bc

Fall inlove with bridgette

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
others
possessive
second chance
friends to lovers
drama
sweet
no-couple
first love
asexual
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Bridgette Red Sandoval the famous girl at the campus. Maganda , matalino at mabait.

Sya na siguro ang dream girl ng bawat lalaki. Pero sa isang tao lang tumitibok ang puso nya at yon si Calvin Cross Imperial ang isa sa bestfriend nya.

Pano kung dumating ang pagkakataon na pwedeng maging sila pero bilang pag papanggap lang? paano kung mas lalo nya itong minahal? Anong kaya nyang gawin para sa taong mahal nya. Ipaglalaban nya ba ito o hahayaan na lamang na ipaubaya sa nauna sa puso ng binata.

chap-preview
Free preview
Episode 1
BRIDGETTE POV: Samahan mo ako mamaya red. May bagong bukas na Bar doon sa tapat ng hotel para naman ma refresh ang utak natin. Sabay ngiti at pakurap kurap pa ng mata para bang nag papa cute. Ano naman ang ikaka refresh ng utak mo doon aber? Tumigil tigil ka nga love, alam mong ayoko ng alak at mga bar bar na yan. Maaga ang conference bukas ayokong malate. Kasalukuyan kaming naka check-in sa isang sikat na hotel dito sa new york. Mayroon conference na sinasagawa ang mga doctor na galing sa ibat ibang panig ng bansa. At ito nga nakilala ko si love , isa din surgery doctor na naka base naman sa pilipinas. Sya agad ang naka palagayan ko ng loob dahil hindi mahirap kausap dahil isa nga syang pinoy. kahit naman matagal na ko dito sa new york at dito ako nag tatrabaho bilang doctor ay mas gusto ko parin kausap ang mga pilipino. Ano ba yan, Ano pang silbi ng pangalan kong love kung hindi kita makuha sa charm ko. Ang panget mo ka bonding hmmm! Inubos ko na lang ang iniinom kong kape, andito kami ngayon sa isang coffee shop. Katatapos lang ng conference nang mag aya itong mag kape. Halika kana, gusto ko mag pahinga. Baka pag natulog ako ay ma rerefresh ang utak ko. Wala na itong nagawa kundi ubusin na lang din ang kapeng inorder nya at sumama sakin. May padabog pa itong nalalaman pinapadyak ang mga paa na akala mo ay isang batang hindi na pag bigyan sa gusto nyang candy. - Pag karating ko sa asign hotel room ko ay agad na naligo ako. Nakakapagod ang mag hapon. Alas singko na ng hapon natapos ang conference, nakakasakit ng ulo. Halos isang oras din ako naligo. Binabad ko sa tubig ang sarili ko. Nag bihis na ako ng pantulog at nahiga. Matagal tagal narin akong nakahiga pero hindi parin ako nakakatulog. Bigla na lang pumasok sa isip ko kung paano ako napunta dito. Matagal tagal narin pala simula ng pumunta ako dito para dito ko ituloy ang pag dodoctor ko at dito mag trabaho. Dream ko talaga maging doctor.Pero hindi sana dito sa new york, kundi sa pilipinas. FLASHBACK; 5 years ago Oo na sige na, pumapayag nako. one month lang ha? if you can't win back her heart again then i'm done. Thank you Bridge! this is a lot to me. Thank you for helping me. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag, i'm inlove with him pero kaibigan lang ang turing nya sakin. First love nya si Shaira, Pero nakipag break ito sa kanya one month ago dahil study first daw pero may bagong boyfriend. Alam kong masasaktan ako sa gagawin namin pero ito ako bilang kaibigan nya ay tutulungan ko sya. Ako at si shantal lang ang nakaka alam na may gusto ako sa kanya at wala ng iba. Shantal is one of our friend. Anim kaming mag kakaibigan , Ang Kambal na sina Kevin At Vincent , Karen At si Calvin Cross. Elementary pa lang ay mag kakasama na kami hangang ngayon college ay iisang iskwelahan