Chapter 50 Shany Ilang araw din kami nanatili ni Lorenzo sa Isla ni Kuya Enrico, bago kami bumalik sa Holand City. Sa mansion kami dumiretso para makuha ang iba kong gamit. Lilipat na kasi kami sa Sparkle Subdivision sa magiging bahay namin. “Kumusta ang honeymoon ninyo sa Isla ni Enrico, Iha, Iho?’’ tanong ni Daddy sa amin ni Lorenzo, habang salo-salo kami kumakain ng lunch. “Ayos naman po, Dad. Lilipat na kami mamaya ni Shany sa bahay na binili ni Mommy sa Sparkle Subdivision,’’ sagot ni Lorenzo sa tanong ni Daddy. “Kuya, puwede ba roon muna ako sa bahay ninyo?’’ tanong ni Patricia. “Iha, nakakahiya naman kay Shany. Bagong kasal lang sila ng Kuya mo. Kaya, bigyan natin sila ng privacy para mabilis sila makabuo ng baby,’’ awat ni Tita Rosa kay Patricia. Sumimangot pa ito sa sinabi

