Chapter 31 “Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni Solene?” tanong ng binatang si Cameron kay Luna isang araw. Pati ang binata ay nag-aalala na sa pagkakaibigan nilang dalawa ni Solene. Malungkot na tumango ang dalaga. “Ayaw niya akong kausapin. Iniiwasan niya ako,” nakanguso niyang sagot sa nobyo. Kahit kasi ano ang gawin niya upang mapalapit sa dalaga ay umiiwas ito sa kanya. “It’s my fault! Bakit naman kasi kung ano-ano na lang ang sinabi ko! I felt so stupid!” naiinis niyang singhal sa sarili. Pinagmasdan lang siya ng binata. “Right? Bakit ko naman siya iisipin na isa siyang lobo?” dagdag pa niyang tanong habang naguguluhan. “It’s okay,” pang-aalo nito sa kanya. “Everything is going to be fine,” dagdag na wika ng binata. Tumango si Luna. “Yeah. Sana nga,” aniya. “Sana nga ay makausap k