lang ang pinasukan namin. Natigilan ang pag iisip ko ng may tumawag sa cellphone ko at rumihistro dito ang pangalan ni shantal kaya dali dali ko itong sinagot. Bridge!!! Samahan mo naman ako sa mall. May bibilihin lang ako sa national book store. Pleaseeeeeee! Diba mabait ka naman? Nilayo ko muna ang cellphone sa tenga ko dahil para ako mabibingi sa lakas ng boses nito sa kabilang linya. Okay fine, wag kang sumigaw hindi ako bingi. Mag kita na lang tayo don mag papahatid na lang ako kay kuya isme may kailangan din kasi akong bilhin. Sige na at mag aayos na ako Bye.. Hindi ko na inantay pang makasagot ito at pinatay ko na. Napaka ingay kasi, napaka taas lagi ng energy. Nag ayos na ako , nag suot lang ako ng jeans at plain loose croptop na tinernuhan ng flat sandal at ang maliit kong puting shoulder bag . Nilugay ko lang din ang mahaba kong buhok at nag lagay ng konting pink pale lipstick. Naabutan kong nag pupunas ng sasakyan si kuya isme pag baba ko. Kinalabit ko ito sa balikat dahil hindi nya napansin ang presensya ko. Hindi ko akalain na magugulat ito. Ay Palaka ka! Juskong bata ka wag mo nga akong ginugulat. Saan ka ba pupunta ? mag papahatid ka ba? Opo sana kuya, sa mall po. Pasensya na po kayo kung nagulat ko kayo hindi ko po sinasadya. Hala sige iha sakay na, pasensya na rin may katandaan na rin kasi kaya mabilis na magulat. hahaha Pinaandar na nito ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa cellphone ko. Nag iiscroll sa i********: at f*******: ng mag text si shantal. Shantal: I'm here na. where are you? Me: Malapit na. May dala ka bang sasakyan? Shantal: Yup. Ako pa ba? i'll drive you home later, sabihin mo kay kuya isme uwi na sya pag hatid sayo. Nasa Entrance ako ng mall , wait kita dito. Me: Okay. Nang makarating sa mall ay agad na kong bumaba. Kinatok ko ang salamin sa driver seat para mag paalam kay kuya isme. Kuya , you can go home. sasabay na lang ako kay shantal pauwi. Pasabi na lang din kay mama baka medyo gabihin ako , may bagong bukas na resto malapit dito sa mall doon na kami kakain ni shantal. Sige iha. Mag iingat kayo, Mauuna na ako. Nginitian ko lang ito at nag umpisa ng mag lakad papunta sa entrance. Mabilis ko naman nakita si shantal dahil pakaway kaway pa ito. You're so tagal ha. Kanina pa ako dito. Tara na nga at baka gabihin pa tayo lalo. Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento nya. Halo halo halos hindi ko na maintindihan. Idagdag mo pa ang maarte nitong pananalita. Nag iisa kasing anak si shantal kaya spoiled na spoiled ng kanyang mga magulang , walang gusto na hindi naibibigay sa kanya. Hello? Bridgette Red Sandoval are you there? May naiintindihan ka ba sa sinasabi ko kanina ka pa tahimik at tingin ko ay tulala ka habang nag lalakad. kung hindi kita kapit ay panigurado ay hindi mo na alam kung nasaan kang sulok nitong mall. May problema ka ba? Ah ehh.. Ano nga ulet ang sinasabi mo? Pasensya na may iniisip lang ako. What is it? You can tell me. We're friends at alam mong alam ko na wala kang malilihim sakin kaya sabihin mo na. Okay fine.... Pumayag na ako. Pumayag na akong tulungan sya. Hindi nya ako tinitigilan, kinukulet nya ako. Nakikiusap sya, minsan tumawag sya sakin lasing at umiiyak , sabi nya pumayag na daw ako dahil nasasaktan na sya kapag nakikita nya si shaira na may kasamang iba. Mahal na mahal nya daw si shaira. Kaya pumayag na ako kasi naawa na ako sa kanya. Whaaaaaaaat!!! Baliw ka ba o tanga? Iniyakan ka lang pumayag kana. Okay ka lang girl? sa tingin mo sa pag payag mo magiging isang good samaritan kana? Duuuh! Nasasaktan