Episode 48

2539 Words

Chapter 48 Shany Sunod-sunod ang buntong-hininga ng malalim ni Lorenzo. Nakapameywang siyang humarap sa akin. “At ano rin sa paningin mo, hindi ako nasasaktan pagkatapos mo akong iwanan? Umalis ka na hindi man lang nagpaalam? Hindi mo man lang ako hinintay at hindi mo man lang hintay ang paliwanag ko. Nagdesisyon ka ng sarili mo lang na desisyon. Tapos ano, makikita na lang kita na may Florida na sa buhay mo? Tapos ipinakilala mo pa sa harap ng mga magulang mo at mismo sa harap ko na matagal mo ng boyfriend ang Florida na iyon? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko na itinanggi mo pa ako? Ano ang akala mo sa nangyari sa atin sa Paraiso, na isang laro lang ang lahat sa atin?’’ Namumula ang pisngi ni Lorenzo, habang sinusumbat niya iyon sa akin. “Ginawa ko iyon dahil ayaw ko mapahiya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD