nito sa kanya. Tumango siya. "Tapos na rin po," tip