sya , eh ikaw naisip mo ba ang sarili mo? Mas lubos na Masasaktan ka sa gagawin mo. Ikaw ang tatanungin ko. Hindi ka ba naawa sa sarili mo? Bakit ba kasi ikaw? Pwede naman iba na lang bakit ikaw pa. Hindi ko alam kung bakit ako tsaka shan one month lang naman tapos tapos na. Hindi naman nya alam na gusto ko sya kaya walang problema. Exactly! He didn't know! Hindi nya alam sa gagawin nya may masasaktan sya. Bakit ba kasi ayaw mong aminin sa kanya na you like him? Malay mo naman may pag asa. Malay. Yon lang yung chance ko konting malay. What if ng dahil sa pag amin ko ay layuan nya ko. What if pag sinabi ko na gusto ko sya pag tawanan lang nya ako. Kaibigan lang ang turing nya sakin , worst ay parang kapatid pa. Ang tagal na ng mga pinag samahan nating anim at ayokong sa pag amin ko kaya tayo mag kakasira sira. Haaaaay... Girl matalino ka maganda na sobrahan sa bait kaso bobo ka pag dating sa pag ibig. Okay fine , kung yan ang desisyon mo wala akong magagawa. Wag kang iiyak iyak sakin pag nasaktan ka sasabunutan talaga kita. Hindi na ako nag salita ng hatakin nya ako sa loob ng national book store . Tahimik lang kami habang kinukuha ang mga kailangan namin. Nang matapos ay nag aya na syang kumain , agad naman akong sumang ayon dahil nagugutom narin ako. Marami kaming na pag usapan habang kumakain. Ang dami nyang inorder na pag kain. Nung tinanong ko sya kung bakit ang dami nyang inorder ang sinagot nya lang sakin ay gutom sya at sya naman ang mag babayad. Hindi na ako nag reklamo. Wala naman ako ipapanalo sa babaeng ito. Nag pahinga lang kami ng konti tsaka kami umuwi. Tulad nga ng sinabi nya kanina ay hinatid nya nga ako sa bahay. Thanks, ingat ka pag uwi. Kita na lang tayo bukas. Okay! ikaw ang mag ingat. Ingatan mo yang puso mo. See you tomorrow bye! Kinawayan ko lang sya , tsaka lang ako pumasok sa loob ng gate ng hindi ko na ito matanaw. Pag pasok sa loob ay nadatnan ko si mama at papa na kumakain ng dinner. Oh iha. Ginabi ka ata. Sino ang nag hatid sayo dito? Kumain kana ba? halika sabayan mo kami ng mama mo. Thank you pa, tapos na po ako kumain. Si shantal po nag hatid sakin, mag kasama po kami kanina galing kaming mall may binili lang po. Nag daretsyo na po kami sa bagong bukas na restaurant malapit sa mall kaya ako ginabi. I told kuya isme to tell mama naman na gagabihin ako. Oo hon, nasabi nga sakin ni isme kanina pag uwi ko. Sige na iha , Mag pahinga kana sa kwarto mo. Thank you ma. Akyat na po ako pa. Humalik muna ako sa pisnge nila bago ako umakyat. Nag linis muna ako ng sarili at suot ng pang tulog. Nahiga na ako sa malambot na kama ko, hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako. - Hi baby, kumain kana? Kinilabutan akong bigla sa lalaking nag salita bigla sa tabi ko. Nang lingunin ko ito ay tumambad sakin ang gwapong mukha ni calvin. Hindi ko maiwasan mapangiti ng marinig ang pag tawag nito sakin ng baby. Para akong sanggol na hinehele. Ngunit napawi rin ang ngiti sa mga labi ko ng makita ko gilid ang pag mumukha ng ex girlfriend nyang si shaira na masama ang tingin nito samin. Nope. May kailangan pa akong tapusin. Kasalukuyan akong nakaupo sa damuhan sa loob ng campus , maraming tao mga nakaupo rin. May nag kwekwentuhan , Nag gigitara at kumakanta at meron din katulad ko na nag aaral. Hindi ko napansin na narito si shaira. Siguro dahil tutok na tutok ako sa ginagawa ko. One month na lang kasi ay Graduation na. Bachelor of Medicine and Bachelor of Surgery ang kinuha kong course. Pangarap ko talagang maging doctor at alam kong sa edad kong bente syete ay malapit ko ng maabot ang pangarap ko. Umakbay sa sya sakin . Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Para akong naninigas sa pwesto ko. Hindi ako sanay na umaakbay sya sakin dahil kahit naman mag kakaibigan kami bihira na kaming nag sasama sama. Busy kasi ang isat isa sa kanya kanyang pag aaral para sa kinuha naming kurso. Bussiness Management si Calvin Dahil sya ang mag mamana ng Imperial Incorporation na family bussiness nila. Panganay na anak kasi sya at babae ang sumunod sa kanya. Piloto naman ang kinukuha ng kambal na si kevin at vincent. Si Karen naman ay Culinary dahil mahilig talaga siya sa mga pag kain. Nakakapag taka nga dahil ang lakas nitong kumain pero hindi ito nataba. At si Shantal naman ay Fashion Designer naman ang gusto dahil kikay na kikay ito. Tara kain tayo... Natigilan ito ng biglang tumayo si shaira at umalis kasama ang mga kaibigan nito. Sinundan lang nya ito ng tingin hanggang mawala na sa kanyang paningin. Inalis nito ang pag kaka akbay at humarap sakin. Kinalog kalog ako nito na tuwang tuwa. Bridge!!! Effective ! Nakita mo ba yung mukha nya nung tinawag kitang baby? nung umakbay ako sayo? Hahahaha! Hindi maipinta yung mukha nya. Sabi na eh epektib to. Tara kain tayo! my treat! Hep hep hep! Sali kami dyan. Minsan lang manlibre ang lokong yan , dapat hindi yan palagpasin diba kevs? Mag kakasamang dumating ang tropa. Nakangiting nakatingin kay calvin. Hindi maiwasan mag lokohan at mag asaran. Bihira ang pag kakataon na ito na mag sasama sama kami. Oo nga cross , bakit si Bridge lang ang ililibre mo? Para naman hindi tayo mag kakaibigan nyan. Pang gagatong sa sabi ni karen. Yan , basta libre bigla kayong dumadating. Oo na sige na libre ko na , Kasama kayo. Kung hindi lang ako good mood ay hindi ko kayo ililibre. Mayayaman pa nga kayo sakin. Let's go! Doon tayo sa tambayan. Nag simula na ngang mag si tayuan at umalis ang tropa samantalang lumapit sakin si shantal at tinignan ako ng kung okay lang ako look. I'm fine shan. Wag mo ako alalahanin. Inalok lang nya ako kumain kanina habang nakaakbay at tinatawag akong baby. Nandito kasi si shaira at mga kaibigan nya kanina at mukhang effective nga ang pag papaselos nya dito. Tara na? Libre nya diba? wag natin iyon palagpasin. - Bridge gising na. Hindi ba't mag jojoging ka ngayon? Kanina pa tunog ng tunog ang alarm ng cellphone mo. Rinig na rinig sa labas. Gumising kana. Hindi ako tinigilan nito sa pag alog ng katawan ko kaya napilitan na kong imulat ang mga mata ko. Opo ma, babangon na . Give me five more minutes , susunod na po ako sa inyo sa baba. Lumabas na ito ng kwarto ko. Mag kikita kami ngayon umaga ni Calvin sa isang park , ayon daw kasi sa kanyang source ay dito nag jojoging si shaira kapag umaga kaya napilitan akong gumising at bumangon ngayon umaga. Bumangon na ako at nag ayos ng sarili. Nag suot lang ako leggings sport bra at jacket pati narin ang aking rubber shoes dahil nga mag jojoging kami. Ewan ko ba. Pati ba naman sa pag jojoging kailangan pag selosin pa sya. - Hey! Kanina pa kita inaantay. Tinanghali ka ata ng gising. Tara doon tayo. Tinuro nya ang lugar kung saan nag jojoging mga tao, Hindi nakaligtas sa paningin ko ang naka kulay pink na pink na si shaira. Mula sa headban hangang sa rubber shoes nito. Mukang magaling nga ang source nya, tama ngang andito si shaira. Nag umpisa na kaming tumakbo. Sinasabayan ko lang ito. Noong una ay hindi kami napapansin ni shaira.Pero sadyang gustong mag papansin nitong kasama ko kaya naman kung anong pag kukulit ang ginawa sakin para makuha ang atensyon nito. Nag wagi naman