Chapter 49 SHANY Kinabukasan nangawit ang mga hita ko. Pakiramdam ko umakyat ako sa bundok na walang exercise. Dahan-dahan akong bumangon ng upo sa malambot na kama. Ang sakit ng buo kong katawan. Tiningnan ko ang aking sarili at wala pala akong suot na kahit ano. Naalala ko ang matamis na pinagsaluhan namin ni Lorenzo kagabi. Pareho namin na miss ang isa’t isa, kaya nakailang round kami. Lahat ng posisyon na ginawa namin sa Paraiso, ginawa namin kagabi. Ganito pala kapag matagal na hindi nadiligan. Nakakalambot ng kalamnan kapag nasobrahang dilig. May sperm pa kayang natira kay Lorenzo? Pagkatapos namin ni Lorenzo sa sofa dinala niya ako sa isang silid rito. Napatingin ako sa kama ang gulo ng pinagdaanan namin ni Lorenzo. Daig pa yata ang dinaanan ng tornedo sa ginawa namin sa kama.