sya dahil kasalukuyan itong nakatingin sa amin. Malayo na kami sa kanya pero tanaw na tanaw ko kung paano ito masamang nakatitig samin. Malawak na circle lang tinatakbuhan namin kaya hindi maaring hindi namin sya madadaanan. Malapit na kami ulet sa pwesto nito. Kasalukuyan itong nag papahinga, nag pupunas ng kanyang pawis gamit ang towel na dala nito. Patingin ito samin walang emosyon pero biglang sumama ang tingin ng biglang tumigil sa pag takbo si calvin at hawakan ang mga kamay ko. Baby, Pahinga muna tayo. Medyo pagod na ako. Gusto mo bang tubig? Tara doon muna tayo. Kinuha nito ang bimbo sa kanyang bulsa at pinunasan ang pawis sa mukha ko. Hinila nya ako sa damuhan kung nasaan ang mga gamit namin. Kung hindi lang ito pag papanggap ay paniguradong kanina pa akong kinikilig dito, kaso hindi e. Bridge? Are you okay? Bakit tulala ka? Ah.. o.oo okay lang ako. Ano nga ulet yon? May sinasabi ka ba? Hahahaha. Wala naman , Thank you nga pala sa pag sama mo sakin today. Wala yon ikaw pa. Sabay kaming napalingon ng dumaan sa harap namin si shaira. Hindi ito lumingon sa amin daredaretsyo itong lumakad. Nakangiti naman na parang aso ito katabi ko. Bakit? para kang aso dyan. Ngiting ngiti ka. Wala naman. Masaya lang ako dahil alam kong nag seselos sya. Alam ko bago matapos ang isang buwan ay napag isip isip nya na mahal nya parin ako at hindi yung gagong bruno na iyon. Bakit ba kasi si shaira pa? I mean , Nakipag break na sya sayo ibig sabihin ayaw na nya. Sabi nya sayo uunahin nya ang pag aaral dahil yon ang gusto ng mga magulang nya. Pero ito sya may bagong nobyo Bakit hindi ka na lang humanal ng iba, marami pa naman iba dyan. Bridge hindi iyon ganon kadali , alam nyo naman na sya ang first love ko hindi ba. Sabi nga nila first love never die. At tsaka sino naman ipapalit ko? hahahaha wala pa akong nahahanap ng katangian na meron ang mahal ko. Wala syang katulad kaya sya lang ang gusto ko. Hindi na ako nag salita pa. Para akong sinaksak ng isang libong patalim. Bakit ba kasi tinanong ko pa sya ng mga gantong bagay. Alam ko naman ang isasagot nya pero ito ako mas ginusto ko pang masaktan ng dahil lang sa mga binitawan nyang mga salita. Mahirap ba akong mahalin? Meron naman isang ako na nag aantay lang sa kanya. Hindi pa ba fit sa standard nya ang isang ako? Sabi ng iba perpekto na ako, isa na nga daw ako sa mga dream girl ng mga lalaki. Eh bakit ganon bakit para sa kanya kulang pa ang isang ako. Siguro nga dapat ay huwag na akong umasa. Matagal tagal narin naman simula ng mag ka gusto ako sa kanya. Grade school pa lamang kami noon at siguro ngayon ay sarili ko naman ang isipin ko. Okay Bridge , this time Love your self. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. Tara? Uwi na tayo. Gusto ko pang matulog. Hindi ko na ito inantay pang sumagot at nag lakad na ako papunta sa sasakyan namin na naka park sa gilid. Nag pasama ako kay kuya isme at hindi ko sya pinaalis dahil alam ko naman saglit lang itong pag papanggap namin. Una na ko calvin. Kita na lang tayo sa mga susunod na araw. Ingat ka. Kumaway lang ito sakin at sumakay narin sa sasakyan nya. Pinaandar na ni kuya isme ang sasakyan. Pinikit ko lang ang mga mata ko hangang makarating kami sa subdivision kung saan kami nakatira.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
623.7K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.6K
bc

The Lone Alpha

read
125.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
832.2K
bc

Bad Boy Biker

read
8.9K
bc

The CEO'S Plaything

read
20.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook